Kabanata 18

68 1 0
                                    

Kabanata 18

Isang minuto, dalawang minuto, tatlong minuto nakadikit yong lips ni Travis sa lips ko pero pakiramdam ko lumipas na yong forever hindi pa din niya papakawalan yong lips ko!

Parang gusto kung magpanggap na nahimatay, lalo na nang after niya akong halikan hinawakan niya yong baba ko, hindi ko tuloy magawang mag-iwas ng tingin.

Binuka naman niya yong bibig niya pero bago pa niya masabi yong gusto niyang sabihin inunahan ko na siya agad.

"Papasok na pala ako sa school." I told him in my hoarse voice.

He immediately smirked and then he nodded but he didn't move from his position.

Pakiramdam ko naman nawawala na naman ako, hindi ako makapagsalita, hindi ako makagalaw din sa kinauupuan ko. Paano ako mag reready nito kung naka stay kami sa iisang puwesto?

"Uhhm -" Eto na sana eh! Sasabihin ko na sa kanya na pupunta na ako nang bathroom, mag hintay nalang siya sa baba! Nakaipon na talaga ako ng lakas ng loob eh! Kaso lang he cuft me off!

"If you don't like something happening or if you have doubts, you can tell me, I'll give you a straight answer." Sabi niya sakin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko at doon lang niya binitiwan yong baba ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ang lakas din na naririnig na niya yong pagwawala ng puso ko sa loob ng rib cage ko. Wala sa sarili naman akong napatango.

"Good." At doon lang siya kumilos sa pwesto niya, tumayo na siya habang ako nakapako pa din sa kinauupuan ko.

"I thought you were getting ready for school?" Tanong pa niya sakin ulit. Pag angat naman ng tingin ko sa kanya, nakasmirk pa din siya. Agad akong nag-iwas ng tingin, takot na mapansin niya yong mamumula ng magkabilang pisngi ko.

"Oo nga!" Nauutal ko namang sagot sa kanya at saka tumayo na ako sa kinauupuan ko, umatras naman siya para magkaron kami ng gap.

"Sa baba mo nalang ako hintayin!" Nang mapansin ko na parang wala siyang balak na lumabas sa loob ng room ko pero hindi pa din siya gumalaw sa kinatatayuuan niya, pinapanuod niya lang yong bawat galaw ko. 

"Travis!"

"Okay fine! Don't take too long!" Sabi naman niya sakin at saka siya nagmarsha palabas ng room ko. Doon lang ako nakahinga ng maluwag nang tuluyan na siyang makalabas.

Napasandal naman ako sa pinto ng bathroom ko at muling napahawak sa lips ko.

First kiss ko si Travis.

Second kiss ko si Travis pa din, ano bang gustong mangyari ng mokong na yon?! Hindi naman pwedeng kiss lang kami ng kiss kapag trip niya pero shit!

Tinakip ko naman yong mga kamay ko sa mukha ko at saka walang boses na sumigaw ako sa sobrang kilig kay Travis! At kahit nung nasa shower na ako at nababasa na yong katawan ko ng malamig na water, ni-wala akong pakialam. Hindi na din mawala wala yong  malawak kung smile sa lips ko. 

 Nakakainis lang since Wednesday palang ngayon required kaming mag suot ng school uniform. Kapag hindi naman ako sumunod, hindi ako papasukan ng school guard namin. Sigh.

Napabuntong hininga nalang ako at saka ko kinuha yong school bag ko, after ko pag spray ng favorite perfume ko.

Pag labas ko ng room ko akala ko sa may entertainment room ko pa makikita si Travis kaya halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko kasabay ng magkasunod kung pagmumura nang makita ko agad si Travis sa may hallway, nakasandal sa pader, nakapamulsa at nakatingin lang sa kawalan.

"Kourtney why are you swearing?!" Sita naman agad sakin ni Travis. Sinamaan ko naman siya ng tingin at saka sinabing,

"Travis!" I called him using my annoyed voice.

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now