Chapter 23

3.7K 71 2
                                    

Nagising ako nang maramdaman kong may mainit na nakapalibot sa aking katawan. Halos mapasigaw na ako nang imulat ko ang aking mata at nakita ko si Theo. Bumungad sa akin ang natutulog na si Theo habang nakayakap siya sa akin at nakabaon ang ulo siya sa aking dibdib. A—Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito?

Doon ko lang namalayan na hindi ko pala kwarto ito. Nasa opisina niya kami, at parehas kaming hubad?!  I—Ibig sabihin may nangyari sa aming dalawa?! Hindi ko alam pero kinabahan ako. Hindi ito maaari! May pamilya na siya! May asawa na siya at tinraydor niya ito dahil sa nangyari sa amin.

Akmang aalisin ko na sana ang kamay niya nang magising siya at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.

“Bitawan mo ako Theo! Kailangan ko nang umalis.” saad ko habang inaalis ang kamay niya.

“At bakit ka aalis? Masyado pang maaga saka inaantok pa ako.” aniya pero hindi ako nakinig sa kaniya at itinulak ko siya bago ako tumayo. Agad kong pinulot ang aking damit na nagkalat sa sahig at isa isa ko itong sinuot.

Paano kami napunta sa opisina niya? Kahapon naman nasa elevator pa kami diba? May dumating na ba na tulong nung nakatulog ako? Wait! Don't tell me nahuli kaming nag jujugjugan sa elevator ni Theo?

“Klea saan ka pupunta?” tanong niya habang nagkukusot ng mata.

“Aalis na ako. Mali itong ginawa natin Theo. May asawa at anak ka na. Sigurado akong malulungkot sila kapag nalaman nila ang ginawa mo. Hindi ko na dapat hinayaang may nangyari sa atin. Saka may anak na kami ng Kuya mo.” pag sisinungaling ko dahilan para mag bago ang ekspresyon ng muka niya.

“You don't have to lie anymore Klea. Alam kong ako ang ama ni Thevior. Halata naman pati na nag sisinungaling ka. Sa hitsura at kulay na lang ng mata ako ang kamuka niya hindi si Kuya. Saka may kailangan pa tayong pag usapan.” aniya at akmang yayakapin na niya ako ng itulak ko siya at lumayo ako sa kaniya.

“Wala na tayong dapat pag usapan Theo!” inis na saad ko sa kaniya bago ko kinuha yung jacket na suot ko at isinuot ko na ito. Iniwan ko siyang mag isa sa opisina niya at tumakbo na ako papalayo doon.

Bakit ko ba hinayaang may mangyari sa akin? Saka bakit parang ganun ganun na lang sa kaniya yun? Akala niya ba makikipag balikan ako sa kaniya dahil anak niya si Thevior? Nakalimutan niya na ba yung mga pananakit niya sa akin? Nakalimutan niya na ba na mas pinili niya noon si Celine kaysa sa amin?

Siya din ang dahilan kung bakit muntik nang mawala sa mundong ito si Thevior noon. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang patawarin matapos niya akong ipagtabuyan at saktan noon. Napag pasyahan ko din nga pa lang dumaan muna sa opisina ni Kuya Theron para kuhanin yung mga pinapakuha niya kagabi. Sana hindi siya galit dahil kagabi niya pa ito pinapakuha.

Pero nabigla ako nang buksan ko yung pinto at naabutan kong nandoon na si Kuya Theron habang nag titipa sa laptop.

“Saan ka ba nag pupupunta Klea? Kagabi ko pa pinapakuha yung laptop nawala ka na.” taas kilay na tanong niya habang ako naman ay namumula ng parang kamatis dahil sa hiya. Bigla ko tuloy naalala yung nangyari sa amin ng kapatid niya.

“N—Nakatulog po kase ako.” pag sisinungaling ko.

“Oh siya, umuwi ka na at mag pahinga. Mukang pinagod ka ng kung sino. Saka baka hinahanap ka na ni Thevior.” aniya pero nag taka ako dun sa sinabi niya. Pinagod ako ng kung sino? Hindi kaya alam niya yung nangyari sa amin ni Theo? Pero papaano? Sinabi ba sa kaniya nung kapatid niya?

“O—Okay sige po.” huling saad ko bago tuluyang lumabas mula sa opisina niya at nag lakad na ako papasok sa elevator.

Ito yung elevator na sinakyan ko kahapon at dito din kami gumawa ng kababalaghan ni Theo. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng elevator at saktong lumanding ito sa cctv ng elevator. Doon biglang nag flash sa utak ko lahat ng nangyari.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Where stories live. Discover now