Kabanata 40

58 1 0
                                    

Kabanata 40

"Psh! Stalker!" Akala ko nga babarahin ako ni Travis, sasabihin na assuming ako pero hindi siya nag salita. 

"Just say that the place where your new work is far from home, so you will go home every week. With Ttia -" Napahinto naman si Travis sa pagsasalita at saka siya nag clear ng throat.

"I mean, mrs Martinez, is with your cousin who is studying in college, right? She's with her on the days you can't come home."

"Ilang araw naman yong day off ko?"

"Hmmm." Sagot naman niya sakin.

"Dapat dalawang araw! Saturday at Sunday." Pag de-demand ko agad.

"I'm the one who decides on that Kourtney!" Mariin namang sagot sakin ni Travis, napasimangot naman ako.

"Aba! Sa tingin mo ba gustong gusto kitang kasama? Durog na durog na nga yong pride ko nang dahil sayo eh! Isipin mo, tinurn down mo na nga ako nung inaya kitang magpakasal tapos ngayon gagawin mo pa akong maid!"

"It's because your reason for marrying me is invalid."

"Business reason naman yon, makikinabang ka din naman! At saka ganyan din naman yong reason mo kaya mo papakasalan si K-" Kaso lang hindi ko na natuloy yong sasabihin ko kasi biglang may nag flashback sa isip ko na sinabi niya sakin,

"I already have a Fiancée, Kourtney and we're getting married. I can't marry you. I love her and if I ever get married, it's the woman I love and it's Kim."

Naramdaman ko naman yong unti unting magtutubig nang magkabilang gilid ng mga mata ko.

"Hay, sa bagay kahit ano namang sabihin ko sayo hinding hindi pa din magbabago yong isip mo. Anyway, magkano naman ang magiging sweldo ko sa pagiging personal maid ko sayo?"

"How about fifty thousand per month?" Preskong sabi niya sakin. Nanglaki naman yong mga mata ko sa sinabi niya, kulang na ngal ang lumabas na 'to sa eye socket ko eh!

"Ha? Seryoso ka ba dyan? Baka naman prina-prank mo lang ako?!"

"You will sign a contract when we return to the city." Bigla tuloy akong na-excite, ang laki kasi masyado ng sweldo! Sa kape na pinagtra-trabahuan ko ten thousand lang yong monthly salary ko pero nababawasan pa yon at hindi ko buong nauuwi kasi meron pang mga deduction.

"Sana kasi maaga mong sinabi sakin na fifty thousand pala yong sahod ko eh di kanina pa sana ako nag o-oo sa gusto mong mangyari!"

Poker face lang yong sinagot sakin ni Travis pero hindi ko nalang masyado pinansin, ang dami ko na kasing naiisip na pwede kung magawa sa monthly salary ko sa kanya. Mababayaran ko na yong balance namin sa inu-upahang bahay, makakapag bayad pa ako nang advance na rent. Mabibili ko na din nang gamot si mom na maintenance niya.

Hindi lang din puro delata at mga noodles yong ulam namin this time, hay once in a bluemoon nalang kami mag ulam nang masarap pero as soon as mag start na ako kay Travis iba na. Medyo gagaan na yong buhay namin at oo nga pala sa iskwater nga pala kami nakatira. Magtatry na din akong maghanap nang mas matinong lugar na pag-uupahan namin kapag nakuha ko na yong first payment ko kay Travis.

***

"What are you doing?" Sweet na tanong ni Travis sakin, nakatapat kasi yong phone ko samin habang naka-open yong camera.

"Let's make a video for remembrance." Masayang sabi ko naman sa kanya. Ngumiti naman siya sakin at saka niya ako hinalikan sa may pisngi ko. Napangiti nalang din tuloy ako. Nakakakilig! Hindi talaga ako makapaniwala na nangyayari 'to! Grabe! Alam ko paulit ulit ko nang sinasabi 'to pero kung panaginip man 'to ayaw ko na talagang magising.

The Substitute BrideМесто, где живут истории. Откройте их для себя