Moonlight 56

5.2K 142 0
                                    

Warning:

Sorry for those typographical errors and wrong grammars. Hope you'll understand. Thanks

~Your_Queen

~*~

(Ang paglalakbay)

Namiya.

Kalagitnaan nang aming paglalakad papuntang deadly forest ay naisipan naming tumigil para magpahinga. Umupo kami sa may ilalim nang puno sa may bukana nang deadly forest. Wala pa kami sa loob, pero makikita mo pa lang sa bukana nito kung gaano kadilim at kung gaano katakot tignan ang gubat na ito.

"Pansamantala, dito muna tayo. Gagawa na lang ako nang protective barrier, para hindi tayo atakihin nang mga Wendigo at mga mababangis na hayop." Saad saamin ni Queen Lory. Inumpisahan niya nang gumawa nang protective barrier. Nang matapos na siya, umupo na din siya. Nagsimula na naming ayusin ang mga sleeping bag sa may damuhan.

Humiga agad ako dahil sobrang sakit nang likod ko at pakiramdam ko ang bigat nang paa ko.

"Patnubayan sana nawa tayo nang bathala sa ating pagtulog." Panalangin ni Ms. Dimitri, na ang tawag na namin ay tita. Napangiti na lang ako. Nakita ko si Mr. Hilbert na gumawa nang bonfire sa gitna, kaya medyo uminit ang paligid, na magandang sistema naman dahil malamig dito.

Sinimulan ko nang pumikit at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

-----

Isang bagong umaga. Agad akong tumayo at umayos nang maramdaman kong gising na ang diwa ko. Inayos ko na ang sleeping bag ko. Nakatayo na din pala sila at ako na lang ang hinihintay nila.

"Buti gising ka na ija. Ito kain ka muna." Inabutan ako ni Ms. Dimitri nang tinapay at kape.

"Salamat po." Saad ko at sinimulang kumain. Nakain na din sila, at si Queen Lory naman ay medyo parang hindi mapakali.

"Ano bang problema Lory?" Tanong nang kapatid niyang si Ms. Dimitri.

"Kinakabahan ako, nakausap ko na si Ama Lucio, nandun na dawang dalawang wizard. Si Frost at si Sky. Kaya nadagdagan na daw ang magaalaga kay Bloom." Saad ni Queen Lory. Buti na lang nandun na yung dalawa.

"Oh ano pang ikinakatakot mo diyan?" Saad ni Me. Hilbert sakaniya. Napatingin saamin si Queen Lory.

"Lalo na daw humihina nang katawan ni Bloom."

-----

Kalagitnaan nang paglalakad namin sa loob nang deadly forest, nany may maramdaman kaming nasunod saamin. Napatigil kami at inabangan ang mga sumusunod saamin.

"Ang mga mababangis na werewolves nandito na sila. Naamoy ko na sila." Saad ni Queen Lory. Mabilis na nagbago nang anyo si Queen Lory. Ako din ay nagbago na.

Remedious Dimitri.

Agad kaming naghanda ni Marcus sa mga susunod na lulusob. Ilang grupo nang mga Wendigos ang nasa harap namin. Inayos na namin ang sarili namin at nagsimula na kaming maglabas nang kapanyarihan sa aming palad at agad na pinatama sa mga Wendigos.

Habang kami ang lumalaban sa mga Wendigos, sina Lory at Namiya naman sa mga mababangis na werewolves.

Alam namaing hindi lang sila ang makakalaban namin, dahil marami ring mga vampire na dangerous type dito.

Tatlong Wedigos na lang ang natitira, agad namang pinatamaan ni Marcus ang nga Wendigos. Nang mamatay at masunog ito agad naman kaming lumingon at nakita naman naming nahihirapan sila sa isang malaking lobo, kaya tumulong na kami. Naglabas ako nang electric ball sa kamay ko at agad na pinatama sa lobo.

Agad naman itong bumagsak at nanginig dahil sa pagtama nang electric ball sa katawan nito. Agad nagbago ang anyo nina Namiya at Lory. Naglabas nang fire ball si Lory at pinatama sa lobo. Agad naman itong nasunog at nagging abo.

"Bilisan niyo. Kailangan na nating mahanap agad ang phoenix." Saad ni Lory at nauna na itong maglakad. Kaya sumunod na lang kami sakaniya.

-----

Nakarating kami sa may bandang gitna nang gubat. Napatingin tingin kami. May mabigat na prinsensiya kaming naramdaman. Isang Vampire!

"May Vampire!" Saad ni Marcus saamin. Kaya marahan kaming bumilog nang magkatalikod para kung saan man siya lumabas makikita agad nang isa saamin.

"Ang mga White Clan." Agad kaming napalingon sa direksyon ni Namiya. Nandun ang isang Vampire. Si Lores! Ang namumuno sa mga vampire na safe type.

"Leros!" Agad kong bulalas sakaniya. Ngumiti siya saakin.

"Anong ginagawa nang mga katulad niyo dito? Masyadong delikado ngayon dito." Saad nito saamin. Lumapit si Lory sakaniya.

"Gusto lang sana namin nang isang phoneix, nasa panganib ang anak ko." Saan ni Quen Lory sakaniya.

"Totoo nga ang balita na nakabalik na kayo. Pero wala nang phoenix na natira dito. Dahil kinuha na ito at pinatay nang mga dark shadows." Biglang nanlaki ang mga mata namin dahil sa sinabi saamin ni Leros. Nakita namin ang pagpatak nang luha ni Lory.

"Pero wag kayong magaalala. May isang phoenix kaming naligtas. Ang pinuno nang Phoenix." Saad saamin ni Leros.

May pagasa pa ang Prinsesa! May pagasa pa!

~*~

Moonlight Academy[Completed]Where stories live. Discover now