Kabanata 28

45 1 0
                                    

Kabanata 28

Dumami naman agad yong mga nakinuod sa nangyayari, may mga girls na napasigaw din ng muling suntukin ni Seth si Liam mabuti nalang at nakailag si Liam.

"Tama na Seth! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!" Pigil ko pa sa kanila ni Liam at saka ako lumapit kung san sila magsusuntukan sana.

"Kourt!" Boses ni P na tunog nag-aalala sakin.

"Tumawag na kayo ng teacher!"

"Yong coach nila Seth!"

"Tigilan niyo sila! Ano pa bang tinatayo tayo niyo dyan?!" Mga side comments ng mga schoolmates ko. Muli na namang nagtiliin ng makaisang suntok din si Liam sa mukha ni Seth. Ayan patas na sila!

"Anong magagawa ko kung mas gusto na niya ako?! T angina ka din!" Sagot naman pabalik ni Liam kay Seth.

"Tama na yan Liam! Seth!" Mabuti nalang atm ay tumawag nga ng tulong, magkakasunod kaming nakarinig ng pinto at ang sunod na nangyari ay nasa loob na kami ng dean's office.

Ako, si Liam, yong isa sa mga teacher's namin sa engineering department, si Seth at yong coach niya sa basketball team.

"My secretary has already called your parents, we'll just wait for them before the meeting starts." Our dean said strictly. Napabuntong hininga nalang ako habang masama pa din yong tingin ni Liam at Seth sa isa't isa pero wala na akong pakialam sa kanila.

Wala akong ibang maisip kung sino ang pupunta para sakin ngayong araw? Lately ang busy ni mom and dad sa work dahil nga part si dad ng mga building na project ng FRGR na may nareport na nagcollapse. Mas lalo tuloy dumami yong work niya, habang ang mom naman stress din lately affected kasi yong company namin sa news about sa mga nag cocollapse na building ng FRGR, nung isang araw narinig ko habang pababa ako ng hagdan na iilang investors na ang nagback out sa project na ang gusto nila si dad yong maging engineer because of that news.

Sinisira ng FRGR ang pangalan ni dad, gusto ko na nga siyang iask bakit nasa FRGR pa din siya pero mukhang ayaw nila ako maging part ng issue na yon kasi kapag kasama ako nila mom and dad hindi sila nag uusap about sa issue sa work. Sigh.

Pati din yong board members sa company namin, nabawasan. May mga nagsi-pull out na ang ang reason nila ay dahil doon sa mga failed project ni wala pa nga silang proof na may kinalaman si dad, nag assume na sila agad! 

Hindi din nama nagtagal at dumating ang mom ni Liam, nag tnaong agad kung anong nangyari sa anak niya. Bakit daw may pasa sa gilid ng bibig pero hindi nag salita si Liam, tumingin ang mom niya sa iba pang nasa loob ng dean's office including me at nang magkaeye to eye kami napatingin niya sakin mula ulo hanggang paa at siya napabuntong hininga.

Mukhang may idea na siya sa kung anong nangyari, I guess. Sunod namang dumating is yong dad ni Seth. Tinapik lang niya sa may balikat si Seth at saka naupo sam ay tabi nito pero hindi naman siya nag ask kung anong nangyari.

Tahimik pa din ang lahat sa loob habang ako naman ay nakatitig na sa wrist watch na suot suot ko, mag dadalawang oras na kasi yong lumipas magmula ng ipunta kami dito sa dean's office pero wala pa din'g dumarating para sakin.

"Excuse me po." And all the attention immediately went to me, pero nag focus lang akong nakatingin sa dean namin.

"Can I call my mom and dad to check where they are?" Mabuti nalang at pumayag si dean, kaya naman lumabas muna ako sandali sa loob ng dean's office para matawagan isa isa sila mom and dad.

First call na ginawa ko, is para kay dad at ang sagot agad sakin ng operator is the number you had dialed is out of coverage.

Urgh! Bakit naman sa dinami rami ng oras na hindi pwedeng macontact si dad ngayon pa talaga?

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now