Kabanata 36

71 1 0
                                    

Kabanata 35

Present time...

Dahan dahan ko naman minulat yong mga mata ko kasi pakiramdam ko may nanunuod sakin habang natutulog ako.

At tama nga ang hinala ko kasi pag open ko ng mga mata ko, may nakita akong lalake na nakasandal sa gilid ng pinto kung naka-open na, bumangon naman ako mula sa pagkakahiga at saka ako sumandal habang naka-upo sa headboard ng bed ko.

"Wala ka bang ibang gagawin?" Masungit ko na tanong sa kanya kasabay nang pag cross ko ng arms ko sa dibdib ko. Sinaaman ko din siya ng tingin.

At saka bakit ba topless 'tong mokong na 'to?! Hindi naman mainit dito kasi may aircon naman! Ano trip lang niya ibalandra yong katawan niya? Eh, bakit dito ba sa room ko? At saka ako magkakasunod na napalunok habang pasimple kung binibilang yong abs niya.

Eight na yong abs niya kasi! Dati noon six lang. Pasimple ko namang hinawakan yong likod ng ulo ko, ang totoo nyan gusto ko talagang batukan yong sarili ko kasi kinulong na nga ako nila Travis dito pero yong pag check out pa sa katawan niya ang inuuna ko. Kung hindi lang talaga nakabantay si Travis sa bawat kilos ko eh!

"You've been here for a few days but you haven't gone out yet, aren't you bored here?" Tanong naman niya pabalik sakin kasabay nang paglibot ng mga mata niya sa kabuoan ng room ko.

"Hwag kang mag-alala wala akong way para makatas dito, kahit naman payat ako sure ako na hindi ako kasya dyan sa grills ng bintana mo!" Galit kung sabi sa kanya, kumunot naman yong noo niya na para bang wala siyang idea sa sinasabi ko. Napasimangot naman ako.

"Your skin look too white, that it makes you look pale and like sick. Get some sun." At saka siya nag shrugged ng shoulders niya. Ni-hindi man lang niya pinansin yong sinabi ko about sa pagtakas ko kaya mas lalo akong naiinis.

Kahit ilang years na yong lumipas na hindi kami nagkita at nagkausap hindi pa din siya nagbabago, lalo na pagdating sa ugali.

"Wala kang pakialam." Masungit kung sabi sakanya.

"Just a suggestion." And then he turned his back on me, I frowned. Did he forget or sinadya niya talaga iwan yong pinto ng room ko na naka-open, diba kinukulong nila ako dito kasi pinakidnap ko siya kaya bakit parang kung ituring niya ako nakatira din ako dito sa bahay niya at hindi ko siya ginawan ng mali.

Kaya naman dali dali akong bumangon sa bed ko at saka ko siya hinabol pag dating ko naman sa may bukana ng door ko, naglalakad palang siya sa hallway, actually naglalakad ng mabagal...

"Nakalimutan mo bang ilock 'tong pinto ng room ko?" Hindi naman siya huminto sa paglalakad kaya nag assume pa ako na hindi niya ako narinig, akmang tatawagin ko na naman sana siya kaso lang,

"It wasn't really locked the first day my mens brought you there." Nanglaki naman yong mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko yon inaasahan ah, pero nag assume din kasi ako in the first place na nakalock nga yong door. At ayun na nga para hindi masayang yong effort ko hindi na ako nagtakang mag hanap ng way para makatakas dito sa island.

Private island din kasi eto at kailangan ko ng private transportation para makaalis sa island na 'to. Isa pang malaking problem ko is hindi ko naman alam magpatakbo ng Yatch or kaya ng helicopter, kailangan ko yong mga lalaking inupahan ko para maalis sa island na 'to since sila din yong nagpaandar sa Yatch nung nagpunta kami dito.

Muli naman akong bumalik sa room ko at hindi pa din makapaniwala sa freedom na binigay sakin ni Travis. Ah, sa bagay wala din naman akong alam na self defense.

May cabinet ako sa loob ng room pero hindi ko pa nacheck yong laman nun, nung mga nakalipas na araw kasi wala akong ginagawa kung hindi humiga higa lang dito sa bed ko. Literal na kain, tulog at higa kung hindi pa inaantok yong ginawa ko. Ang dami ko na ngang tulog eh.

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now