Moonlight 63

6K 148 2
                                    

Warning:

Sorry for those typographical errors and wrong grammars. Hope you'll understand. Thanks

~Your_Queen

~*~

Frost Griffin

Halos isang linggo na ang nakakalipas, pero ganun pa din ang kalagayan ni Crystal. Nandito kami ni Bloom sa may kwarto ni Crystal. Nakahiga lang siya at nagpapagaling. Gising siya kanina, pero ngayon natutulog na siya. Masyadong malaki ang sugat ni Crystal sa likod niya.

"It's my fault Frost." Saad ni Bloom saakin. Nakita ko ang pagpatak nang mga luha sa mata niya. Agad akong lumapit sakaniya at pinunasan yun.

"Wala kang kasalanan Bloom. Sa totoo lang. Salamat. Salamat kasi niligtas mo din kami." Saad ko sakaniya. Matapos ang gabing yun, bumalik na sa normal ang buong Tereseyas.

"Frost?" Napalingon si Bloom. At nandun nga si Crystal, gising siya at pilit niyang gustong umupo. Agad na lumapit si Bloom sakaniya.

"Ano ka ba namam Crystal, wag ka ngang malikot, baka naman bumukas yang sugat mo sa likod." Saad ni Bloom at tinulungan siyang muli upang humiga.

"Salamat." Saad ni Crystal sakaniya at ngumiti.

"Frost? Pwedeng maiwan mo muna kami? Kakausapin ko lang si Crystal." Agad naman niyang sabi saakin. Kaya tumango at tuluyan nang lumabas nang kwarto ni Crystal.

Patricia Ketlyson

Pinalabas ko muna si Frost. Kailangan ko din kausapin si Crystal. Nang makalabas na si Frost. Agad naman akong tumingin kay Crystal at ngumiti sakaniya.

"Crystal? Salamay nga pala sainyo ni Sky. Sobrang laki nang utang na loob ko sainyo." Saad ko sakaniya. Ngumiti lang siya saakin. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Bloom, alam kong sinisisi mo anh sarili mo kung bakit nangyayari ito. Wala ka namang dahilan para sisihin mo ang sarili mo. Nagpapasalamat nga kami sa'yo dahil naligtas mo ang buong Tereseyas. Kaya kung ako sa'yo wag mo nang sisihin ang sarili mo. Ha?" Medyo naiyak ako sa sinabi ni Crystal. Pinunasan niya naman ang mga luha ko. Sabay niyakap niya ako nang mahigpit. Yakap nang totoong kaibigan.

"Crystal. Wala na si nanay. Wala na si nanay." Saad ko sa bawat pagiyak saakin. Namatay si nanay dahil saakin.

"Alam mo ba kung bakit siya namatay?" Tanong saakin ni Crystal. Tumingin ako sakaniya tapos ngumiti siya saakin.

"Namatay ang nanay mo dahil gusto ka niyang iligtas. Iligtas sa mga taong gustong saktan ka. Ganoon ka kamahal nang nanay mo, na ginawa niya pang isakripisyo ang sarili niyang buhay makita ka lang na humihinga." Saad niya saakin. Mas lalo akong napaiyak. Sobrang sakit lang kasi dahil saakin namatay nang tuluyan ang nanay ko.

"Wag mong sisihin ang sarili mo Bloom. Kahit kami, hindi ka namin sinisisi. Alam mo ba ang gusto namin na gawin mo?" Napatingin ako sakaniya at ngumiti siya saakin.

"Pilitin mong maging masaya, dahil alam kong yun lang din ang gusto nang nanay mo. Ang gusto nang bawat taong nakapalibot sa'yo. Sa ginagawa mo, lalo din kaming nasasaktan." Saad niya pa saakin.

"At isa pa Bloom. Nandito pa kami. Nandito pa kami nina Frost sa tabi mo."

------

Napagisip-isip ko na tama din naman pala si Crystal. Kailangan kong ipakita na matatag ako. Kailangan kong ipakita na sa kabila nang nangyari sa nanay ko, matatag pa din ako.

"Prinsesa." Agad akong napalingon at ngumiti sakaniya. Pikaso. Ang taong nabuwis nang buhay saakin. Nagpapasalamat ako na gumaling na talaga siya. Naging tagapagbantay ko na din siya. Lagi siyang nasa tabi ko.

"Oh Pikaso. Halika dito." Saad ko sakaniya at pinaupo ko siya sa tabi ko. Si Pikaso ay naging tao na din, pero ang kaniyang edad ay ganun pa din. Kung titignan mo, halos magkasing-edad lang kami, pero bata pa siya mag-isip.

"Pikaso? Nagpapasalamat si ate sa'yo. Nagpapasalamat ako na iniligtas mo ako." Saad ko sakaniya na may ngiti sa mukha.

"Walang anuman po. Tungkulin ko pong iligtas at tulungan ka." Saad niya saakin. Niyakap ko siya bilang pasasalamat. Sabay kaming pumasok ni Pikaso sa loob nang palasyo. Agad naman akong dumiretso sa hall. Kung saan nandun lahat nang tao. May malaking ngiti saakin labi nung umakyat ako sa platform.

Agad naman silang nagbownang makita ako na nakatayo doon. Ngumiti ako sa kanila.

"Magandang umaga sa lahat. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat nang taong dunalo dito ngayon. Malaking gantimpala saakin yun. At isa pa. Gusto ko lang pong magpasalamat sa mga taong tumulong saakin at sa mga taong nakipaglaban para sa panig nang White Clan. Mabuhay kayong lahat! Dahil ngayon, malaya na tayong lahat!"

Nakakatuwang isipin na tapos na bg lahat. Tapos na ang kasamaan nang mga tiga Dark Clan. Tapos na.

~*~

Moonlight Academy[Completed]Where stories live. Discover now