Kabanata 45

81 1 0
                                    

Kabanata 45

The next day...

"Ate! Ate gumising ka na dyan!"

"Hmm.." Antok pa nga yong tao eh.

"Ate!" Si Anya na kung makagising naman sakin akala mo may sunod!

"Ate gumising ka na, dali!" At saka niya hinila yong kumot na nakatakip sakin. Nasilaw tuloy ako nang liwanag na dala ng sikat nang araw.

"Ate!"

"Hmm..." Sagot ko naman sa kanya at saka ko unti unting minulat yong mga mata ko, pero ramdam ko pa din yong pamimigat nang talukap ko dahil sa antok, pati na din yong katawan ko halatang halata na kulang pa sa pahinga. Ramdam ko pa din kasi yong pagod ko sa ilang araw na nawala ako.

Alam naman kasi ng bruha'ng 'to na late na nga kaming natulog last night tapos ngayon kung makagising siya akala mo naman may emergency! Sigh.

"Hay! Kanina pa kita ginigising eh! Maligo ka na!"

"Urgh! Antok pa nga ako!" At saka ko sinubukang kunin yong kumot ko na nasa bewang ko na kaso pinigilan ako ni Anya at saka niya ako pilit na pinapabangon mula sa pagkakahiga sa bed ko.

"May bisita tayo! Ano ganyan ka haharap? May namuong laway sa gilid ng bibig at mga muta sa gilid ng mga mata?" Magkakasunod na tanong naman niya sakin pero mas nagsink in sa utak kung inaantok pa yong sinabi niyang may bisita daw kami.

"Ha? Sino namang bisita natin?" Naguguluhan kung tanong sa kanya, wala naman kaming kaibigan na kapitbahay kasi lately lang kami nangupahan dito sa bahay at medyo malayo din 'tong bahay na 'to sa iba pang bahay na nakatayo sa area na 'to. Wala din naman akong matandaang kaibigan sa trabaho na pinagsabihan ko nang address namin, actually wala nga ako halos nakakaclose na workmate kasi six month six months lang yong contract ko sa mga work na pinapasukan ko since, hanggang first year college lang naman ang naabot ko.

"Lalake eh!" Sabi niya sakin at saka siya ngumisi sakin nang makahulugan. Napakunot naman yong noo ko, wala akong idea kung sinong lalake yong sinasabi niya.

"Matangkad! Mukhang sosyal! Mayaman!" Sunod sunod pa niyang sabi at out of the blue biglang nagpop up sa isip ko si Travis. Nanglaki naman yong mga mata ko na kulang nalang lumabas na sa eye socket ko pati na din yong puso ko hindi ko na maramdaman sa may rib cage ko, shuta! Nakatalon na ata palabas nang katawan ko sa sobrang kaba! Napatingin pa nga ako sa may floor, para icheck kung andon na ba yong puso ko nahulog.

"Si mom?!" Nagpapanic na tanong ko sa pinsan ko.

"Ano-" Kaso lang bago pa niya masagot yong tanong ko nagmadali na akong bumangon sa bed ko at saka ako patakbong lumabas sa maliit naming sala. Sobrang kabado ako, kasi sure na sure akong si Travis yong nasa living room namin.

Akala ko ba napagkasunduan na namin 'to?! Urgh! Grabe ang tigas talaga ng ulo niya , hindi marunong makinig! Ni-wala man lang consideration! Parang gusto ko tuloy maging violente kay Travis ngayon na mismo! Ang aga aga puro siya kalokohan! Ang pasaway niya grabe! At saka sinabi ko naman sa kanya yong health condision ni mom! Akala mo ba malinaw na yon sa kanya?! Pano na 'to ngayon?

So, ayun grabe yong pag-oover think ko at pag flood ng questions sa isip ko na akala ko sasabog na yong utak ko bago ako makarating sa liit na sala namin.

"Mom?!" Hanap ko agad sa kanya at how I wish hindi ako nagpadala sa feelings ko kasi,

"Ate!" Wala akong mom na nakita sa sala namin, sa imagination ko si mom nakaupo sa mahabang sofa namin habang kaharap naman si Travis sa single sofa, na nakaupo din. Galit at masungit si mom kay Travis habang parang maliit na pusa naman si Travis na tiklop na tiklop sa presence palang ni mom.

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now