Moonlight 46

6.3K 178 7
                                    

Warning:

Sorry for those typographical errors and wrong grammars. Hope you'll understand. Thanks

~shemustbeeninlove

~*~

Bloom Timothy

Naandito ako ngayon sa may kwarto kasama si nanay, Ms. Dimitri at Ama Lucio. Nakaupo lang ako sa kama at nakatingin sakanila.

"Anak.. Isa kang prinsesa." Saad ni nanay saakin, pero nakatingin lang ako sakaniya at hindi ako nasagot. Gusto kong ipaliwanag niya ang lahat saakin.

"Nung araw na pinanganak kita, ramdam ko nang may hindi magandang mangyayari. Dumating ang panahon na tatlong araw pa lang ang nakakalipas mula nung ipinanganak ka. Sinugod tayo nang mga Dark Enemies. Tinulungan tayo nina Ama Lucio at ilang mga professor sa Academy na pinapasukan mo. Ngunit namatay ang ama mo, kaya ang naging magandang paraan na lang para ilayo ka sa mga dark enemies..." Tumingin siya saakin at bumuntong hininga.

"Dinala kita sa mortal na mundo at pinalaki na parang normal. Nabalitaan ko na lang na napaaga ang paglabas nang balat mo sa may bandang batok mo. Kaya agad akong pumunta dito, hindi mo lang alam pero nakamasid ako sa'yo." Umupo sa tabi ko si nanay at niyakap ako, kaya yumakap din ako sakaniya.

"Anak, ikaw ang magmamana ang mga kapangyarihan nang apat na dragon." Saad saakin ni nanay, kaya napatingin ako sakaniya.

"Ang Hydra, Infernal, Earth and the final orb is Ice." Saad ni nanay saakin.

"Paano?" Tanong ko naman sakaniya.

"Kaya gusto kang maangkin nang mga dark enemies, dahil ang kapangyarihan mo ang gusto nilang makuha sa'yo." Saad naman saakin ni Ama Lucio.

"Ikaw ang nakatakda ija, sa katunayan, nagging malakas ang iyong katawan dahil nasasaiyo na ang Hydra at Infernal. Dapat may mga sintomas na lalabas sa'yo, katulad nang pagkahilo at pagsusuka dahik sa sobrang sakita at minsan ay mawawala ka sa sarili." Kwento saakin ni Ama Lucio.

"Pero isa dun ay walang nangyari sa'yo. Ang kailangan mo lang ngayon, ay ihanda ang pagiisap at katawan mo sa final orb." Saad saakin ni Ama Lucio. Kaya nagtaka ako.

"Final Orb?" Saad ko sakaniya. Lumapit ito saakin at may pinakitang litrato saakin.

"The Four Powerful Orb." Saad naman saakin ni nanay. May tinuro saakin si nanay.

"Ito ang apoy. Infernal." Saad ni nanay saakin. Sunod ang kulay blue.

"Tubig at Yelo. Hydra and Ice." Saad ni nanay ulit saakin. Sunid yung kulay green saakin.

"Mundo. Earth." Saad ni nanay ulit saakin. Tinuro niya naman ang kulay brown.

"At ang lupa na bahagi din nang Earth." Saad ni nanay saakin. Tapos sinarado na ni Ama Lucio ang libro.

"The Four Powerful Orb. Lahat yun ay nakatakdang manahin mo sa bawat dragon. Ang dalawa ay nasaiyo na. Delikado ang Earth." Saad ni Ama Lucio saamin.

"Pati na ang Ice." Saad naman niya ulit saakin. Kaya nagtaka ako.

"Dahil maaring lamangan nang dalawang ito ang mga naunang kapangyarihan. Maari ka nitong kontrolin at gawin lahat nang bagay para ang mismong kapangyarihan mo na ang kumontrol saiyo." Kwento saakin ni nanay.

"Nasa bandang dulo, paghindi mo nagawang malabanan...." Kinakabahan ako sa susunod nasasabihin saakin ni nanay.

"Mamamatay ka anak."

------

Gabi na. Halos hindi din ako makatulog dahil sa mga sinabi nilang lahat saakin. Paano kung hindi ko makayanan? Paano kung mamatay ako? Maiiwan ko si Frost.

Dahik sa sobrang pagiisip ko, tumayo ako sa kama at lumabas nang kwarto ko. Dumiretso ako sa may baba hanggang sa dumiretso ako sa may isang malaking hall, kung ang tawagin ay tanggapan.

"Princess Patricia, bakit nandito pa kayo sa baba?" Tanong saakin ni Patrick, ang sabi ni nanay ay Butler ko na. At si Chimmy, ang tagabagbantay ko. Binigyan ko na siya nang magandang pangalan. Namiya ang pinangalan ko kay Chimmy.

"Ahhh, magpapahangin lang sana ako sa may labas." Saad ko naman sakaniya.

"Samahan na po kita." Saad ni Patrick. Ngumiti lang ako sakaniya at umiling.

"I can handle myself Patrick. Just let me. Kung ayaw mo naman, diyan ka na lang sa may main door at hayaan mo na lang ako sa may ilalim nang puno." Hindi talaga ako sanay na masyadong pormal ang paraan nang pagkausap saakin nang mga taong makakasalubong ko.

Naandito na ako sa may ilalim nang puno at nakatingin sa mga magagandang bituin. Pakiramdam ko nakatingik din ang taong mahal ko, para na tuloy kaming magkasama. Kaya palihim akong napangiti sa naisip ko.

"Namimiss mo siya noh?" Napalingon ako at nakita ko ang nanay ko, umupo siya sa tabi ko. Ngumiti din siya saakin at tumingin din sa langit. Bigla naman siyang nagsalita ulit.

"Mahal mo talaga si Frost, anak?" Napatingin ako sakaniya at tuluyan na akong napangiti sa sinabi ni nanay.

"I really do."

~*~

Last update for now. Bukas na ang iba. Masyadong nakakahassle eh. Sorry👌

Moonlight Academy[Completed]Where stories live. Discover now