Chapter 20

3.5K 58 1
                                    

“Beh saan kami hahanap ng nung prutas na parang star na pinaglilihian mo? Saka anong pangalan non?” sunod sunod na tanong ni Kim habang ipinapaliwanag ko sa kanila ang tungkol sa balimbing. Isa yun sa paborito kong prutas nung sa Laguna pa ako nakatira at hindi inaasahang yun ang pinaglilihian ko ngayon.

“Balimbing ang pangalan nun. Saka alam ko mayroon sa Lumban ng prutas na ganon. Saka parang gusto ko din ng kesong puti at ginataang hipon” aniya habang hinahaplos ko ang tiyan ko ngayon. Iniisip ko pa lang ang mga pagkain na iyon ay nag lalaway na kaagad ako. Parehas kaming natatakam ni baby.

“Ibig sabihin kailangan pa natin pumunta ng Lumban?” tanong naman ni Kivan dahilan para mahiya ako. Oo nga naman, maiistorbo sila kapag pumunta pa sila sa lugar kung saan mayroon non. Ayaw ko naman na mahirapan sila ni Kim dahil lang sa gusto kong kainin yon.

“Sabagay malayo nga ang Lumban. O—Okay lang sa akin kahit hindi ko na makain yon. Mag hahanap na lang ako ng pipino sa ref.” nakangiting saad ko sa kanila bago ako tumayo at nag tungo sa kusina para mag hanap ng makakain. Pinilit kong ngumiti kahit gustong gusto ko talagang kainin yon.

As usual pipino at mustard na lang ulit ang kinuha ko. Bumalik na lang ako sa kwarto ko para mag pahinga ulit nang matapos na akong kumain. Patuloy pa din ang pagkalam ng tiyan ko pero hindi ko na lang ito pinansin at ipinikit ko na lang ang aking mga mata.

_

“Buntis ka? Ibig sabihin anak ko yan?” malamig na tanong ni Theo sa akin nang aminin ko sa kaniya na buntis ako.

“Oo, bakit hindi ka ba masaya?” kinakabahang tanong ko sa kaniya. Mali bang ideya na inamin ko sa kaniya ang pag bubuntis ko? Bakit parang galit siya ngayon?

“Why would I be happy? You're f*cking pregnant with my child! You have to get rid it!” he said in a serious voice dahilan para hindi makapaniwalang mapatingin ako sa kaniya. Tama ba yung narinig ko? Gusto niyang mawala yung anak ko?

“Paano nasisikmurang sabihin yan Theo? Gusto mong mawala ang anak natin? Ang kapal naman ng muka mong sabihin yan Theo!” hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinigawan ko na siya. Paano niya nakayanang sabihin yun?

“Wala akong pakielam sa anak mo. Magkakaroon na kami ni Celine ng anak at yung batang yun lang ang ituturing kong anak ko. Wala din namang kwenta yang anak mo kaya ipalaglag mo na kang yan.” pinipigilan ko pa ang sarili ko pero hindi ko na kinaya at malakas ko siyang sinampal.

“How could you Theo! Wala ka man lang pakielam sa magiging anak natin? Tapos gusto mong ipalaglag ko ito? Tang*na sira*lo ka ba? Kung para sayo ay wala lang ang batang ito, pwes para sa akin biyaya siya ng diyos. Ano pa nga bang inasahan kong sagot sayo! Halata naman na mas mahalaga sayo si Celine at yung anak niyo kaysa sa amin! I was a fool to think na baka mag bago ang isip mo kapag nalaman mong mag kakaanak tayo! Kagaya ng dati, you're still selfish and heartless! I wish i never met you and i hate you!” i broke down into tears nang sabihin ko sa kaniya ang lahat ng iyon. Ang sakit na wala lang pala sa kaniya ang batang binuo namin. Hindi ako makapaniwalang minahal ko ang taong ito!

“Well i hate you too! Hindi ko nga alam kung bakit kita pinakasalan. Malinaw naman na wala kang kwenta at mas better si Celine sayo.” inis na saad niya. Agad akong naglakad papalapit sa kaniya at akmang sasampalin ko siya ulit nang bigla niya akong pigilan at marahas niya akong itinulak dahilan para mapatama ang tiyan ko sa lamesa.

Biglang sumakit ng husto ang aking tiyan at naramdaman kong may tubig na dumaloy sa akin hita. Doon ko napagtanto na dugo pala iyon at agad akong tumingin kay Theo upang humingi ng tulong.

“T—Theo, tulungan mo ako. Yung anak natin iligtas mo.” pag mamakaawa ko sa kaniya habang pinipigilan ko ang pag labas ng dugo pero patuloy pa rin ito sa pag agos. Sa mga oras na iyon, ipinagdadasal ko na sana makaligtas ang anak ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala pa ito. Siya ang milagro ko at hindi ko kakayaning mabuhay kapag nawala pa ito.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora