Prologue

22.5K 618 48
                                    


"Nay nakapasa po ako sa entrance exam dun sa paaralan na gusto ko aralan." Kwento ko sa nanay ko.

Tumingin saakin ang nanay ko at may binigay na papel.

Tinignan ko iyon, isang paaralan din ito pero kakaiba ang pangalan.

Moonlight Academy

Pangalan pa lang halatang pangmayaman na.

"Anak, gusto kong dito ka magaaral. Alam kong mas makabubuti kung dito ka magaaral." Napatingin ako sa nanay ko.

"Nay? Pero gustong gusto ko po talagang magaral sa FEU!" Pangarap ko na talagang makapasok sa unibersidad na yun..

"Anak! Pwede ba respetuhin mo na lang ang sinabi ko sayo! Dahil mas alam ko kung anong mas makabubuti sayo, dahil nanay mo ako!"









---*

Katulad nang utos niya, sinimulan ko ang pag fill up sa form na binigay niya.

Name:
Birthday:
Gender:

Basta marami pa siyang tanong, meron pa ngang naksulat dun na.

'What kind of person you are?

A. Mortal
B. Guardian
C. Other elemental

Huh? Cornii! Pagkatapos ko sa pagsasagot ay agad na akong natulog at iniwan ang form na nakaipit sa libro na binabasa ko.

Kailangan ko nang maghanda sa mangyayari saakin pag pumasok ako sa kakaibang academy na yun. Tsk!



******

"Anak, gumising ka na at maghanda nandito na ang susundo sayo.." Ramdam ko ang dahang dahang pagyugyog nang taong gumigising saakin.

Agad naman akong napamulat.

"Nay, masyado naman atang maaga.." Saad ko.

"Ganun talaga anak, maghanda ka na, naimpake ko na kagabi ang gamit na dadalhin mo. Nandito na rin pala ang susundo sayo." Agad akong tumayo sa kama at nagayos.

Simple lang ang sinuto kong damit. Isang black t-shirt na may design na kakaiba, para nga siyang kapangyarihan eh.

Tapos nakapantalon lang ako at naka rubber shoes. Agad kong hinanap yung form pero wala iyon sa pinagipitan ko.

Subukan ko na lang tanungin si nanay mamaya. Nagsusuklay ako nang may makita ako sa may bandang palad ko na parang desenyo na hindi ko malamn kong ano siya.

Ano nga ba marahil ito?

"Anak! Bilisan mo na diyan nakakahiya sa sumusundo sayo." Agad akong nagmadali at bumaba na.

Nakita ko ang taong susundo saakin, simple ang kaniyang suot, yung karaniwang uniporme nang mga driver.

"Sige po ma'am mauna na po kami." Ngumiti lang si nanay. Paglabas nang lalaki agad akong tumingin kay nanay.

"Kayanin mo ang pagaaral dun, dahil hindi pangkaraniwang paaralan yan anak. Magiingat ka dun, may mga bagay ka dapat na bantayan, at mas lalo na ang sarili mo." Kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi ni nanay, eh tumango na lang ako sakaniya.

"Maraming salamt nay."


******

Makalipas ang ilang oras at napakahabng byahe, na siguro ay umabot sa  apat na oras ay nakaratong na rin kami.

Kakaiba abg dinaanan naminng daan. Dahil kapansin pansin na puro puno lang ang makikita mo sa daan, walang tao ni isa at walang kotseng nadaan, kaya nakapagtataka.

Paglabas ko sa kotse na sinakyan ko isang salita lang ang masasabi ko sa paaralan na ito.

WOW!

Napakalaki nito talaga. May matataas na pader na nakapalibot dito, may malaking fountain sa gitna, at puro puno sa bawat gilid.

Kapansin pansin ang tatlong building na magkakahiwalay. Nilibot ko pa ang paningin ko, sa may dulo may natanaw akong malaking building, na di hamak na mas malaki sa tatlong building na nasa harap ko ngayon.

"Ms. Timothy?" Napalingon ako at may isabg matandang babae ang nakatayo dun..

"Magandang umaga po, ako po si Bloom Timothy." Ngumiti ito saakin.

"Maligayang pagdating sa Moonlight Academy, Ms. Bloom Timothy."

---*

Note:

Bitin ba?? Comment naman kayo kung itutuloy ko pa ba ito.

Parang napapangitan ako eh, kayo nang bahala kung ano ang desisyun niyo.

Comment #Yes pag gusto niyo lang ituloy ko ito. #No if ayaw niyo :)

~shemustbeeninlove

Moonlight Academy[Completed]Where stories live. Discover now