Chapter 4 - (Warning ⚠)

5.3K 93 0
                                    

Sa lahat ata ng araw na magkasama kami, yun ang hindi ko malilimutan. Oo nag s*x kami at simula nung araw na iyon ay hindi na siya palaging mainit ang ulo sa akin. Well yung isa niyang ulo ay palaging nag iinit kapag nakikita ako.

Mag lilimang buwan na ako dito sa trabaho ko at maayos naman. Nakaka ipon na ako ng pera sa mga sinusweldo ko mula sa kaniya. Maayos din ako nakakapag aral pero hindi niya ako pinapalabas sa opisina niya. Dinadala na lang nung mga Professor yung sasagutan ko sa office niya at doon ako nag sasagot.

Kapag naman may pupuntahan siyang parties ay nag papanggap ako bilang girlfriend niya lalo na't kasama palagi yung ex niya sa mga party na pinupuntahan niya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon habang naka upo ako dito sa sofa. Nabasa ko kase ang pag uusap nila sa messenger. Magkikita silang dalawa ngayon sa favorite restaurant nilang dalawa. Nalulungkot ako dahil mag kikita sila? Tapos ang paalam pa sa akin ni Sir Theo at mag pupuntahan siyang kaibigan.

"Bakit ganiyan ang muka mo Klea? Aalis lang naman ako saglit at babalik din kaagad." aniya niya habang nag aayos ng necktie. Hindi na lang ako sumagot at patuloy na nanahimik.

"I'll go now baby, see you later." he said before kissing my lips. Umalis na siya kaagad at naiwan akong mag isa na lang dito.

Hindi ko mapigilang mapa isip. Andami ko nanamang what of sa utak ko. Pero ano nga bang magagawa ko? Kaya lang naman kami magkasama ay dahil sa deal. Kapag nagkabalikan sila mawawala na lahat. Wala naman akong magagawa dahil wala akong karapatan.

_

"What?! Bakit mo hinayaang magkita yung dalawang yun? Oh my god! I have to call Kuya Theron and we have to stop them." sigaw ni Kim bago niya kinuha yung cellphone pero pinigilan ko siya.

"Alam mo naman na ayaw ni Sir Theo ng iniistorbo diba? Hayaan mo na lang, okay lang naman sa akin." malungkot na saad ko. Kita ko ang pagka gulat sa muka ni Kim habang nakatingin siya sa akin.

"Wait, don't tell me you have feelings for Kuya Theo?" gulat na tanong niya sa akin. Oo may gusto ako kay Sir Theo pero hindi ko pa ito pinapaalam kahit kanino. Handa na ba akong i-share ang sikreto kong ito kay Kim?

"Hindi ko alam pero bigla na lang kase akong nagka gusto sa kaniya. Pero sigurado naman akong mawawala na din ito kaagad. Kailangan ko itong alisin dahil alam kong walang pag asang magka gusto siya sa akin." nakakalungkot man isipin pero iyon ang totoo.

"Hi Kim, tumawag sa akin si Ate Karin at pinapunta mo daw ako dito." aniya ni Kuya Theron, kapatid ni Sir Theo. Anong ginagawa niya dito?

"Hi Klea, nasaan si Theo?" tanong niya.

"Nasa Leanna's Restaurant kasama yung higad" aniya ni Kim dahilan para mapatingin si Kuya Theron sa kaniya.

"Yun nanamang babaeng yun? Kelan niya ba titigilan si Theo?" inis na asik ni Kuya Theron bago umupo sa sofa.

"Matapos niyang iwanan si Kuya Theo nung nakilala niya si William." inis na aniya ni Kim. Iniwan siya ni Ma'am Felicia dahil sa ibang lalaki?

"I don't know why he have to be so stupid. Saka akala ko ba ikaw na ang girlfriend ni Theo?" tanong ni Kuya Theron sa akin. Hindi nila alam na nag papanggap kami.

"Nag papanggap lang po ako Kuya, may deal po kase kaming dalawa." pag amin ko sa kanila. Hindi ko dapat ito ipagsasabi pero bigla na lang ako nadulas at nasabi ang tungkol doon.

"What?! Ibig sabihin wala kayong relasyon? Pero bakit? Dahil ba sa umaasa pa rin siya sa babaeng yun?" aniya ni Kuya Theron at tumango na lang ako bilang pag responde.

"I have to talk to him." saad ni Kuya Theron pero pinigilan ko siya.

"Huwag na po Kuya, magagalit sa akin si Sir dahil hindi ko dapat ipag sabi iyon. Kapag nagalit po siya tatanggalan niya po ako ng trabaho. Kuya kailangan na kailangan ko ang trabahong iyon, please huwag niyo na lang pong sabihin." pag mamakaawa ko sa kaniya. Kailangan ko ang trabahong iyon. Saka kapag ipinagpatuloy ko ang trabahong iyon ay makakapag tapos ako ng pag aaral.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant