Chapter 22

3.6K 61 0
                                    

“Anak natatandaan mo na ba lahat ng sinabi ko? Kailangan mo munang mag panggap na anak ng Tito Theron mo.” tanong ko kay Thevior ngayon habang binibihisan ko siya. Ngayon na ang araw kung kailan pupunta ulit kami sa Main Mansion ng MonteAlveroz kaya kinakabahan na ako ng sobra.

“I understand it Mommy but why do we have to lie po? Pwede naman po natin sabihin na wala akong Daddy at nasa malayo po siya.” aniya pero umiling ako. Mas lalong hindi namin pwedeng sabihin yun dahil sigurado akong walang maniniwala sa amin. Kamukang kamuka kase ni Theo si Thevior kaya wala talaga kaming takas.

“You just have to do it anak. Yun lang naman ang unang beses mo na gagawin yun. Promise wala nang kasunod.” saad ko at agad naman siyang tumango bago nag salita.

“Okay po. Ano po bang gagawin natin doon?” muling tanong niya.

“Makakausap natin doon ang Mom at Dad pati mga kapatid ni Tito Theron. Mag papanggap lang tayo na asawa't anak niya. Kapag tinanong ka nila kung si Tito Theron ba ang Dad mo, ang isagot mo ay oo. Kailangan natin silang mapaniwala na anak ka ni Kuya Theron.” pag papaliwanag ko at tumango na kang siya bago ko isinuot sa kaniya yung sapatos.

“Tara na anak, baka nag hihintay na si Tito mo.” pag aaya ko at nag lakad na kami papalabas. He's only four years old pero napaka masunurin na niya. Nang makalabas kami mula sa bahay ay naabutan naming nasa may labas na si Kuya Theron habang nakasandal ito sa sasakyan niya.

“Tito!” pag tawag sa kaniya ni Thevior bago niya ito sinalubong ng yakap at nagpa buhat siya dito.

“Wow. Ang bango bango naman ng baby namin.” pag lalambing sa kaniya ni Kuya Theron bago niya ito kinalong at pumasok na kami sa loob ng saakyan.

“Here Thevior, watch cocomelon muna habang nag mamaneho si Tito.” aniya bago niya inabot yung cellphone kay Thevior at agad naman nitong kinuha yung inabot niya.

“Nandoon din sila Ate Thea at Kim. There's a possibility na nadoon din ang asawa at anak ni Theo kaya mag handa ka. Huwag mo silang pansinin at huwag mo din ipakita na nasasaktan ka.” aniya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

“At bakit naman ako masasaktan? W—Wala na akong pakielam sa kaniya noh! Mag sama sila ni Celine wala akong pake!” hindi ko alam pero uminit ang dugo ko nang sabihin ni Kuya Theron yun.

“Wala na ba talaga? Baka mamaya malaman ko na lang na kayo na pala ulit ha.” pang aasar niya kaya hindi ko na lang siya pinansin at nanahimik. Maya maya lang ay nakarating na kami doon at pinagbuksan kami ni Kuya Theron ng pinto ng kotse.

“Thank you.” pag papasalamat ko bago ko tinitigan ang napaka laking gate sa harapan ko. Napaka dami ng memories namin ni Theo kaya mas lalo akong kinabahan. Ang huli atang beses na nandito ako ay nung kasal pa kaming dalawa.

“Let's go inside na love?” aniya at agad naman akong tumango bago ko kinalong si Thevior at pinagbuksan na kami nung mga gwardiya ng gate.

“Welcome to the mansion Sir Theron. Madam Taliah and Sir Trevor along with Sir Theo and his family are already inside.” bati sa amin nung nakasalubong namin na maid kaya agad naman kaming nag lakad papasok sa loob. Tama nga yung hinala ni Kuya Theron, nandito din yung pamilya ni Theo.

Pumasok kami ng magkahawak kamay ni Kiya Theron sa loob kung saan naabutan naming naka upo silang lahat sa sofa habang hinihintay kami.

“Good Morning Mom and Dad.” bati ni Kuya Theron sa mga magulang nila ni Theo bago niya ito niyakap. Sa may kaliwang parte ng sofa naka upo si Theo at Celine. Nakakapag taka dahil wala yung anak nila.

“Good Morning Anak. Good Morning din Klea, yan na ba ang anak niyong dalawa?” nakangiting saad ni Tita bago niya ako niyakap at kinalong ni Tito Trevor si Thevior.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Where stories live. Discover now