Chapter 8

4.5K 79 1
                                    

Ilang beses ko pinaulit ulit isipin yung sinabi sa akin ni Kim. Hindi ko siya gustong makita at maka usap pero nagu-guilty ako dahil kapag hindi ko pinuntahan si Theo ay matatanggalan sila ng scholarship at yung iba naman ay mae-expelled. Paulit ulit ko itong pinag isipan hanggang sa makapag desisyon na ako

Kasalukuyan akong nakatayo sa labas ng villa ni Theo. Huminga ako ng malalim bago ko nilakasan ang loob ko at pumasok sa loob. Agad akong binati nung mga gwardiya nang makita nila ako at binati ko sila pabalik. Kinakabahan ako pero pumasok na ako kaagad at naabutan kong patay lahat ng ilaw. Walang kailaw ilaw dito kahit sa kusina, sala at sa second floor.

“Kuya Limuel bakit parang walang ka ilaw ilaw dito? Wala pa ba si Theo dito?” tanong ko sa isa sa mga gwardiya ng villa ni Theo.

“Wala po Ma'am. Palagi lang pong nasa kwarto niyo si Sir Theo. Yun lang po ang parte ng bahay na may ilaw.” saad ni Kuya Limuel. Sa kwarto ko? At ano naman ang ginagawa niya doon?

“Simula po nung umalis kayo ay wala na siyang binubuksan na ilaw. Wala naman daw po itong kwenta dahil nawala na yung ilaw ng buhay niya.” aniya ni Kuya Limuel dahilan para matawa ako. Nawala ang ilaw ng buhay niya? Parang t*nga si Theo.

“Sa tingin ko hindi naman po magagalit si Sir Theo kapag binuksan na natin yung ilaw.” aniya ni Kuya Limuel bago niya binuksan yung switch at nagkaroon na ng ilaw. Sa dating kwarto ko na ako nag diretso dahil sabi ni Limuel ay nandoon si Theo. Kailangan ko siyang maka usap tungkol sa scholarship ng mga istudyante at makaalis na din kaagad. Maaga kaming aalis ni Kivan bukas dahil sa birthday ni Kuya Kiello.

Agad kong pinihit ang doorknob ng pintuan at naabutan ko siyang nakahiga sa may kama. He looks like a baby while sleeping. Muntik pa akong mapatawa ng malakas nang makita kong yakap yakap niya yung stuffed toys ko.

Dahan dahan akong umupo sa kama at pinag masdan ko ang muka niya. Wala pa rin pinag bago, ang gwapo niya pa rin. Inilapit ko ang aking kamay sa kaniyang muka at dahan dahan kong hinaplos ang kaniyang muka. That's when i realized that i really miss him. I want to be with him again pero natatakot akong masaktan muli.

Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko at nagulat ako ng imulat niya ang kaniyang mata. Hindi siya tulog? Nag papanggap lang siyang natutulog para malaman kung ano ang gagawin ko?

Dahil sa inis ay agad kong inalis ang kamay ko sa pagkaka hawak niya at inis ko siyang tinitigan.

“I thought you wouldn't come here. Give me a hug Klea.” aniya niya pero agad ko siyang nilayuan. Kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata ng lumayo ako sa kaniya.

“Hindi ako pumunta dito para yakapin ka Theo. Pumunta ako dito para pag usapan ang tungkol sa scholarship nung ibang mga istudyante. Ano bang naisipan mo at nag pa-exam ka ng bigla bigla? Sira*lo ka ba?” inis na tanong ko sa kaniya. He just look at me innocently before smirking.

“Bad mood lang ako that time saka it's my choice if i want to take away some scholarships from the students in my school.” aniya niya bago nakipag titigan sa akin. “And it's your fault.” aniya niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

“Teka paano naging ako ang may kasalanan? Nilayuan na nga kita dahil mukang masaya na kayo ni Ma'am Felicia ah? Ano pa bang kulang? Gusto mo ba mag drop out na din ako dito sa iskwelahan mo para ibalik mo na yung scholarship nila? Sabihin mo lang at gagawin ko iyon.” lakas loob na saad ko but he just chuckled.

“You don't need to drop out Klea. You just have to do something para ibalik ko ang scholar nila.” nakangising aniya niya bago niya tinapik ang kama. Para bang inuutusan niya akong umupo doon. Agad ko naman itong sinunod at naupo ako sa may tabi niya.

“Anong kailangan kong gawin para ibalik mo yung scholarship nila?” mahinang tanong ko sa kaniya. Nabigla ako ng hawakan niya ang pisnge ko bago niya ako nginitian.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant