Chapter 6

4.8K 77 1
                                    

“Are you f*cking serious Kuya? Why would you do that? Alam mo bang halos mabaliw na ako kakahanap sa kaniya. Akala ko nga nilayasan na niya ako dahil naka hanap na siya ng bago.” galit na sigaw ng kung sino habang nakapikit ako at nakahiga sa kama. Ano bang nangyayari? Ang aga aga pa nag aaway na sila?

Agad kong iminulat ang aking mata at tumayo sa aking kinahihigaan. Medyo inaantok pa ako pero biglang nawala ang antok ko ng maalala ko yung cake ni Kim na nada ibabaw ng lamesa. Teka bakit ba ako nakatulog? Ang huli kong naaalala ay yung nag de-design pa ako ng cake niya.

Akmang tatayo na ako ng bigla akong napatigil dahil biglang kumirot ang pagka babae ko. Nanginginig ang dalawa kong hita habang naka upo ako dito ngayon. Ano bang nangyari sa katawan ko? Mas lalong lumalakas ang mga sigawan kaya pinilit ko ang sarili kong makatayo para malaman kung sino yung mga nag aaway. Sinugod ba kami ng kapit bahay? Wait don't tell me nag videoke sila kagabi at masyadong maingay kaya nag patawag ng barangay yung kapit bahay.

Paika ika akong naglakad papunta sa may pinto at binuksan ko iyon. Bumungad sa akin si Theo na pinapagalitan yung apat dahilan para magulat ako. P—Paano niya nalaman na nandito kami? Sino nag sabi sa kaniya?

“At ikaw naman Kyzer. Alam mo na pala kung nasaan si Klea tapos hindi mo pa agad sinabi sa akin. Ikaw naman Kim, bakit mo naman naisipang gawin ito? Ang lalakas ng tama niyo! Akala niyo siguro hindi ko mahahanap si Klea noh?” tanong niya sa kanila. Base sa tono ng pananalita niya ay galit siya, tahimik namang silang naka upo at hindi makapag salita.

Ihahakbang ko na sana ang aking paa ng muling kumirot ang aking pagka babae at napa sigaw ako.

“Ahh!” sigaw ko bago ako napahawak sa may doorknob. Agad siyang tumigil sa pag sigaw at napatingin sa akin bago siya lumapit sa akin.

“Bakit gising ka na agad? Alas tres ka natulog kagabi Klea. Bumalik ka muna sa kwarto at mag pahinga.” nag aalalang aniya niya bago niya ako binuhat.

“Hindi na ako inaantok saka bakit nag sisigawan kayo dito?” tanong ko habang naglalakad siya papalapit sa sofa at inilapag niya ako doon bago siya ngumuso.

“Kase itinago ka nila. Alam mo bang palagi akong nag iinom para kalimutan ka pero hindi ko magawa. Hindi kita maalis sa isipan ko kaya halos mabaliw na ako kakahanap sayo. Bakit ka ba kase pumayag na sumama sa kanila?” tanong niya habang hinihimas ko ang hita ko. Namamanhid nanaman kase yung hita ko.

“Masakit pa ba yung pagka babae mo?” tanong niya habang pinipisil pisil niya yung hita ko.

Agad naman akong tumango bago sumagot ng “Medyo masakit pa pero okay na ako.” paninigurado ko sa kaniya bago ako umayos ng upo.

“May binili akong pain k*ller Klea, gusto mo na bang gamitin?” nag aalalang tanong niya pero umiling na lang ako. Teka bakit parang naging concern na siya sa akin? Dahil ba gusto na niya akong bumalik dahil wala na siyang mahanap na mag papanggap bilang girlfriend niya? Kaya lang ba siya concern sa akin ay dahil gusto niyang bumalik ako para matuloy yung pagpapa selos niya kay Ma'am Felicia?

Kanina maayos ang mood ko pero bigla akong nainis.

“Iwanan niyo muna kaming dalawa dito.” aniya ko kila Ate Karin, Kuya Theron, Kuya Kyzer at Kim. Agad naman silang sumunod sa sinabi ko at iniwan nila kaming dalawa ni Theo sa may sala.

“Kung ang dahilan lang ng pag punta mo dito ay upang ituloy ang pagpapanggap para pag selosin si Ma'am Felicia, mag hanap ka na lang ng ibang babae na tatanggap sa trabahong iyan. Mag re-resign na lang ako.”aniya ko dahilan para mag iba ang ekspresyon sa muka niya. Kanina nag aalala ang ekspresyon niya pero ngayon ay galit na siya.

“At sa tingin mo papayag ako? Wala ka nang mahahanap na ibang trabaho Klea. Sa akin ka lang makakapag trabaho kaya sa ayaw at sa gusto mo ay itutuloy natin ang pagpapanggap.” galit na saad niya bago niya mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Where stories live. Discover now