Chapter 10

4.4K 76 0
                                    

Tama bang ginawa ko iyon? Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Bakit kase may nangyari pa sa amin nung araw na iyon eh. Hindi tuloy ako nakapag stay sa birthday ni Kuya Kiello at kinailangan ko nang umuwi. Alam kong kapag nag stay pa ako doon at palaging may mangyayari sa amin tuwing gabi.
Nag pahatid na ako kay Kivan pauwi kaninang alas sais ng umaga dahil ayaw ko nang mag stay doon.

Napa buntong hininga na lang ako habang tinitingnan ko yung mga pictures na pinost ni Kim. Nakaka inggit dahil hindi ako nakapag tagal doon dahil sa pinsan niyang nang gagapang. Kasalukuyan akong naka upo sa may sofa ngayon at kakatapos ko lang mag linis. Wala pa si Sir Matthias dito dahil may meeting daw siya ngayon kaya ako lang ang mag isang nandito.

Habang nag iiscroll ako sa Instagram ay may biglang nag message sa akin. Mula ito sa Uknown Number kaya hindi ko muna pinansin. Pero dahil sunod sunod ang message nito ay agad ko nang binuksan.

_

From: Uknown Number

Klea bakit umalis ka na kanina?

Why did you leave me here? Bakit hindi mo ako ginising nung umalis ka?

I miss you. Nasaan ka ngayon?

Pupuntahan kita.

_

Hindi ako makapaniwala sa nakita. Paano niya nalaman ang bago kong number? Nag palit na nga ako kahapon dahil wala siyang ginawa kung hindi mag message tapos alam nanaman niya yung number ko? Sino kaya ang sira*long nag sasabi sa kaniya ng number ko?

Nabalik ako sa wisyo ng biglang tumunog ang cellphone ko at nagulat ako nang makita kong siya yung tumatawag. Hindi ko sana ito sasagutin pero yung green button ang napindot ko.

“Hi baby” malambing na saad niya mula sa kabilang linya. Agad kong tinakpan ang aking bibig para hindi ako makagawa ng ingay.

“Baby?” muling pag tawag niya sa akin pero hindi ako sumagot.

“Klearrah Lexie Callorez.” nabigla ako ng mag iba ang tono ng pananalita niya. Bigla akong kinabahan dahil hindi na malambing ang tono nito, napalitan ito ng malamig na tono.

“B—Bakit ka napatawag?” nauutal na tanong ko sa kaniya.

“I want to hear your voice. Where are you right now? I want to see your beautiful face.” malambing na ani niya. Nabigla ako ng maging malambing ulit ang boses niya.

“May ginagawa ako ngayon eh, maybe next time na lang.” pinilit kong hindi mautal habang sinasabi ko ang mga salitang iyon. Natatakot ako dahil baka magalit siya lalo na't tumanggi ako.

“Oh, bawal ba kitang makita kahit saglit? I miss you Klea. Why did you leave after we make love?” tanong niya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na umalis ako dahil sa kaniya dahil baka magalit siya.

“May kailangan kase akong gawin at marami pa akong gagawin na project na kailangang ipasa sa Monday.” pag sisinungaling ko. Wala talaga akong project na gagawin sadyang ayaw ko lang siya makita ngayon. Saka masakit pa yung pagkababae ko noh! Baka mamaya kapag nag kita nanaman kami ay may kababalaghan nanamang mangyari sa aming dalawa.

“Hmm, okay.” huling aniya ni Theo bago niya pinatay ang tawag. Doon lang ako nakahinga ng maluwag at napahiga na lang ako sa sofa. Bakit ba ako kinakabahan kapag kausap ko siya?

Hindi na lang ako nag isip ng kung ano ano at ipinikit ko na lang ang aking mata. Mag papahinga na lang muna ako, pagod na din kase ako dahil nag linis ako kanina.

_

“Beh alam mo ba naka kita ako ng gwapong lalaki doon sa birthday ni Kiello. Lumapit siya sa akin at nagpa kilala at siyempre nag pakilala din ako. Diba sabi mo nga minsan na lang lumandi kaya sa pinaka gwapo na ako lumandi. Masaya na sana kaso bigla akong hinigit nung boy bestfriend mong abno. Masaya na yung usapan namin pero yung nakaka inis mong boy best friend istorbo. Kung alam mo lang gustong gusto ko na siyang sakalin.” nanggigigil na aniya ni Kim habang nag lalakad kami dito sa hallway ngayon. Kakatapos lang namin kumain sa cafeteria at kasalukuyan na kaming nag lalakad pabalik ng room. Mayroon pa kaming Mapeh Class kaya kailangan pa naming bumalik.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Where stories live. Discover now