Moonlight 28

6.6K 209 4
                                    

Warning:

Sorry for those typographical errors and wrong grammars. Hope you'll understand. Thanks

~shemustbeeninlove

~*~

Frost's

Nagulat ako sa nakita ko kanina, hindi ako makagalaw, dahil si Bloom kanina ay nababalot nang apoy pero hindi siya nasusunog. Kaya ito ako ngayon nandito sa kwarto niya, kasama ko sina Ms. Dimitri, Ama Lucio at Mr. Vell, si Mr. Hilbert ay wala dahil may hinanap siyang isang gamot.

"Ano bang nangyari ijo, at bakit nagging ganun kalakas ang tensyon nang apoy sa kaniyang katawan? Matindi ba ang emosyon na naranasan niya?" Tanong saakin ni Ama Lucio, napatungo ako.

"Opo, dahil po saakin. Nagaway po kasi kaming dalawa, marami po kasi kaming hindi napagkaintindihan dalawa kaya ganun po." Saad ko sakanila. Lumapit saakin si Ms. Dimitri.

"Ayus lang yan Frost, hindi mo yan kasalanan." Saad saakin ni Ms. Dimitri. Hindi! Kasalanan ko lahat nang ito, kung hindi ko iniwasan at nasaktan si Bloom, hindi siya maggiging ganito.

"Si Bloom." Saad ni Mr. Vell, kaya nakita ko na lang na dumilat si Bloom, at mas nakakagulat yung mga sinabi niya.

"Ayaw kong makita ka! Umalis ka dito! Please Frost! Ayokong makita ka muna.." Pinapakalma siya nina Ms. Dimitri at Mr. Vell. Lumapit saakin si Ama Lucio.

"Ijo, umalis ka muna, at baka pagnagkaroon na naman nang matinding emosyon ang dalaga baka may manyaring masama saatin." Saad niya saakin. Kahit ayaw ko, lumabas na lang ako. Kasalanan ko lahat ito.

-------

Bloom's

Pinapakalma ako nina Ms. Dimitri, kaya kumalma na din ako dahil may kakaiba na naman akkng nararamdaman sa katawan ko. Naalala ko na naman yung sa may training hall.

"Ahmm, Ms. Dimitri, ano na pong nangyari da training hall?" Tanong ko sa kanila. Ngumiti saakin si Mr. Vell

"Ija, ayus na lahat. Tumulong na din ang ibang estudyante para maibalik ito sa normal, yung parang walang nanguati, gamit ang isang spell." Saad saakin ni Mr. Vell, kaya napatango na lang ako.

"Pasensiya na nga po pala sa mga nagawa ko kanina. Bigla na lang po kasing umiinit ang katawana ko pag nakakaramdam na ako nang sobrang emosyon." Saad ko sakanila. Kaya napatango sila saakin lahat.

"Hindi ko na din po maintindihan ang meron saakin. Minsan, pagkagising ko, didiretso ako sa kusina at halos maubos ko na lahat nang tubig sa ref namin sa unit, dahil sobrang uhaw na uhaw ako. Yung tipong hindi ako nakainom nang halos isang buong taon." Kwento ko sakanila. Tapos tumingin saakin si Ama Lucio.

"Ija, wala ka bang nararamdaman na minsan parang nahihiligan mo na ang mga halaman, at minsan naiintindihan mo na ang mga hayop?" Tanong saakin ni Ama Lucio.

"Wala naman po Ama Lucio, pero kung mahilig man ako sa halaman, normal na po saakin yung dahil mahilig naman po talaga ako sa halaman at bulaklak." Saad ko sakanila at tumango saakin si Ama Lucio.

"Kamusta naman ang lagay mo?" Tanong saakin ni Ms. Dimitri.

"Ayus na naman po ako, pero pakiramdam ko po sobrang pagod na pagod po ang katawan ko." Saad ko sakanila.

"Ganyan talaga yan Bloom, kasi nasobrahan ka sa emosyon, at nailabas mo yun nang wala sa oras. Ang sabi pa nga saamin ni Frost, nakita ka niyang nababalutan nang apoy." Saad saakin ni Ms. Dimitri.

"Nababalutan po nang apoy? Paano po yun?" Tanong ko sakaniya.

"Ija, yung mismong katawan mo punong puno namg apoy, pero hindi ka nasusunog, yung tipong parang immune ka na sa apoy, at hindi man lang nagalusan ang katawan mo o napaso sa apoy." Saad nila saakin. Si Frost?!

"Ano nga po palang nangyari kay Frost?!" Tanong ko sakanilang lahat.

"Ayus na naman siya Bloom, nagsunog lang yung bandang braso niya dahil, matapos mong himatayin, hinawakan ka niya, dahil sobrang nagaalala na siya sayo." Saad naman saakin ni Mr. Vell

"May paso po siya sa braso?" Tanong ko sakanila, at sabay sabay silang tumango saakin. Nasaktan ko si Frost. Nasaktan ko siya, siya na nga itong nagaalala saakin, nagalit pa ako sakaniya.

"Sige na ija, magpahinga ka na muna. Para bukas pwede ka nang pumasok sa klase." Tumango lang ako kay Ms. Dimitri. Humiga na ako pagkalabas nila at pumikit.

-------

Sa kalagitnaan nang tulog ko, nagising ako sa isang tinig.

"I'm sorry Bloom, hindi ko naman gustong magalit ka saakin eh. Nagseselos lang naman ako sainyo ni Sky eh. I'm sorry Bloom. I'm really really sorry, I'm starting to fall on you Bloom." Tapos naramdaman ko na lang na hinalikan niya ako sa noo, at umalis. Dumilat ako at pamilyar ang likod niya saakin.

"Frost?"

~*~

Moonlight Academy[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon