Moonlight 54

5.6K 145 0
                                    

Warning:

Sorry for those typographical errors and wrong grammars. Hope you'll understand. Thanks

~Your_Queen

~*~

Namiya

Tatlong linggo na rin ang nakakalipas, pero ito pa din si Bloom, nakahiga at nakapikit pa din. Wala paring nagbabago sa kalagayan niya. Lalo pang humihina ang katawan niya. Natatakot kami, hindi dahil sa mga Dark Shadows, kundi sa kalagayan ni Bloom.

Maraming nalulungkot sa sitwasyon ni Bloom, halos araw araw may tao dito sa kwarto, hindi nawawalan nang tao dito maliban sa oras nang pahinga niyang magisa. Madalas kinakausap siya nang bumibisita sakaniya.

Halos lahat din sila, nagaalala sa Prinsesa.

"Namiya, magpahinga ka na. Si Patrick na ang bahalang magbantay sakaniya." Saad saakin ni Ama Lucio.

"Sige lang po, susunod na lang po ako, may gagawin lang po ako." Tumango lang saakin si Ama Lucio at lumabas na nang kwarto. Humawak ako sa kamay ni Bloom. Nagulat ako nang biglang humigpit ang kamay niya at sumakit ang ulo ko.

"Namiya! Namiya! Hanapin mo ang Phoenix! Ang phoenix. Kailangan niyo siyang pakantahin sa harap ko! Dahil maari akong mamatay!" Bigla ako napabitaw sa kamay ni Bloom. Nakita ko siya! Nakita ko siya! Agad akong napatakbo palabas nang kwarto niya at padiretso ako sa opisina namg Queen Lory.

Hindi na ako kumatok at agad ko itong binuksan. Nakita ko pang naguusap sina Ama Lucio at Queen Lory.

"Ija! Anong problema? At parang hingal na hingal ka?" Agad akong pinaupo ni Queen Lory sa isang sofa at inabutan nang tubig. Nang mahimasmasan ako, agad akong nagsalita.

"Si Bloom!" Saad ko sakanila.

"Anong meron sa anak ko?" Tanong ni Queen Lory saakin.

"Nakita ko siya. Nasa kamay nang mga dark shadows ang kaluluwa niya!" Natatarantang saad ko sakanila. Agad napatayo si Queen Lory.

"Naka kulong ang kaluluwa niya sa isang selda na binabantayan nang isang Wendigo. At ang saad niya saakin. Isang Phoenix, isang phoenix ang kailangan pakantahin sa harap niya, dahil kung hindi, tuluyan na daw siyang mamamatay."  Saad ko sakanila. Biglang napatayo si Queen Lory.

"Kaya pala ang katawan niya ay pahina nang pahina." Saad ni Ama Lucio. Tumingin kami kay Queen Lory.

"Kailangan natin makahanap nang Phoenix." Saad ni Queen Lory at tumingin siya saamin.

"Pero Lory! Sa Deadly Forest lang meron nun." Saad ni Ama Lucio, tapos tumingin siya saamin.

"Kaming dalawa ni Namiya ang maghahanap, dahil isang kalahating griator naman si Namiya at ako naman ay kalahating werewolf, kaya panigurado, kaya na namin yun." Saad naman ni Queen Lory. Tama naman siya, dahil parehas naman kaming may kapangyarihang lumaban sa mga dark wolves.

"Pero kailangan niying magsama nang mga Class S wizard, para sa paglaban sa mga Wendigos." Saad ni Ama Lucio.

"Si Dimitri, at Hilbert, mga Class S wizards. Sila na lang ang isasama namin." Saad ni Queen Lory. Tumango si Ama Lucio.

"Pagusapan niyo muna angaraw nang pagalis niyo, para naman makapaghanda kami." Saad niya naman saamin.

"Sangayon ako diyan Ama Lucio." Saad ni Queen Lory, tapos humarap sia saakin.

"Ihanda mo na ang sarili mo Namiya, para sa isang mahabang paglalakbay."

------

Naandito ako sa kwarto at kasama ko si Crystal. Hindi ko pa nasasabi sakaniya ang nangyari kanina. Dahil kararating niya pa lang galing Academy.

"Kamusta naman si Bloom?" Tanong niya saakin. Bumuntong hininga ako sakaniya.

"May kailangan kang malaman." Saad ko sakaniya. Halata sa mukha niya ang pagtataka dahil sa sinabi ko.

"Si Bloom, ang totoo nan Crystal. Nasa panganib si Bloom." Saad ko sakaniya. Nanlaki ang mata niya at halata sa mukha ang kaba at takot.

"Ang kaluluwa ni Bloom, nasa kamay nang mga Dark Shadow, nagawa niyang pasukin ang isip ko kanina nang hawakan ko ang kamay niya. Nasa isang selda siya at bantay siya nang isang wendigo." Saad ko sakaniya. Napakapit siya sa braso ko.

"Paano natin siya matutulungan?" Saad ni Crystal. Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya.

"Yun na nga Crystal. Isang Phoneix ang kailangan nating hanapin, para pakantahin sa harap niya. Dahil kung hindi, unti unti nang makukuha nang mga dark shadows ang kaluluwa niya, at unti-unti na siyang mamatay at makukuha na ang kapangyarihan niya nang mga dark shadows." Nasa mukha niya ang pagkabigla sa narinig niya.

"Paano yan Namuya? Paano na si Bloom?" Tanong niya saakin. Umiling ako sakaniya at hinawakan ko ang kamay niya.

"Don't worry, kami na bahala ni Queen Lory sakaniya."

~*~

Moonlight Academy[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon