Chapter 1

10.6K 181 3
                                    

Hays, kay hirap ng buhay. Napa buntong hininga na kang ako habang nag lalakad ako papunta dun sa mansion na pagtatrabahuhan ko. Lakad lang muna ako ngayon dahil wala na akong pera. Wala na akong mga magulang at walang pakielam sa akin yung iba kong mga kamag anak. Kaya heto ako namumuhay at nag hihirap mag isa. Kinailangan kong tumigil sa pag aaral sa kadahilanang wala na akong pera pang kain at pang baon sa school.

Mabuti na lang dahil ang bestfriend kong si Kimberly ay nahanapan ako ng trabaho. . Yung kapatid kase ng Mommy niya ay nag hahanap ng pwedeng maging maid nung anak nito at malaki ang sweldo. Mayaman si Kimberly pero hindi siya katulad nung iba na masama ang ugali.

Bigla akong napatigil sa pag lalakad, saan nga ba ulit yung mansion na pupuntahan ko? Napatanong ako sa  sarili ko dahil halos ng mansion dito ay malalaki. Ang palatandaan na ibinigay lang sa akin ni Kim ay yung pinaka malaking mansion daw. Agad kong inikot ang aking paningin hanggang sa tumama ang paningin ko sa isang gate na nasa pinaka dulo ng kalsada. Agad akong lumapit dito at nabasa ko ang malaking sign na may nakalagay na ‘MonteAlveroz Villa’ Agad akong napangiti dahil ito na yung sinasabi ni Kim. Mag papasama sana ako sa kaniya pero may date sila nung boyfriend niya kaya ako na lang ang mag isang pumunta.

Agad akong nag lakad papunta dun sa may gwardiya at ibinigay yung papel na ipinabibigay ni Kim. Nang mabasa nila iyon ay pinapasok na din nila ako kaagad sa loob. In fairness sa mansion na ito ha, sobrang ganda. Pero kailangan ko pang mag lakad ng kaunti dahil medyo malayo pa yung mansion.

Nang makarating ako sa mismong mansion ay may ingay na agad akong narinig. Mula ito sa loob at mukang may nag aaway. Agad akong pinagbuksan ng maid ng pinto at doon bumungad sa akin ang isang lalaking nag wawala habang pinapakalma siya ng kaniyang mga magulang.

“Calm down Theo, stop with your stupid tantrums. Hindi ka pa ba titigil? 15 maids already quit their job here because of you Theo! Bawas bawasan mo ang pagiging spoiled mo at tumigil ka na.” sigaw nang ama nung lalaki habang yung lalaki naman ay nag babasag ng mga gamit. Sobrang kalat na ng mansion nila at puro basag na vase sa sahig.

Akala ko ba maid ang kukuhanin kong trabaho? Don't tell me napunta ako sa mental? Ano ba kaseng nangyayari dun sa lalaki.

“No Dad she's the one i want! I want her! She's mine! Please tell her to come back to me. ” sigaw nung lalaki sa ama niya. Kita ko na natatakot lahat ng mga tao na nandito habang pinipigilan nila yung lalaki.

“Anak nakipag hiwalay na siya sayo. Kalimutan mo na siya, makakahanap ka naman ng bago. I know that you really love her but you have to move on.” umiiyak na saad nung babae na nanay niya siguro. Agad na napatigil yung mag asawa ng makita nila ako, ngayon lang siguro nila napansin na nandito ako.

Halos tumigil ang mundo ko ng tumingin sa gawi ko yung lalaki at nasilayan ko ang napaka gwapo niyang muka. Makapal na kilay, matangos na ilong at mapupulang labi. Mas lalo siyang naging gwapo dahil sa kakaibang kulay ng mata niya. Isang kulay asul at isang kulay abo. Wow ha, may lahi ba sila?

“Go to your room Theo, we'll talk later.” aniya nung ama niya. Madiin na nakipag titigan sa akin yung lalaki bago siya naglakad papaakyat sa kwarto nito.

“Oh hi ija, you must the new maid my niece Kim said. I'm Taliah MonteAlveroz and this is my husband Trevor MonteAlveroz. Welcome to our son's mansion, I'm sorry its a bit messy here. Ija tatanggapin mo ba ang trabahong ito? Kahit ganiyan ang ugali niya? I desperately need someone to take care of him. Me and my husband needs to go to California for business meeting.” aniya nung babae bago niya ako pina upo sa may sofa. Nag dadalawang isip ako kung tatanggapin ko yung trabahong ito. Natatakot kase ako dun sa lalaki. Oo gwapo siya pero mukang hindi ako tatagal dito. Akmang mag sasalita na ako ng pangunahan ako nung babae.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Where stories live. Discover now