Moonlight 41

6.3K 203 2
                                    

Warning:

Sorry for those typographical errors and wrong grammars. Hope you'll understand. Thanks

~shemustbeeninlove

~*~

Bloom's

Tatlong araw na simula nung nakapagusap kami ni Frost. And I want to admit it, he's now courting me!

"Aba Bloom? Hindi na ako makapiniwala talaga na ganyan ang epekto nang pagmamahal ni Frost sayo." Saad saakin ni Crystal, kaya ngumiti lang ako sakaniya at sumubo nang kanin.

Naghuhugas na ako nang pinggan nang magpaalam saakin si Crystal.

"Bloom, alis muna ako ha? Pupunta naman daw si Frost, para may kasama ka naman. At kasama ko nga pala si Sky." Saad niya naman saakin.

"Ganun ba? Sige ingat kayo!" Nagyakap ako sakaniya at tuluyan na siyang lumabas nang unit. Pagkatapos kong maghugas, tinanggal ang apron na nakalagay sa beywang ko. Agad naman akong humiga at tumingin sa orasan.

12:30 pm. Matutulog muna ako. Kaya naman buksan ni Frost yang pinto eh. Kaya humiga na ako at pumikit.

-----

Frost's

Kararating ko lang sa tapat nang unit nina Bloom. Nasaakin ang duplicate key ni Crystal. Kaya walang problema. Pagbukas ko nang pinto, nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog. Agad kong sinara ang pinto. Medyo magulo na sa unit nila ngayon, dahil siguro nagiging busy na kasi kami sa school, less time na ang paglilinis nila.

Lumapit ako sakaniya at kinumutan ko siya. Sabay hinalikan konsiya sa noo. Kumuha ako nang walis tambo at winalisan ko ang kwarto nila. Inayos ko na din yung mga gamit nila sa may study table. Nang mapagod ako, umupo ako sa isang upuan at pumikit.

*"*

"Frost?" May tumawag sa pangalan ko at yumuyogyog sa balikat ko. Napadilat ako at nakita kong si Bloom at gumigising saakin. Naka-apron ito at nakatali ang buhok. At may nangangamoy na pagkain.

"Gising na diyan, gabi na oh!" Napatingin ako sa orasan at 7 na pala nang gabi. Tumayo ako at inayos ang damit ko.

"Dito ka na muna kumain." Saad niya saakin, kaya tumango ako. Tinulungan ko na siyang ayusin ang mga gagamitin at ilalagay sa lamesa. Nang matapos na kami, umupo naman kami na magkaharap.

"Pasensiya na Bloom, nilinis ko kasi yung unit niyo kaya nakatulog na din ako sa sobrang pagod." Saad ko sakaniya sabay subo nang kanin.

"Nah! It's okay. Salamat mga pala sa paglilinis. Nakaligtaan ko na, since puyat din ako, may pinagaralan kasi ako sa potion." Saad naman niya saakin.

"Wag ka kasing masyadong nagpupuyat, baka magkasakit ka nan eh." Saad ko naman sakaniya. Kaya ngumiti siya saakin.

"Oo na sige na hindi na, pero hindi ko maipapangako. Look sobrang dami na nating ginagawa sa school." Saad naman niya saakin. Hinawakan ko ang kamay niya.

"If you need help, just let me know." Saad ko naman sakaniya at tumango naman siya saakin. Nung natapos na kaming kumain, ako na ang naghugas at siya na ang naglinis sa may lamesa.

Kakatapos ko lang maghugas at umupo ako sa may upuan dito sa may kusina.

"Ahmm, Frost?" Napalingon ako sakaniya, umupo siya sa katapat kong upuan. May nilapag siyang baso na may lamang tubig.

"May hindi pa pala akong sinasabi sayo." Saad naman niya saakin  kaya napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Mas mabuting ipapakita ko na lang sayo." Pumikit siya at itinaas ang kamay niya, napapansin ko na parang yung tubig sa loob nang baso, ay gumagalaw, sinimulang iikot ni Bloom ang kamay niya at mas lalo akong nagulat na yung tubig sa loob nang baso ay tumaas at umikot sa ere. Bumukas ang mata niya at sinimulang ibaba ang kamay niya.

"How did you do that?" Tanong ko sakaniya. At umiling siya.

"Biglaan lang Frost, biglaan lang, hindi ko nga din alam kung paano ko napagalaw yang tubig na yan, pero nagulat na lang ako nung magawa kong galawin yan." Saad naman niya saakin.

"Isa kang kalahating Fire wizard at Water wizard." Saad ko sakaniya. Ngumiti siya at marahang tumango saakin.

------

Naandito kami sa may infinity soul, nakatingin siya sa mga bituin, habang ako  nakayakp sakaniya mula sa likod.

"Ang ganda talaga nang tanawin dito. Lalo pa yung buwan na palapit nang palapit at palaki nang palaki." Saad naman niya saakin. Naalala ko pala yung birthday ni Bloom next week.

"Anong gusto mong gawin sa birthday mo?" Nakatingin lang siya sa langit, tas bigla siyang humarap saakin at ngumiti.

"For me everything is special as long as you are by my side."

~*~

Moonlight Academy[Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora