Chapter 18

3.1K 59 2
                                    

I trashed his mansion. I broke all the vases and I smashed all of our pictures. Hindi ko matanggap lahat nang mga nangyari sa amin. Akala ko noon kapag ikinasal kami, magiging masaya na kami. Wala nang iyakan, wala nang mag loloko at ako lang ang mamahalin niya. Akala ko magiging maayos na kami at hanggang dulo na ang pagmamahalan namin. Akala magiging perfect na ang relasyon namin. Pero hindi, nasira ang lahat ng akala ko dahil sa babaeng iyon. Nakakainis dahil bakit bumalik pa siya? Maayos na kami eh! Bakit kailangan niya pang sirain ang pagmamahalan namin?

Nakalamyak ako sa sahig ngayon habang nakakalat sa paligid ko ang basag na vase at frames. Umiiyak pa ako nang marinig ko ang busina ng sasakyan ni Theo. Hindi ako bumago sa pwesto ko at hinintay kong pumasok siya para kumprontahin siya.

“K—Klea?!” gulat na pag tawag niya sa pangalan ko nang makita niya ang sitwasyon ko ngayon.

“Anong nangyari dito? Bakit ang kalat? May pumasok bang magnanakaw dito?” kinakabahang tanong niya bago siya lumapit sa akin. Agad ko siyang sinampal nang hawakan niya ang braso ko at itinulak ko siya papalayo.

“Wow! Nag aalala ka pala sa akin?” I said as I laughed bitterly.

“Oo naman mag aalala ako sayo dahil asawa kita.” aniya dahilan para mas lalo akong matawa.

“Wow! Asawa mo pala ako? Akala ko kase katulong mo lang ako dahil hindi ko naman nararamdaman na asawa mo ako! Putang*na Theo! Bakit mo nagawa sa akin ito?” hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumigaw na ako. Ang sakit! Hindi ko na mapigilang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nag aalala pala siya? Asawa pala niya ako?

“Anong ibig sabihin mo Klea? Kung makikipag away ka lang sa akin ngayon huwag mo nang ituloy. Pahod ako at kailangan kong mag pahinga.” he said before rolling his eyes at me. Akmang lalampasan na sana niya ako ng higitin ko siya at muli ko siyang sinampal ng malakas.

“Aalis ka na agad? Hindi pa tayo tapos mag usap Theo!” galit na sigaw ko. “At saka pagod ka? Bakit saan ka napagod? Sa pag aalaga sa ex mong buntis na? Putang*na!” ani ko dahilan para mag bago ang ekspresyon ng muka niya. Kung kanina ay galit siya, napalitan ito ng takot at pagkabahala.

“Bakit ganiyan ang ekspresyon ng muka mo? Akala mo siguro hindi ko alam noh? Akala mo hindi ko alam na nabuntis mo na si Celine? ” natatawang saad ko bago ako tumayo.

“Kaya pala wala ka nang oras sa akin. Nag papalusot ka pa na marami kang ginagawa sa office mo, yun pala nandoon ka sa ex mo habang gumagawa kayo ng kalokohan. Bakit mo nagawa sa akin ito? Hindi pa ba ako sapat sayo Theo?”

“Klea let me explai—” hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at nag salita na ako.

“Let you explain? Ano pang ipapaliwanag mo Theo? Nakita ko kung paano mo siya yakapin at halikan nang malaman mong ipinagbubuntis na niya ang anak mo! Nangako ka sa harap ng altar diba? Na kahit anong problema pa ang kaharapin natin ako pa rin mamahalin mo? Putang*na kakaisang taon pa lang simula nung kinasal tayo tapos ano, nag sawa ka na agad sa akin?”

“Bakit ganito Theo? Dahil ba sa hindi kita mabigyan ng anak? Hindi ko naman kasalanan na infertile ako diba? Ganiyan ka na ba ka desperado magkaroon ng anak? Alam kong pangarap mo yan pero, bakit kailangan sa kaniya pa? Pwede naman tayo mag ampon ng anak diba?”

“Palagi mo pang sinasabi sa akin noon na huwag mo nang isipin si Celine dahil matagal na kaming hiwalay. Wala nang pag asang magka balikan kami dahil ikaw na ang mahal ko.”

“It was just an accident Klea, hindi inaasahang nagkita kami sa birthday ni Lancer. Marami akong nainom na alak at inakit niya ako.” pag papaliwanag niya pero hindi ko siya pinakinggan.

“Inakit? Pero nagpa akit ka naman. Theo sana man lang naisip mo ako nung mga oras na iyon. Palagi akong nasa bahay mag isa at nangungulila sa yakap at halik mo. Tapos nandoon ka sa kaniya at mas itinuturing mo pa siyang asawa. Sana pala sa kaniya ka na lang nag propose at siya na lang ang pinakasalan mo noh!”

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Where stories live. Discover now