Moonlight 11

9.6K 309 9
                                    

Warning:

Sorry for those typographical errors and wrong grammars. Hope you'll understand. Thanks

Enjoy ;)

~shemustbeeninlove

--------*

Bloom's Pov

Nagising ako nang medyo kumikirot pa ang ulo ko. Ayts. Naalala ko, nahimatay pala ako, pero bakit nandito na ako sa unit namin ni Crystal?

"Jusko naman Bloom! Buti gising ka na. Ang taas nang lagnat mo kahapon, buti na lang nandito si Frost at inalagaan ka." Napatingin ako kay Crystal na nakatayo sa may pinto nang kusina. May hawak na mangkok at mukhang mainit.

"Ayan, pinagluto kita nang soup, para naman mainitan yang sikmura mo. Ewan ko ba naman kasi sayo, alam mo nang may sakit ka, sumama ka pa sa drizon square. Alam mo naman kung gaano kalamig dun diba?!" Sermon saakin ni Crystal. Kaya napayuko ako. Napaka mo kasi Bloom!

"Haysss, pasalamat ka mahal kita at inalagaan pa kita, hindi lang ako, kundi pati narin si Frost." Napaangat ang ulo ko at tumingin ako sakaniya.

"Si Frost?" Tumango siya saakin at umupo siya sa kaharap ng kama ko. Ang kama niya.

"Hindi umalis si Frost dito kahapon hangga't hindi ko pa sinasabi na okay ka lanh, lagnat lang yan. Jusko Bloom! Nagalala sayo si Frost. Bakit ba kasi hindi mo na lang sinabi na nilalagnat ka? Kaya niya naman daw gawin yun magisa eh." Pahayag saakin ni Crystal. Sumubo muna ako nang soup. Pagkatapos nilapag ko na sa side table.

"Kasi naman Crystal, project yun! By partner. Hindi naman pwedeng siya lang ang gagawa nun, asan ang maitutulong ko? At isa pa nakajacket naman ako kahapon eh." Kwento ko sakaniya. Bumuntong hininga siya.

"Well, kamusta ka na ba?" Tanong niya saakin. Hindi naman na masakit ang ulo ko. Okay na rin naman ata ako eh.

"I'm fine now. Thanks Crystal." Saad ko sakaniya. Ngumiti siya saakin.

"No problem Bloom, basta ikaw." After namin magusap kumain na ako, tapos ako na rin ang naghugas kasi nagpaalam siya na aalis daw sila ni Sky, para dun sa project nila. Kaya naiwan akong magisa. Habang nasa kama ako, may nakita akong parang pusa dun sa may dulo nang puno sa tapat nang bintana. Lumapit ako sa binatana, at napatingin saakin yung pusa. Mukhang hindi siya makababa.

"Hey, natatakot ka? Teka lang ha. Tutulungan kita." Naghanap ako nang pwedeng gamitin para makuha ko siya pero wala akong nakita. Kaya ang ginawa ko na lang, yung kumot namin ay tinali ko at ginawang parang duyan. Lumapit ulit ako sa may binatan at tumingin sakaniya.

"Ahmmm, kitty? Kaya mo bang tumalon pa punta dito sa kumot? Sasaluhin naman kita eh." Kaso parang natatakot parin siya. Kaya bumuntong hininga ako at nagsalita ulit.

"Don't worry, I won't let you hurt." Parang gumaan ang loob niya saakin at tumingin pa. Maya maya lang nakiya ko na siyang naglakad. Nasa may sanga na siya nang tumalon ito. Nasambot ko naman siya gamit ang kumot. Ipinasok ko na siya sa loob nang kwarto at nilapag sa kama ko.

Agad akong pumunta sa kusina at humanap nang gatas. Baka kasi gutom na siya eh.  Buti na lang may nakita ako at agad kong nilagay sa mangkok, pakarating ko sa may higaan nilapag ko sa may baba at bumaba naman siya at uminom.

Ang cute nang kulay niya. Parang baby lion amg style niya.

"Meowww~" Lumapit ito saakin at humiga sa may paanan ko. It's so cute. Napansin kong babae pala ito. Kaya I named her, chimmy.

Kumuha ako nang maliit na unan at dun ko siya hiniga. Hinayaan ko lang muna siya sa may ilalim nang side table. Kasi yung side table namin parang side to side ang paa. Mahimbing lang siyang natutulog.

Kaya ako rin ay natulog na.

~*~

"My Gashh! Bakit may Griator dito!" Nagising ako at nakita ko si Crystal at Sky. Buti na lang maayos na ang istura ko. Naka panjama ako at naka t-shirt na may Angel na design.

"Ahmm kasi nakita ko siya sa may puno kanina at tinulungan ko siya. Nanganganib na ang buhay niya eh." Saad ko sakanila. Kinuha ko si Chimmy at niyakap. Sinubsob niya ang ulo niya sa kamay ko. Pagod na pagod siya eh.

"How did you.... How did you do that? Alam mo Bloom, mahirap paamuhin ang Griator! Matatapang sila." Saad naman ni Crystal at umupo sa tabi ko.

"I don't know. Basta nakita ko na lang na nagtiwala siya saakin kanina na hindi ko naman siya sasaktan eh. She looks so cute. Kaya I named her chimmy." Nakita kong ngumiti si Sky saakin.

"You know what Bloom? Iba ka.. You just made it, in judt one swift move? Unbelievable."

******

Moonlight Academy[Completed]Where stories live. Discover now