Moonlight 62

5.1K 137 1
                                    

Warning:

Sorry for those typographical errors and wrong grammars. Hope you'll understand. Thanks

~Your_Queen

~*~

Patricia Ketlyson

Ayaw ko mang sigawan si Sky kanina, pero kailangan kong gawin yun. Agad namang nakatayo si Kleo. Itinaas ko ang kamay ko upang maigalaw ko ang lupa. Tumaas naman ang lupa at agad akong naghanap nang ugat nang puno. Agad kong ipinalibot ang mga ugat na yun sa katawan niya. Ngunit, agad naman niyang natanggal ito.

Nahihirapan na ako sa totoo lang, pero kailangan kong tapusin ang laban na ito. Kailangan kong patayin ang hayop na pamilya na ito! Kailangan ko siyang patayin para sa tatay ko!

"Ahhhhhh!" Isang sigaw ang narinig ko mula sa gilid ko. Napatingin ako at nakita ko si nanay. Duguan at halos hindi na makahinga. Hindi maari! Agad akong lumapit sakaniya at tinapos ang buhay nang isang Vampire na dangerous type. Nilapitan ko si nanay.

"Nay!" Saad ko sakaniya. Nakita kong nakahawak siya sa beywang niya. Agad niya namang hinawakan ang kamay ko at mukha ako.

"Tapusin mo ang laban anak. Tapusin mo. Patayin mo ang kailangang patayin." Saad niya saakin bago niya tuluyang ipikut ang mata niya. Hindi! Hindi pwedeng mangyari ito! Hindi!

Tuloy-tuloy na bumabagsak ang mga luha ko. Ang nanay ko, ngayon ay patay na sa mismong kaarawan niya.

Agad akong napatayo. Punong puno nang hinagpis ang puso ko. Galit. Yan lang ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang galit ako sa mga taong ito! Galit ako sa pumatay sa tatay at nanay ko.

"Prinsesa!" Agad akong napalingon at nakita ko ang isang lalaki na halos kasing edad namin. Nasa likod ko siya, nakita ko na halos kung paano siya kagatin nang isang Wendigo. Agad akong naalarma at pinatamaan ko agad nang fire ball ang wendigo. Bumagsak ito sa sahig at unti-unting naging abo.

"Apo ko!" Lumapit si Ama Lucio sa lalaki. Apo? Si Pikaso? Pero bakit? Bakit niya nagawang iligtas ako?

"Ama Lucio. Bakit? Bakit niya ako iniligtas?" Agad akong napaupo sa tabi nang katawan ni Pikaso.

"Siya ang nakatakdang magligtas at magbuwis nang buhay para mabuhay ka Prinsesa. Ang apo ko." Saad niya na may halong lungkot sa mga mata niya. Tatayo na sana ako ngunit, isang masakit na bagay ang tumama sa likod ko. Lumapit saakin si Kleo.

"Ano ba yan! Mamatay ka na lang ba nang walang laban?!" Saad niya saakin sabay hinila ako sa braso ko patayo at sinuntok ang sikmura ko. Napa-aray ako sa sakit na naramdaman ko.

"Walang kwentant Prinsesa! Hindi ka pwedeng maging Prinsesa! Hindi bagay sayo ang kapangyarihan na yan!" Saad niya saakin. Ngunit kahit na sobrang sakit na nang nararamdaman ko. Hindi ko ininda ito. Nginisian ko siya.

"Bakit? Sa tingin mo ba, sayo babagay ang kapangyarihan na meron ako?! Kleo! Hindi bagay sayo ang kapangyarihan na ito, dahil kahit anong gawin mo. Maitim pa din yang budhi mo!" Sigaw ko sakaniya. Agad niya akong ibinato, at tumama ako sa may malaking puno.

Masakit. Yan lang ang nararamdaman ko. Masakit hindi dahil sa pagkakatama ko. Kundi dahil sa maraming namamatay dahil saakin. Nawala ang nanay ko, pati na ang apo ni Ama Lucio.

Hinanakit at galit, napalitan lahat nang emosyon ko. Kahit sobrang hirap na hirap na akong tumayo, nagawa ko pading tumayo. Kailangan kong lumaban. Kailangan kong ipakita sa lahat na malakas din ako katulad nila.

Sobrang nagiinit ang pakiramdam ko. Nararamdaman ko na naghahalo-halo lahat nang kapangyarihan sa loob nang katawan ko. Nararamdaman ko kung paano humahapdi ang kalamnan ko. Masakit na gusto ko.

Remedious Dimitri

Naubos na lahat nang Wendigo at bampira. Napatingin kami sa direksyon nang Prinsesa. At nagulat kami sa nakita namin. Ang katawan nang prinsesa, balot na balot siya nang pinaghalo-halong kapangyarihan niya. Kanina pa siya pinatatamaan ni Kleo, pero tumatalsik lang ito.

Nakatungo siya at agad na umangat ang ulo niya. Ang mga mata niya! Ang mata niya na halos nagaapoy na.

"Magsipasok kayo sa loob! Isang malakas na pagsabog ang magaganap!" Sigaw ni Ama Lucio saamin. Agad kaming pumasok nang palasyo at sinarado ni Ama Lucio ang pinto. Tinulungan siya ni Marcus na bitbitin ang apo niya. Sugatan ito.

Kita ko ang pagkalungkot sa mukha ni Ama Lucio, pero alam kong alam niya na ganito ang mangyayari. Nakita ko ang katawan niya.

Ang kapatid ko...

Agad akong lumapit kay Lory at nakita ko ang duguan niyang katawan.

"Patay na siya." Saad saakin ni Marcus. Halos magunaw ang mundo ko sa narinig kong sinabi niya. Halos mamatay ako kakahagulgol. Ang sakit! Nawala na ang kapatid ko. Lalabas sana ako upang tulungan si Bloom, pero hinawakan ni Ama Lucio ang kamay ko.

"Wag mong susubukan Remedious. Nagsisimula na." Saad niya saakin. Napatingin ako sa buwan. Nagsisimula na nga!

Halos mabingi kami sa isang malakas na sigaw. Napatakip ang tenga namin. Ang buwan! Kulay pula ito. Nagsisimbolo na ang kapangyarihan nang Prinsesa ay tuluyan nang nagsama sama para sa isang ebolusyon.

Halos mabasag lahat nang salamin at halos magiba na din ang pinto. Isang katawan ang tumalsik papunta dito sa loob. Ang katawan ni Kleo! Duguan at halos sira sira na ang damit nito. Papatayin na sana siya ni Marcus nang makita namin ang nagaapoy na katawan ni Bloom. Lumapit siya sa katawan ni Kleo at agad na pinatamaan nang isang malaking fire ball.

Nasunog ang katawan nito hanggang sa maging abo. Nakita namin ang pagbagsak nang katawan ni Bloom sa sahig.

Napatingin kami sa buwan na naging kulay puti. Tapos na..

~*~

Moonlight Academy[Completed]Where stories live. Discover now