Chapter 16

3.3K 47 3
                                    

Ngayon na ang pinaka hinihintay kong araw. Ikakasal na kami ni Theo! Hindi pa rin ako makapaniwala na totoong mangyayari ito. Kasalukuyan akong naka upo dito habang mina-make up-an ako nung make up artist ko. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinag mamasdan ko yung susuotin kong gown. Napaka ganda nito at hindi na ako makapag hintay na suotin ito.

“Napaka ganda naman ng bestfriend ko.” masayang saad ni Kim habang nakatingin siya sa akin. Naka suot na din siya ng gown habang may hawak hawak na bulaklak.

“Excited na akong maging kapamilya ka. Grabe naiiyak ako.” aniya dahilan para matawa ako. Grabe naman yung naiiyak eh. Pero masaya ako dahil hanggang kasal ko ay kasama ko pa rin siya.

“Huy! Huwag ka ngang umiyak. Masisira yang make up mo ” nakangusong saad ko sa kaniya habang inaayusan ako ng buhok nung hair stylist ko.

“Kulang na lang belo para ka na ding ikakasal.” nakangising saad ko sa kaniya dahilan para mamula siya. Alam niya na siguro kung ano yung tinutukoy ko.

“Malapit na bang matapos yung make up ni Klea? Malapit nang mag alas otso kaya dapat ready na siya.” biglaang saad ni Pearl na ngayon ay naka suot na din ng gown. Kasunod niyang pumasok si Sevy, Keisha at Jaslyn. Nakabihis na din sila at agad nila akong nginitian.

“Beh ang ganda mo.” kinikilig na saad ni Keisha bago siya lumapit sa akin at kinuhanan niya ako ng litrato.

“Malapit na pong matapos ang make up ni Ms Klea. Tapos na po yung hair niya kaya isusuot na lang yung gown at maari na siyang dalhin sa simbahan.” pag papaliwanag nung nag aayos sa akin. Ilang minuto pa ang itinagal ay natapos na din nila akong make up-an at pinatayo na nila ako para maisuot ko na yung gown ko.

Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko nang makita ko ang sarili ko sa salamin. I look so beautiful while wearing this gown. Hindi ko alam pero parang maiiyak ako. Ako na ata ang pinaka masayang babae ngayong araw.

Nang matapos na akong ayusan at bihisan agad akong pinag buksan ng pinto at lumabas na ako. Pinag buksan ako ng pinto ng kotse at agad akong pumasok doon. Medyo kinakabahan ako na excited dahil iniisip ko na yung mga susunod na mangyayari.

Habang nakasakay ako dito sa kotseng puti ngayon, napansin kong kanina pa patingin tingin yung nag da-drive sa akin. Napapa isip ako kung bakit dahil ang weird ng ikinikilos niya eh. Pangit ba yung make up ko? O baka naman may dumi ako sa muka?

Napatigil ako sa pag iisip nang biglang lumiko ang kotse niya pakaliwa dahilan para kabahan ako. Kung hindi ako nagkaka mali ay papuntang kanan ang simbahan. Saan niya ako dadalhin? Bakit sa kaliwa siya lumiko.

“T—Teka lang Kuya. Sa may kanan po yung simbahan hindi sa may kaliwa.” kinakabahang saad ko pero nginisian niya lang ako.

“Pasensya na Ma'am. Napag utusan lang akong iligaw ka para sirain ang kasal niyo ni Sir Theo. Ang sabi ni Ma'am Selena ay hindi ka karapatdapat para kay Sir Theo kaya kailangan ka naming iligaw.”  nakangising saad niya dahilan para mas lalo akong kabahan. Si Selena nanaman ang may pakana nito? Bakit niya ba ito ginagawa sa akin? At ngayon balak niya pang sirain ang kasal namin ni Theo? Hindi ito maaari!

“Kuya please itigil mo na yung sasakyan. Hindi ako maaring ma late sa kasal ko ngayon. ” pag mamakaawa ko sa kaniya. Hindi niya ako pwedeng iligaw. At mas lalong hindi pwedeng masira ang kasal namin!

“Tulong! Palabasin mo na ako!” sigaw ko sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan at mas lalo niya pang binilisan ang pag papatakbo ng kotse. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinag handaan ko ng sobra sobra ang araw na ito tapos masisira lang? Hindi ito maari! Please, tulungan niyo akong maka alis dito. Gustong gusto ko nang makita si Theo.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora