Chapter 11

4.2K 69 5
                                    

“K—Klea.” nauutal na pag tawag sa akin ni Kim habang nakain kami dito sa cafeteria. Anong meron? Bakit parang balisang balisa siya? May problema ba?

“Bakit Kim?” tanong ko sa kaniya bago ako uminom ng juice. Kanina ko pa na papansin na parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi.

“Huwag ka magagalit sa akin ha, i didn't want to do it but Kuya forced me to.” kinakabahang aniya ni Kim bago niya hinawakan ang kamay ko.

“Klea, I'm the one who give Kuya the key to your room. Ako din ang nag plano na pabagsakin ang kumpanya ni Matthias. Ako ang naka isip nun at sinabi ko ito kay Kuya.” pag papaliwanag niya habang ako naman ay hindi makapaniwala sa sinabi niya. Paano? Ibig sabihin siya ang nag sabi kay Theo na pabagsakin ang kumpanya ni Matthias? Bakit niya nagawa iyon

“Paano mo nagawa iyon Kim? Alam mo naman na sinaktan ako ni Theo diba? Saka hindi mo ba inisip ang mararamdaman ko? What happened to you Kim? Bakit ka naging ganiyan?” hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinigawan ko na siya. I can't believe it. Oo kaibigan ko siya pero kaibigan ko din si Matthias.

“There's a reason Klea why i do that. Stress na stress na kase si Tita kaya wala akong choice. Si Kuya kase, he's becoming a psychopath when he started realizing that he loves you. Everytime na pumupunta ako sa mansion niya, palagi kong nakikitang umiiyak si Tita. He's becoming a violent person, walang makapigil sa kaniya kahit si Tito.”

“I don't want to help him get you back but naaawa na ako kay Tita. Muntik na niyang saktan si Tita nung nag wawala siya noon. He needs you Klea, ever since his first love leave him he always have been like that. Simula nung nakilala ka niya nawala ito, pero nung iniwanan mo siya nag simula nanaman siyang bumalik sa dati.” pag papaliwanag niya sa akin.

“Please Klea huwag ka magalit sa akin. I didn't want to do it but i have no choice.” nabigla ako ng biglang pumatak ang luha mula sa kaniyang mata at umiyak na siya. Agad niya akong niyakap at niyakap ko naman siya pabalik. Hays, kahit kailan talaga ay hindi ko siya kayang tiisin.

“Mali ang ginawa mo Kim pero ano pa nga bang magagawa ko, nangyari na ang nangyari at wala na tayong magagawa doon. Saka okay naman kami ni Theo ngayon at hindi kami nag aaway.”aniya ko bago ko siya inabutan ng tissue dahil kaunti na lang ay tutulo na yung sipon niya.

“I felt so guilty that day kaya pumunta ako sa bar to clear my mind. Hindi inaasahang may naka one night stand ako Klea. May nangyari sa amin pero hindi ko alam kung sino yung lalaki. Ano nang gagawin ko Klea? Paano kung mabuntis ako? Hindi ko pa naman kilala yung lalaki.” aniya ni Kim habang patuloy pa din siyang umiiyak habang ako naman ay pinapatahan ko siya.

“Hays bakit naman kase nagpaka lasing ka ng sobra sobra? Alam mo naman na ang hina hina mo kapag umiinom ng alak diba?” panenermon ko sa kaniya. Kahit kailan talaga napaka reckless nitong babaitang ito! Siya ang mas matanda sa aming dalawa pero parang ako pa ang mas matured sa amin.

“Huwag mo sasabihin kay Kuya Theo, Kuya Kyzer at Ate Karina ang tungkol dito ha? Baka kapag nalaman ni Kuya Kyzer ang tungkol doon magalit siya sa akin.” aniya ni Kim at nangako naman ako na hindi ko ito ipag sasabi kahit kanino.

Matapos naming kumain ay nag diretso na agad ako sa PE Class namin. Magkakaroon ata kami ng social dance, yun ang sinabi sa amin ni Ma'am Jelay. Kung hindi ako nagkakamali ang social dance ay yung may partner kapag sumasayaw. Bigla tuloy akong na excite dahil hindi pa namin ito nagagawa noon. Puro Festival at Zumba dance kase yung sinasayaw namin noon kaya naging excited ako.

Hindi ko nakasabay si Kim dahil may kukuhanin pa siya sa Science Room. Habang nag lalakad ako ay bigla kong naka salubong si Sir Yuan.

“Klea.” pag bati niya sa akin bago siya lumapit sa akin.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Where stories live. Discover now