Chapter 9

4.4K 77 1
                                    

“Klea!” sigaw ng pamilyar na boses nang makarating kami dito sa venue. Agad na tumakbo papalapit sa akin ang taong iyon. Nabigla ako nang makita ko si Keisha ito. Agad niya akong niyakap nang makalapit siya sa akin.

“Grabe ang tagal na since nung huli tayong nag kita. I miss you.” malambing na saad niya bago ko siya niyakap pabalik.

“I miss you too Keisha. By the way nasaan yung twins? Gusto ko na silang makita.” masayang saad ko. Akmang mag sasalita na siya ng biglang lumapit sa amin si Kuya Kiello.

“Happy Birthday po Kuya.” pag bati ko dito bago ako nakipag beso sa kaniya.

“Thank you Klea” pag papasalamat niya bago siya lumapit kay Gavin at binati siya nito.

“Nasa taas yung kambal. Tara puntahan natin sila.” pag aaya niya kaya iniwan ko na lang muna sila Kim at Gavin doon. Agad kaming umakyat sa kwarto nila at nang buksan ni Keisha ito ay bumungad sa amin si Jaslyn na pinapalitan na ng diaper yung kambal.

“Ang gwapo naman.” masayang saad ko bago ako lumapit sa kambal. Ang cute nila grabe, para tuloy gusto ko nang magka anak.

“Si Thyne Kirsten yung pagalaw galaw at si Thyme Keisha naman yung natutulog.” pag papakilala niya dun sa mga kambal sa akin. Ang cu-cute nung mga anak niya pero..

“Keisha bakit hindi ikaw yung kamuka?” tanong ko dahilan para matawa si Jaslyn.

“Pati ba naman ikaw napansin mo yun. Wala naman akong magagawa kung hindi tanggapin ito dahil malakas ang dugo ni Tristan kaya siya ang naging kamuka nung kambal” nakangusong aniya niyo dahilan para matawa kami.

“Cheer up besh. Okay lang yan.” panunuyo ni Jaslyn habang nag pipigil ng pag tawa.

“Ganiyan kayo ha, tinatawanan niyo lang ako. Kapag talaga kayo nagka anak tapos hindi niyo kamuka ako naman ang mag tatawa.” inis na saad ni Keisha. Hirap siguro nun noh? Ikaw ang nag buntis ng siyam na buwan tapos pag labas yung ama ang kamuka. Mag sasalita na sana si Jaslyn nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Sevy at Pearl na mukang kakarating lang.

“Klearrah Lexie Callorez?”  gulat sigaw nilang dalawa bago lumapit sa akin at niyakap nila ako.

“Kamusta na kayo? Pasensya na kung hindi ako makasama sa gala niyo nung nakaraan. Naging busy kase ako sa trabaho.” aniya ko sa kanila bago ko sila niyakap pabalik.

“Okay lang naman ako. Hindi din ako masyadong makagala dahil buntis ulit ako.” pag babalita sa amin ni Pearl dahilan para magulat kaming lahat.

“Buntis ka nanaman?” gulat sa sigaw ni Sevy habang kami naman ay hindi makapaniwala sa sinabi niya.

“Seryoso buntis ka talaga?” tanong ko sa kaniya.

“Oo nga 3 weeks na. Hindi inaasahan pero masusundan na yung kambal. Gusto na din kase nila Xhantel at Xavier ng bagong kapatid.” pag papaliwanag niya.

“Gusto nung kambal o gustong umisa ni Xander?” pang aasar ni Keisha. Napatawa naman kami dahil sa sinabi niya. Pero baka si Xander naman talaga ang may gusto.

“Ikaw Sevy kamusta ka na?” tanong ko rito.

“Okay naman, busy lang sa pag aalaga kay Terrence.” saad niya.

“Ikaw kamusta ka na? May boyfriend ka na ba?” tanong ni Pearl dahilan para mapatahimik ako. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila na may naging boyfriend ako. Pati wala naman kaseng kasiguraduhan kung nagkaroon ba talaga kami ng relasyon ni Theo eh.

“Wal—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Tristan habang kasama si Tyler, Xander at may isa pang lalaki.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Where stories live. Discover now