Kabanata 33

40 3 0
                                    

Kabanata 33

Napag-alaman ko na dito namin ispend yong buong weekend namin ni Travis sa lake. Syempre, sobra saya ko at excited para sa mga susunod na mangyayari samin since gusto na din niya ako! OMG! For sure eto na yong pinakamasayang vacation ko kasama niya. Kaming dalawa lang dito kaya it means solong solo ko siya. Akin lang siya sa susunod na three days! Sana hindi na matapos 'tong three days na 'to para forever ko na siyang makasama dito. Haha.

After all this years, hindi din niya napigilang yong sarili niya at nafall na din siya sakin. Insert evil laugh. Hindi ako makapaniwala. Super duper nakakakilig kaso lang may isa akong malaking problema!

"Wala akong damit!" Problemadong sabi ko sa kanya, halos maiyak iyak na nga ako eh. Nasa loob pa din kami ng car niya pero nandito na kami sa lake house na pag-aari lang ni Travis! Yes, hindi 'to sa family niya kung hindi kay Travis lang.

"Hindi ako makakapag swimming, wala din akong masusuot na pamalit." Malungkot kung sabi. Ano? Dahil ba alam niya na gusto ko siya at gusto na din niya ako, okay lang na hindi na ako magpapalit ng damit? Urgh! No way! Ayaw ko ngang maturn off siya sakin! Ang playboy playboy pa naman nitong si Travis paano nalang kung dahil sa hindi ko pagpapalit ng damit maturn off siya sakin? Tapos magbago na yong isip niya tungkol sa pagkakagusto niya sakin?

"Stop overthinking, Kourtney." I turned to Travis as I frowned at him.

"How can I enjoy myself! I don't have a swimsuit! I want to go swimming!" Reklamo ko sa kanya and then he sighed.

"You have clothes in the back seat, I asked Steven to shop for your clothes." My eyes widened, hindi ako makapaniwala!

"Seryoso?!" Kinalas ko na yong seat belt ko at saka ako gumalaw sa kinauupuan ko para masilip yong mga damit na sinasabi ni Travis for me.

"You can check it later, let's go outside first. It's almost time for lunch and I have to cook our food." I was even more surprised, but before I could react, Travis got out of the car. Kaya dali dali na din akong sumunod sa kanya. Sige na nga mamaya ko na titignan yong mga damit na sinasabi niya.

Paglabas ko naman naamoy ko agad yong fresh na fresh na simoy ng hangin, iba sa hangin na meron yong city. Symepre sumunod ako agad kay Travis at saka tumabi sa may gilid niya at sinabing,

"Wow! Ang ganda dito!" Pag tingin ko kasi sa paligid ko sobrang ganda na willing na akong tumira dito forever basta kasama si Travis!

Literal na kaming dalawa lang talaga yong tao dito at kung may marinig ka mang ingay maririnig mga huni lang ng ibon. Tinake naman ni Travis yong chance na yon, para kunin yong mga gamit namin sa back seat at totoo nga yong sabi niya may nakita kasi iilang paper bags ng iba't ibang luxury brands tas meron din'g tatlong malaking picnic basket siya na nilabas. So, yon pala yong food namin for the next few days na mag stay kami dito? Grabe! Sobrang na-appreciate ko talaga na pinaghandaan niya 'tong trip na 'to.

"You stay here first, I'll be back and I'll take this inside." Sabi naman ni Travis kaya napalingon ako sa kanya at nakita ko na tinuturo niya yong tatlong basket na malaki.

"Uhhm, tulungan na kita." Sabi ko naman sa kanya agad at akmang lalapit na sana ako doon sa mga paper bags para yon yong bubuhatin ko nang,

"I can do it, just leave it there. I will be back anyway." At saka niya sabay na binuhat yong dalawang malaking picnic basket. Nakagat ko naman yong pang ibabang labi ko at saka ko nilagay sa may likuran ko yong dalawa kung kamay bago ko siya sinagot,

"Uhhm, sige." Grabe! Bukod sa pagiging gwapo at malakas, ang gentleman din ni Travis! Mas lalong nakakainlove!

Pakiramdam ko tuloy nasa honeymoon kami ni Travis ngayon! Hihi!

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now