Chapter 24

3.9K 71 6
                                    

It's been three months nung gabing ipinagtabuyan ko si Theo pero hindi niya pa rin ako tinitigilan. Palagi siyang sumusulpot kung nasaan kami at palagi ko na lang siya nakikita. Naiinis ako dahil parang sinasadya na niya na sumulpot sulpot kung nasaan ako. Palagi pati niyang ginugulo ang mga araw na may kasama akong ibang lalaki.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaniya dahil kahit ilang beses ko siyang pag sabihan na tumigil na ay ayaw niyang makinig. Palagi na ding nag tatanong si Thevior kung bakit kami palaging sinusundan ni Theo dahilan para mas lalo akong mainis kay Theo. Hindi ko pa rin inaamin kay Thevior na ama niya si Theo dahil baka palagi na niya itong hanapin.

Kasalukuyan akong nasa mall ngayon para makipag kita sa isa sa mga pinsan ko ngayon. Kakauwi niya lang galing Japan kahapon at gusto niya akong makita. Pinsan ko siya sa side ng Mama ko at isa siya sa mga nakasama ko noon simula nung bata pa ako.

Habang iniikot ko ang paningin ko ay biglang nahagip nang paningin ko si Gilbert kaya agad akong tumakbo papalapit sa kaniya at niyakap ko siya.

“Na miss kita Klea.” masayang saad niya baho niya ako niyakap pabalik.

“Kamusta ka na Gilbert?” masayang tanong ko sa kaniya bago kami pumasok sa restaurant kung saan kami kakain ngayon.

“Okay naman, maayos at malaki ang sweldo ko sa Japan kaya ngayon lang ako naka uwi. Ikaw kamusta ka na? Balita ko may anak ka na daw sabi ni Kimberly.” aniya dahilan para mapangiti ako. Mabuti naman at maayos ang buhay niya sa ibang bansa.

“Oo may anak na ako. Four years old na siya ngayon.” saad ko bago kami umupo sa upuan at inabutan na kami ng menu nung waiter.

“Umorder ka ng mga gusto mong pagkain Klea. Libre ko lahat ngayon.” aniya kaya inorder ko na lahat ng gusto kong tikman sa restaurant na ito. Umorder na din kami kaagad at ipinag patuloy namin ang pag kwekwentuhan namin.

Maya maya lang ay dumating na ang order naming pagkain at nag kwento na siya ng mga naging buhay niya sa Japan. Marami pala siyang magandang napuntahan sa bansang iyon. Para tuloy gusto ko nang pumunta sa japan.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain, biglang nahagip ng mata ko ang isang lalaki na madilim na nakatingin sa amin ni Gilbert habang kumakain kami. Nabigla ako nang makita kong si Theo yon. Anong ginagawa niya dito? Pati ba naman pakikipag usap ko sa pinsan ko susundan niya ako? Hindi ba siya napapagod kakasunod sa akin?

Naiilang ako kaya agad akong tumayo at nag paalam kay Gilbert na mag babanyo. Pero imbis na pumunta sa banyo ay nag diretso ako sa table ni Theo at inis ko siyang tiningnan.

“Ano ba Theo! Pati ba naman dito susundan mo ako? Hindi ka ba napapagod diyan sa ginagawa mo? Naiinis na ako!” inis na saad ko pero malamig niya lang akong tinitigan.

“Bakit mo hinayaang yakapin ka niya? Ako nga hindi mo pinapayagan tapos nag papayakap ka lang sa ibang lalaki? Akala mo ba hindi ako nasasaktan Klea?!” galit na sigaw niya sa akin. At siyapa talaga ang may ganang magalit? Siya nga itong nanakit sa akin noon diba?

“Ano naman kung yakapin ako ng iba? Sino ka ba para pag bawalan ako? Hindi naman kita asawa diba? Kung ako sayo tigilan mo na lang ako at umalis ka na! Palagi mo na lang sinisira yung araw ko.” i said irritatedly before rolling my eyes at him.

“That's the point Klea. I'm f*cking jealous everytime you hang out with another man! Nag seselos ako dahil nabibigyan mo sila ng oras samantalang ako hindi mo pinapansin. Wala na ba talaga ako sayo Klea? I f*cking love you so much, why can't you give me another chance?” hindi ako makapaniwala nang sabihin niya ang salitang iyon. Nag seselos siya? And he's asking for another chance? Para saan? Para saktan nanaman niya ako? Saka bakit niya ba ako hinahabol pa? May anak niya at asawa! Alam niya ba kung gaano sila masasaktan kapag nalaman nila ang ginagawa niya?

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Where stories live. Discover now