Chapter 21

3.5K 68 6
                                    

“Mommy!” sigaw ng isang bata dahilan para mapangiti ako. Naka uwi na siya. Agad akong humarap sa gawi niya at sinalubong ko siya ng yakap bago kinalong.

“Wow naman. Ang bango bango naman ng baby boy ko.” pag lalambing ko sa anak ko bago ko ito tinadtad ng halik sa pisnge. Kakauwi lang nila ni Kim galing sa grocery store dahil bumili sila ng mga pagkain para sa bahay. Ako naman ay kakauwi ko lang galing sa trabaho kaya sobrang miss na miss ko ang aking anak.

“Look Mommy, Tita Wim and Tito Wivan bought me a lot of ice kwems.” masayang saad ng anak ko habang ipinapakita niya ang dala niyang supot. Ang cute niya pa rin talaga kahit bulol pa mag salita.

Nang mapatingin naman ako kay Kim ay parang balisa siya. May problema ba?

“Klea, may sasabihin ako sayo mamaya.” aniya pero kita ko sa mata niya ang kaba. Bakit ganon ang kinikilos niya?

“Alright baby, you need to talk a bath na. Tapos after mong maligo ay kakainin natin yang ice cream mo.” aniya at agad naman itong tumango at inabot sa akin yung supot.

“Ako na ang mag papaligo kay Thevior, mag usap muna kayo ni Kim.” biglaang singit ni Kivan kaya agad na lang akong pumayag. Baka kase may importanteng sasabihin si Kim. Inilagay ko muna sa ref yung ice cream ni Thevior dahil baka matunaw ito bago ako lumapit kay Kim.

“Anong meron beh? Bakit parang kinakabahan ka?” nag aalalang tanong ko sa kaniya bago kami naupo sa may upuan.

“Habang nasa grocery store kami kanina, nandoon si Theo.” aniya dahilan para kabahan na din ako. Nakita niya ba si Thevior? Alam na ba niya na buhay ang anak namin? Ano nang gagawin ko? Paano kung agawin niya sa akin si Thevior?

“Hindi ako mapakali kanina dahil nakita niya ako at kinausap. Pero buti na kang ay nasa ice cream stand sila Thevior. Sigurado naman akong hindi niya ito nakita.” pag papaliwanag niya at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Akala ko nakita na eh. Mabuti naman hindi.

Sa Tarlac talaga kami nakatira nung ipinanganak ko si Thevior. Bumalik lang kami ulit dito dahil baka okay na at wala nang maninira sa buhay namin. Maayos na kami ngayon dito kaya dito na kami tumira.

“Mabuti naman kung ganon. Nga pala, kamusta na si Ate Karina? I heard that she's living in France now.” aniya bago ako uminom ng tubig.

“Okay naman siya.” maikling saad niya dahilan para mag taka ako. Parang may problema siya.

“Okay ka lang ba Kim? Bakit parang may kakaiba sayo?”

“Inimbitahan kase ako ni Kuya na mag dinner sa Main Mansion ng MonteAlveroz bukas. Nandoon lahat ng mga kamag anak namin, including Selena and Celine. Kapag nalaman nilang nandito ako, malalaman nilang nandito din kayo ni Thevior. Baka mapahamak nanaman kayong dalawa.” aniya dahilan para mapaisip ako. Simula kase nang manganak ako ay sumama na sa akin si Kim at matagal nang hindi umuuwi sa mansion nila at wala na siyang balita sa mga nangyayari sa buhay ni Theo.

“Kung gusto mo pumunta okay lang, Sigurado naman akong wala na silang pakielam sa amin ng anak ko kaya huwag kang mag alala. Saka ilang taon mo na din hindi nakasama ang pamilya mo kaya it's okay.” nakangiting saad ko sa kaniya. May anak na sila Celine at Theo kaya sigurado akong hindi na nila kami guguluhin.

“Sigurado ka?” tanong niya at tumango na lang ako bilang pag responde. Agad niya akong niyakap bago kami parehas na tumawa.

_

“Yung papeles lang na nasa expanded envelope na kukay asul ang kailangan mo Kuya Theron diba?” tanong ko sa kaniya habang dala dala itong naiwan niyang papeles sa kwarto ni Thevior. Dito kase siya natulog nung nakaraan dahil ayaw na siyang pauwiin ni Thevior. Kaya naiwan niya yung mga papeles na kailangan niya sa business meeting ngayon.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Where stories live. Discover now