Moonlight 13

8.7K 251 4
                                    

Warning:

Sorry for those typographical errors and wrong grammas. Hope you'll understand. Thanks

Enjoy ;)

~shemustbeeninlove

~~~~~~*

Crystal's Pov

Nagtataka man kami ni Sky, kailangan namin sundin ang utos nila saamin. Bumalik na kami sa unit namin, nang makita namin si Bloom, na wala sa loob.

"Shezz! Nasan yun?!" Nataranta kami ni Sky. Dahil dun sa sinabi ng mga Class S wizard saamin dahil, parang may ibig sabihin pero hindi namin makuha kung bakit.

"Ohh bakit parang tarantang taranta kayo diyan?" Napalingon ako sa pi anggalingan nang boses at nakita ko si Bloom, agad akong napatakbo sakaniya at niyakap siya. Nasa may labas palang siya nang dorm namin.

"Teka lang Crystal.. Nasasakal ako eh." Agad akong napabitaw sakaniya. At ngumiti at nag-peace sign sakaniya. Umiling lang ito.

"Ano bang problema at parang tarantang taranta kayo na wala akong diyan?" Tanong niya saamin. Kaya napatingin ako kay Sky. At umiling siya. Kaya bumuntong hinga ako.

"Wala lang naman Bloom, ano lang.. Kadi bff kita kaya magwo-worry ako kung bakit wala ka sa dorm natin. Nasan ka ba??" Saad ko na lang. Umiling lang suya, tapos naunang pumasok sa loob nang dorm kaya sumonod kami ni Sky. Nakita naming kinuha niya si Chimmy. Tapos hinaplos haplos niya si Chimmy.

"Sa baba lang. May binili lang ako sa may cafeteria. Anong pinagusapan niyo nina Ms. Dimitri?" Tanong niya saamin. Kaya napalingon ako kay Sky at umiling lang siya. Na ibig sabihin wag kong sabihin kay Bloom. Sorry Bloom, we need to do this for your own sake.

"Wala naman, tungkol lang sa mga Dark Enemies yun." Sana kumagat ang dahilan.

"Ahhhh.." Yan na lang ang sinabi niya kaya nakahinga rin ako nang maluwag kadi hindi na siya nagtanong.

~*~

Nandito ako sa dorm ni Sky at Frost. Naguusap kami tungkol sa Dark Enemies.

"Gaano na kadami ang sumalakay sa Lucia?" Tanong ko kay Frost.

"Marami rami na rin. Mukhang lumalakas na sila." Agad na sagot niya saakin. Grabe, mukhang maraming mapapahamak dito ngayon.

"Nagpadala na ang mga nakakataas nang mga magbabantay sa bawat lugar, lalo na sa Goblin Forest, dahil yun ang gustong lusubin nang mga Dark Clan, dahil alam nilang may alam sila tungkol sa Prinsesa at Reyna." Nagtataka talaga ako, na paanong nangyaring nandito ang prinsesa? Dapat magpapakita ito kina Ms. Dimitri?

"Alam niyo ang pinagtataka ko pa lalo, kinausap ako ni Ms. Dimitri, about dun sa innocent mortal girl na si Bloom." Napatingin ako lalo kay Frost, sabay tingin kay Sky.

"Don't tell me it's all about dun sa protect thingy?" Pahayag ko sakaniya. Tapos tumango naman agad siya. So hindi lang pala kami??

Naguusap lang kami, nang may narinig kami nang kakaguluhan sa labas, kaya dali dali kaming lumabas.

"Crystal! Si Bloom! Napapalibutan ang katawan niya nang spell. Hindi namin siya magising, may itim na aurang nakapalibot sa katawan niya." Pahayag nang kaklase namin. Kaya agad kaming dumiretso sa kwarto namin ni Bloom, tama nga siya.

"Hell! Lason yan!" Agad na bulalas ni Sky. Maaring mamatay si Bloom dito, isang Dark Spell.

"What's going on here?!" Napalingon kami, at si Ms. Dimitri, lagot kami dito.

"Oh God! Mr. Vell, dalhin niyo si Bloom sa clinic at tawagin ang pangulo nang Goblins, dahil alam niyang tanggalin ang Dark Spell na yan." Nagmadali sina Mr. Vell at Mr. Hilbert na buhatin si Bloom at lumabas na ito.

"God! This can't be. Everyone! Go back to your rooms and close all your windows!" Agad naman nagsipasukan lahat nang estudyante sa kaniya kaniyang dorm unit nila. Lumingon si Ms. Dimitri saamin.

"We'll talk. All of you." Patay kami nito.

~*~

"Anong sabi ko sainyo tungkol sakaniya?" Tanong ni Ms. Dimitri. Halata sa boses niya ang pagkadismaya.

"Don't take this wrong kids. Ginagawa ko ito for your own sake din naman. Help me and I know sooner or later she will help us. Please just do what I say okay? Please." Nagmamakaawang tono nang boses ni Ms. Dimitri.

"Bakit po ba kailangan naming gawin ito sakaniya??" Tanong ko sakaniya.

"Because... She'll deserve it." Yan lang ang paliwanag niya pero parang may malalim na ibig sabihin yun.

"Okay we will Ms. Dimitri." Sagot ni Frost.

"Sorry for what happened Ms. Naguusap po kasi kaming tatlo in private para hindi niya po malaman ang plano niyo po--- natin. Kaya naiwan po siyang magisa sa loob nang unit." Kwento ni Sky.

"I understand Sky, just don't leave her alone.. Hindi na rin ligtas dito sa Academy. May nakapasok nang Dark Enemies kaya kailangan doble ingat na okay?" Tumango na lang kami bilang sagot.

"Okay you can now go. Check her condition, for me." Lumabas na kami nang office ni Ms. Dimitri.

Why we need to do this? May alam ba sila na hindi namin alam? Masydong komplikado saamin, lalo na saakin.

--------*

Moonlight Academy[Completed]Where stories live. Discover now