Chapter 19

3.2K 65 0
                                    

Ngayon na ang araw na kailangan kong pirmahan ang divorce paper namin ni Theo. Since ayaw ko siyang makita dahil baka maiyak lang ako at masaktan, si Kim ang kumuha nito at siya din ang magbabalik kay Theo nito mamaya pagkatapos ko itong pirmahan. Nanginginig ang kamay ko habang may hawak akong ballpen. Nag dadalawang isip ako, handa na ba akong pakawalan siya?

Nabalik ako sa wisyo ng himasin ni Kim ang likod ko at kumalma ako. Ito na ang oras na pakawalan siya. Magkakaroon na siya ng anak sa iba at kailangan ko na siyang kalimutan. Agad ko itong pinirmahan at pekeng ngumiti kay Kim bago ko ito inabot sa kaniya.

“Okay ka lang ba?” tanong niya at agad naman akong tumango bilang pag responde. Okay lang naman talaga ako eh. Kailangan ko lang mag pahinga dahil halos isang oras ata kaming nasa banyo ni Kim kanina dahil sa pag suka ko.

“May gusto ka bang kainin? Ibibili kita kapag papauwi na ako.” aniya bago niya kinuha yung susi ng kotse niya.

“Vanilla ice cream at avocado, parang gusto kong kainin yan.” saad ko at agad niya naman akong nginitian bago siya umalis. Nandito kami ngayon sa condo niya ngayon. Dito muna daw ako pansamantalang maninirahan ngayon bago kami lumipat ng Tarlac. Gusto ko nga sana manirahan ng mag isa pero ayaw pumayag ni Kim dahil kailangan niya daw kami panatilihing safe ni baby. Napaka over protective naman ng bestfriend ko, natatawang saad ko sa isip ko bago ako tumayo at nag punta sa kusina. Bigla nanaman kumalam ang tiyan ko at parang gusto ko ulit kumain. Mag lilimang buwan na yung tiyan ko kaya malaki na ito ngayon at malapit na din naming malaman kung anong gender ni baby.

Agad kong binuksan yung ref at napangiti nang may makita akong pipino at mustard. Kaagad ko itong kinuha at masayang nag lakad papabalik sa sala bago ko binuksan yung tv para manood ng k-drama.

Pero bago ko pa man mai-play yung episode 1 ng pinapanood ko ay may biglang kumatok sa pinto ng condo ni Kim. Nakabalik na agad si Kim? Ang bilis naman ata?

Agad ko siyang pinagbuksan pero nagulat ako nang makita kong hindi si Kim ang taong iyon. Nasa harapan ko ngayon si Pearl at Keisha na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin ngayon.

“A—Anong ginagawa niyo dito?” kinakabahang tanong ko sa kanila bago ko tinakpan ang tiyan ko.

“Kahit takpan mo pa iyan alam naming buntis ka. Bakit hindi mo sinabi sa amin at kay Theo?” tanong ni Pearl dahilan para mapakamot na lang ako sa batok. Anong isasagot ko sa kanila?

“A—Ahh kase ano, nakalimutan ko. Oo yun nga.” pag papalusot ko pero halatang hindi sila naniwala at pinapasok ko na sila sa loob.

“Pearl, Keisha huwag niyong ipag sasabi kahit kanino ang tungkol dito lalo na kay Theo.” saad ko. Paano nila nalaman? Wala naman ibang nakakaalam na buntis ako maliban kay Kim, Kivan at Sir Cyrus ah?

“At bakit hindi? Karapatan niyang malaman ang tungkol dyan sa dinadala mo. Hindi porket nabuntis niya si Celine ay yun lang ang pananagutan niya. Saka mas may karapatan ka dahil ikaw ang asawa.” wika ni Keisha dahilan para malungkot ako.

“Wala na akong karapatan Keisha, nag divorce na kami.” malungkot na saad ko dahilan para magulat silang dalawa.

“Paano? Bakit parang ang bilis naman?” tanong ni Pearl bago siya naupo sa may sofa.

“Basta yun na yun. Hindi namin siya kailangan ng magiging anak ko.” aniya bago ko nilagyan ng mustard yung pipino at kinain ko ito.

“Pregnancy cravings?” Keisha asked and i immediately nodded.

“Ang weird naman niyan. Pipino at mustard? Hindi ka ba nasusuka dyan?” tanong ni Pearl.

“Hindi naman, ang sarap nga eh. Saka kakatapos ko lang sumuka kanina, mamaya na ulit.” aniya dahilan para matawa silang dalawa.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن