Moonlight 39

6K 176 0
                                    

Warning:

Sorry for those typographical errors and wrong grammars. Hope you'll understand. Thanks

~shemustbeeninlove

~*~

Crystal's

Naawa na ako kay Bloom. Hindi siya kumakain, hindi mo rin siya makausap nang matino. Pagitatanong mo ang problema, bigla na lang siyang iiyak, tapos sasabihin ang salitang "ang sakit sakit!"

Hindi ko na siya kinulit kaya ito ako ngayon, naandito sa may baba sa may training hall. Kami mo na ang inatasan ni Ms. Dimitri na magturo sa mga spells. Marami kasing alam si Sky sa mga spells, pero mas madaming alam si Frost, kaso MIA siya ngayon meaning, missing in action na naman ang loko.

"Kamusta na si Bloom?" Tanong saakin ni Sky. Umiling lang ako sakaniya. Nagliligpit na kami ngayon nang mga gamit na ginamit namin kanina.

"Naawa na ako kay Bloom." Saad ni Sky saakin. Napatingin nga din ako sakaniya.

"Ako din Sky. Panigurado ang problema nun, sobrang bigat na. Try momg kausapin Sky, baka sakaling makausap mo." Saad ko sakaniya. Ako kasi ang laging kumakausap sakaniya. Kaya, gusto kong itry ni Sky baka kasi sakalong, kausapin siya nito.

----

Naandito kami ni Sky sa unit namin. Isang linggo na lang at birthday na ni Bloom, pero ganyan pa din siya. Nagluluto ako ngayon nang soup, para sakaniya lang ito. Sana naman kumain na siya. Namamayat na siya eh. Nagaalala na talaga ako nang sobra kay Bloom.

Inihain ko na sa may lamesa yun. Lumapit ako sakaniya at umupo sa kama niya. Naramdaman niya tung presensiya ko kasi bigla siyang umupo at tumingin siya saakin, at ngumiti nang mapait.

"Nagluto ako para sa'yo. Kainin mo naman please." Nagulat ako nang tumango siya. Tinulungan ko siyang bumangon at dumiretso kami sa may kusina. Umupo naman siya agad. Sumandok ako nang soup at nilagay sa may mangkok. Pagkatapos, nilagay ko sa may harap niya. Inabutan ko siya nang isang kutsara. Umupo ako dun sa may upuan sa kaharap niya.

Kumakain na siya pero hindi ganun kadami ang pagsubo. Nakakailang subo palang siya pero tumigil siya.

"Crystal?" Tumingin ako sakaniya. Puno nang kalungkutan ang mga mata niya. Hindi siya katulad nang dati, na kung ang dati niyang mata ay makikita mo agad kung gaano siya kasaya, ngayon ang hirap hanapin kung nasan ang saya sa mga mata niya.

"Bakit?" Tanong ko naman sakaniya. Ngumiti siya saakin, pero alam kobg peke ang lahat nang iyon. Nakita ko na lang na umiiyak na siya. Agad akong tumayo at dumiretso sa likod niya at niyakap ko siya. Sinubsob niya ang mukha niya sa may bandang tyan ko, dahil nga nakatayo ako at siya nakaupo.

"I'm sorry Crystal. Sorry kasi nagging pabigat ako, sorry kasi lagi na lang akong ganito. Sorry.." Saad niya saakin habang naiyak siya. Hinihimas ko ang likod niya.

"Sshhhh, tama na Bloom. Ayud lang saamin yun, lalo na saakin. Kaibigan kita kaya ayus lang ito. Kaya sana sayo din ayus lang ang lahat." Kumalas ako at pumunta sa harap niya. Bumaba ako nang kaunti, para magpantay ang mukha namin. Pinunasan ko ang mukha niya gamit ang thumb ko.

"Pwede mo naman ishare saakin ang problema mo eh. Handa akong tumulong, handa akong pakinggan ka." Saad ko sakaniya.

"Talaga?" Tanong niya naman saakin. Nginitian ko siya.

"Ano ka ba naman! Kaibigan mo ako, at gagawin ko ang lahat para sa'yo."

------

Nakaupo na si Bloom dito sa may kama niya, at ako naman kumuha nang tubig. Inabot ko na sakaniya yung tubig. Tapos ininom niya naman agad. Nilapag niya yung baso sa may side table at tumingin siya saakin.

"Ganito kasi yun, maguusap sana kami diba ni ate Hannah nung nakaraang araw sa may roof top. Kaso naabutan ko siya kausap niya si Frost..." Bumuntong hininga muna siya bago magsalita ulit.

"I heard everything. I know that eavesdropping is not good but I'm so curious, narinig ko lahat Crystal." Nagsisimula na namang pumatak ang mga luha niya.

"May mahal siyang iba. Hindi ko man narinig ang pangalan, panigurado akong importante sakaniya yung babae. Hinding hindi siya iiyak nang ganun, kung hindi niya talaga mahal yung babae na yun." Saad niya saakin. Kaya lumapit ulit ako sakaniya at niyakap ko siya. For a mean time, ito lang muna ang kaya kong gawin para sakaniya.

"Bakit ganun? Kung kelan, nagmahal ka na, tsaka ka pa masasaktan nang sobra. Masasaktan nang sobra sobra. Ang sakit Crystal,ang sakit sakit!" Saad niya saakin.

"Alam mo, saktan ka man nang isang tao, nandito naman kami Bloom eh. Handa ka naming pasayahin kahit na mapagod pa kami araw araw gagawin namin yun, makita ka lang naming ngumiti ulit."

~*~

Moonlight Academy[Completed]Where stories live. Discover now