Kabanata 19

46 1 0
                                    

Kabanata 19

"Hoy Kourt sandali lang naman!" Sabi ni P.

"Ano bang minamadali mo dyan?" Tanong pa ni Adisson sakin. Naka may pinto na ako at ready'ng ready na sa pag alis papunta sa may parking lot habang sila P at Adisson nag reretouch pa ng mga make up nila.

"Bye, Kourt." Sabi pa ng isang classmate ko na dumaan sa may gilid ko. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ingat kayo!"

"Hintayin mo naman kami. Ano bang meron at nagmamadali ka?" Si P ulit na nag lilipstick naman.

Tumingin na muna ako wrist watch ko bago ko sinagot si P. 5:005 PM na!

"Meron kasi kaming lakad ni mom! Baka nasa parking na yon nag aantay sakin..." Palusot ko naman sa dalawa.

"Bukas nalang tayo mag sabay sabay pauwi?" At saka ako muling bumalik sa loob ng classroom, lumapit ako kay Adisson since siya yong pinaka malapit at saka ko siya hinalikan sa cheeks. 

Tapos is P naman yong next ko na bineso beso.

"Ingat kayo sa pag uwi. See you tomorrow girls!" At saka ako tuluyang lumabas ng classroom namin.

Nasabi ko na kanina kay manong Sergio yong family driver namin na naghahatid sundo sakin sa school na hindi ako magpapasun do ngayong hapon dahil may usapan na kami ni Travis.

Napapakagat naman ako nag pang ibabang labi ko sa tuwa kasi makakasama ko na naman si Travis.

Napakunot nga lang yong noo ko kasi habang unti unti akong papalapit sa may parking, napapansin ko na mas madaming student ang nakatambay ngayon dito compare kahapon or nung nakaraan.

Anong meron? Tanong ko pa sa sarili ko.

"Excuse me. Excuse me." Paano ba naman kasi ang crowded ngayon sa parking lot.

Ano may artista ba dito na mag co-concert sa parking lot?

"Excuse me." Sabi ko pa ulit, sinusubukan ko kasing pumunta sa same spot na pinag paparking-ngan ng sevice ko kasi sure akong doon din sa same spot na yon magpapark si Travis.

"Ano ba ate! Nauna ako dito eh!" Reklamo naman sakin ng isang kaschoolmate ko nang mag sabi ako sa kanya ng excuse me.

"Gusto ko lang makapunta sa service ko. Hindi naman kita aagawan dyan sa puwesto mo." Matabang kung sabi sa kanya. Inirapan naman niya ako pero hindi ko nalang pinansin.

Yong excited na nga akong makita si Travis tapos ganito lang pala yong maabutan ko sa parking lot. Kainis!

Hindi lang si ate yong umirap sakin, mga dalawang babae pang umirap sakin. Masyado lang maganda yong mood ko na pinalagpas ko nalang yong pag a-attitude nila sakin pero for sure kung kasama ko sila P at Adison papatulan nila 'tong mga palakang 'to!

Hanggang sa wakas nakalagpas na din ako sa alon ng mga tao, ang nakakairita lang kung san pa yong paradahan ng service ko mukhang doon pa mismo yong concert ng kung sino mang artista 'to. Kainis naman! Bakit ba kasi dito pa yong pa-concert pwede naman doon sa gym?! Mas maganda nga doon, my bleachers, may stage at may social distancing.

Sino ba kasing artista 'to? Mukhang sikat na sikat at dinumog pa talaga dito.

Pero wala akong interest sa kanya. Nasan na kaya si Travis? Nandito na kaya siya sa parking? Kung nasa parking na siya, nasan kaya siya banda? Huhu! Sana talaga hind iako mahirapan na hanapin siya, sa dami ba naman ng tao dito sa parking.

Wala pa naman akong phone number niya. Kung sa Facebook at Instagram naman, hahanapin ko pa siya, eh ang dami ba naman ng dummy ako pano ko mahahanap yong totoong account ni Travis doon?

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now