Chapter 7

4.4K 82 2
                                    

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi ni Kim. Bakit niya sinabi yun ngayong alam niyang hiwalay na kami ng Kuya niya? Bakit ko ba iniisip yung lalaking yun? Baka sinabi lang ni Kim yun dun sa mga lalaki para hindi nila kami guluhin. Oo yun nga yun!

“Ate Klea mukang may malalim ka pong iniisip? Sino po ba yang iniisip mo? Boyfriend mo po noh?” nakangising tanong ni Marlyn habang kumakain ito ng  chocolate. Bigla akong nabalik sa wisyo ng sabihin niya iyon.

“H—Hindi noh! Iba ang iniisip ko! Saan mo nalaman yan? Saka wala akong boyfriend noh!” sunod sunod na pag tanggi ko. Akmang mag sasalita na sana siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Sir Matthias na bagong ligo lang.

Tang*na kwarto niya nga pala ito! Kaya syempre dito siya mag bibihis. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatingin sa napaka gandang katawan niya. Kulang na lang ay tumulo na ang laway ko at mapasukan ito ng langaw kung hindi isinarado ni Marie yung bibig ko.

“Are you okay Klea?” nabalik ako sa wisyo ng hawakan ni Sir Matthias ang noo ko. Para bang tinitingnan niya kung nilalagnat ba ako. Kaya agad akong tumayo at lumayo ng kaunti sa kaniya.

“Opo Sir, okay lang po ako.” aniya ko at nag mamadali lumabas ng kwarto niya. Sh*ta bakit ganun!

Halos mamula na ako sa kahihiyan dahil sa nangyari kanina.

“Feeling ko may gusto si Ate Klea kay Kuya.” biglaang saad ni Marie habang nakatingin silang dalawa sa akin.

“Hindi noh!” namumulang aniya ko. Wala naman talaga akong gusto kay Sir Matthias eh. Sadyang bigla lang akong namula.

“Hindi yan magkakagusto kay Matthias kaya tumigil na kayong dalawa.” biglaang singit ng kung sino. Nnag mapatingin ako kung dino iyon ay napagtanto kong si Kim pala. Teka akala ko ba tulog na siya?

“At bakit hindi? Bagay naman si Kuya Matty at Ate Klea ah. Saka si Ate Klea ang gusto naming maging girlfriend ni Kuya Matty.” aniya ni Marlyn sabay irap. Teka bakit nila pinag aawayan ang tungkol doon? Wala naman akong sinabi na may gusto ako kay Dir Matthias ah?

“Hindi pwede, si Kuya Theo lang ang lalaking mamahalin ni Klea.” aniya ni Kim dahilan para masamid ako sa sarili kong laway. Seryoso ba siya?

Pilit nilang ipinag pipilitan ang tungkol dun sa dalawa dahilan para mainis ako. Pinipigilan ko sila pero ayaw nilang tumigil kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw.

“Tumigil na nga kayo! Wala akong gusto dun sa dalawa kaya itigil niyo na yan!” inis na sigaw ko sa kanila bago ako nag lakad papaalis doon. Nakakainis dahil pinipilit ko na ngang kalimutan si Theo pero palagi pa rin siyang binabanggit ni Kim. Agad akong pumasok sa sarili kong kwarto at humiga para mag pahinga na. Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata.

_

Natapos na ang bakasyon namin sa Boracay pero simula nung araw na iyon ay hindi na ako nag enjoy. Palagi na lang ako nasa loob ng kwarto at lumalabas lang ako kapag kakain na. Habang tumatagal ay hinahanap hanap ko siya. Masakit mang isipin pero mukang naka move on na siya sa akin. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko ang mga bago niyang post kung saan palagi niyang kasama si Ma'am Felicia.

Mukang masaya na siya kay Ma'am Felicia kaya wala nang dahilan para ipagpilitan ko ang sarili ko sa kaniya. Malilimutan ko rin siya at makakahanap din ako ng lalaking para sa akin.

Kasalukuyan akong nasa mall ngayon dahil may ipinapabili si Sir Matthias na gamit sa bahay. Binigyan niya ako ng perang pambili ng refrigerator dahil nasira lang kahapon yung luma. Kanina pa ako nag iikot dito sa first floor pero wala akong makitang appliances store.

Kaya agad akong umakyat sa second floor para tingnan kung meron doon. Habang nag lalakad ako ay hindi inaasahang may nakabanggaan ako. Busy akong palinga linga para hanapin yung appliances store at hindi ko napansin na may lalaki na palang nasa harapan ko at nagka banggaan kami.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Where stories live. Discover now