Chapter 5

5K 85 0
                                    

THEORENZ DAMIAN POV:

I can't help feeling happy right now. I'm with her, the girl that i love. Hindi ko inaasahang mag cha-chat siya sa akin upang makipag kita. I felt bad when i left Klea there all alone but she can take care of her self right?

Felicia and i eat at our favorite restaurant when we we're still a couple. This bring back our memories. Kung gaano kami kasaya noon, kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Gusto kong bumalik ang lahat ng iyon pero hindi ko alam kung kailan ko sisimulan.

“So kayo pa rin ba nung girlfriend mong student?” tanong niya. Agad akong napatigil dahil sa sinabi niya.

“Yeah pero magkaaway pa kami ngayon.” pag sisinungaling ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nag papanggap lang si Klea bilang girlfriend ko.

“Oh are you okay? Do you want me to comfort you?” tanong niya dahilan para mapangiti ako. She's still the same, mabait pa rin siya.

“I'm okay Felicia, ihahatid na kita.” aniya ko bago ko siya pinag buksan ng pinto ng kotse ko. Agad naman siyang pumasok sa loob at pumasok na din ako.

Tahimik lang kaming dalawa habang nag mamaneho ako. Medyo malapit lang naman ang bahay niya dito kaya nakarating din kami kaagad.

“Kung magkakaroon man ng chance, gusto ulit kitang mahalin Theo. I still love you, pag isipan mo.” huling aniya niya bago siya lumabas sa kotse ko at umalis. What did she mean by that?

I'm still thinking about what she said while I'm driving back to my mansion. Pinag buksan ako ng gate ng mga gwardiya ko at agad akong pumasok sa mansion.

“Klea?” pag tawag ko sa pangalan niya habang nag tatanggal ako ng necktie. Wala siya sa sala at kusina. Baka nasa kwarto?

Agad akong naglakad papaakyat ng hagdan at naglakad papunta sa may kwarto niya. I knock at her door and called her.

“Klea?” muling pag tawag ko sa pangalan niya pero walang sumagot. I immediately open the door at kinabahan ako ng hindi ko siya makita doon. Where is she? Habang iniikot ko ang paningin ko sa kwarto niya ay nahagip ng mata ko yung cabinet niya at wala na itong laman.

I started to panic, where is she? May pinuntahan ba siya? Pero bakit wala yung mga gamit niya dito? Hindi kaya iniwan na niya ako?

Nag mamadali akong bumaba ng hagdan at lumabas ng mansion. Kung sakali mang umalis si Klea, alam kong makikita siya nung mga guards.

“Benedict! Did you see Klea? She's not in her room at wala yung mga gamit niya doon. Nakita niyo ba siyang lumabas sa gate?” tanong ko sa kanila. Kita ko sa mga mata nila na kinabahan sila, hindi pa sila nag sasalita ay alam kong mag sisinungaling sila.

“Wala po Sir, hindi po namin nakita si Ma'am Klea na lumabas.” pag sisinungaling niya. Agad kong binuksan ang cellphone ko at tinawagan ko siya. Puro out of reach ang lumalabas, her cellphone must be off.

F*ck! Where is she? Kung pina-prank niya lang ako huwag niya nang ituloy. I don't know why but i felt uneasy. Para bang hindi ako mapakali ngayong alam ko na wala siya.

I immediately dialed my mother's number para alamin kung alam niya ba kung nasaan si Klea.

“What do you mean Theo? Nawawala si Klea?” tanong ni Mom dahilan para mas lalo akong kabahan. Hindi niya alam kung nasaan si Klea?

“Okay, hahanapin ko lang siya Mom.” aniya ko bago ko pinatay yung tawag at sumakay sa kotse ko. Kung umalis nga si Klea sa bahay ko, sigurado akong alam ni Kim kung nasaan siya. Nakarating din ako kaagad sa bahay nila pero si Kyzer lang ang naabutan kong nandoon.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Where stories live. Discover now