Moonlight 37

6.3K 192 3
                                    

Warning:

Sorry for those typographical errors and wrong grammars. Hope you'll understand. Thanks

~shemustbeeninlove

~*~

Bloom's

Hindi ko makalimutan yung nangyari kagabi saamin ni Frost sa may infinity soul. Did we really kissed? Napasabunot ako sa buhok.

"Arrrgghhh!" Sigaw ko dahil sa sobrang pagkairitado ko. Napahiga ulit ako sa kama nang padapa.

"Hoy! Bloom! Ano bang nangyayari sayo! Ang aga aga nang gigising ka!" Napatayo ako at napatingin kay Crystal na nakaupo pa sa kama, maghihikab pa with matching pakamot kamot sa buhok niya.

"Sorry Crystal. Ehhhh! Kasi naman eh!!!" Saad ko sakaniya at pinaghahamapas ko ang unan ko, at yung paa ko naman hindi mapakali.

"Ano ba kasing problema mo?!" Oppp! Galit na yan. Ikwekwento ko na nga lang, besides kaibigan ko naman siya eh.

"Me and Frost..." Nakatingin lang ako sakaniya habang kagat ko ang ibabang parte nang labi ko. My mannerism when I was scared and nervous.

"What?!" Sigaw niya saakin. Kinakabahan talaga ako parang ayaw kong sabihin eh.

"We kissed!" Saad ko naman sakaniya. Kung kaninang pupungas-pungas ang mata niya. Nanlaki ito at nakabuka pa ang bibig niya.

"You what?!" Tanong niya ulit. Nabingi na.

"We've kissed last night Crystal. Me and Frost." Saad ko sakaniya. Tuluyan na akong napatungo. Nagulat na lang ako nang biglang tumili si Crystal.

"Ahhhhhh! Humagash! Humagash! I can't breath!" Pinapaypayan niya pa yung sarili niya gamit ang kamay niya. Anyare dito? Kanina lang galit siya tas ngayon? Parang kiti kiti.

"Wait lang Bloom, paano nangyaring, you and him kissed?" Tanong niya saakin nung tumigil na siya kakatili.

"Tinawag niya kasi ako nun, and to my surprise napatingin ako sa mata niya. Parang sobrang ganda nang mata niya. And before I knew it, his lips touch  mine." Kwento ko sakaniya. Nakangiti naman siya saakin.

"Pinagsisihan mo ba?" Tanong niya saakin na napakseryoso. Kailangan ko bang saguting ito? Mukhang kailangan nga.

"Hindi-- ay Oo.. Ewan ko Crystal!" Saad ko sakaniya at napasabunot na naman ako sa sarili ko.

"Sabihin mo nga saakin, kung anong nararamdaman mo pagmagkasama kayo ni Sky.. And I'm serious Bloom, sagutin mo ito." Saad niya saakin. Bumuntong hininga muna ako.

"Kami ni Sky, wala masaya naman ako pagmagkasama kami, isa pa parang kapatid ang turing ko sakaniya. Tapos he can make me happy." Saad ko naman sakaniya. Tumango tango siya saakin.

"How about with Frost?" Tanong naman niya saakin. Ano nga bang nararamdaman ko pagkasama ko si Frost?

"Ewan ko Crystal, pero mas masaya ako pagkasama ko siya. Kung yung oras na sobrang tagal pagkasama ko kayo, pagsiya ang kasama ko bumibilis at halos parang isang minuti lang kaming magkasama. Minsan mahirap siyang titigan, tapos pag hahawakan niya ang kamay ko parang may kuryenteng dumadaloy na hindi ko alam. Basta ang alam ko, gusto ko siyang makasama araw araw." Mahabang saad ko sakaniya.

Nakangiti lang siya saakin.

"You're inlove Bloom. You're totally inlove." Saad niya saakin kaya napakunot ang noo ko.

"Inlove?" Tanong ko sakaniya. Alam ko naman ang ibig sabihin nan, pero ang tinatanong ko, ako inlove?

"Yes Bloom. Lahat nang yan, sintomad lang yan nang inlove at higit sa lahat, hindi mo pinagsisihan na nakilala mo siya kahit pa sobrang sungit niya sa'yo nung una. Tama diba?" Tumango tango lang ako sakaniya.

"You can't deny it Bloom. Actions speaks louder than voice, and every single day, you want to be with him." Tumango tango lang ako sakaniya.

"Kung inlove man ako Crystal, dapat iwasan ko si Frost." Saad ko sakaniya.

"Bakit naman?" Tanong niya saakin.

"Paano kung ako lang pala ang nagkakagusto saamin? Paano kung malaman niya na gusto ko siya, baka iwasan niya ako." Saad ko sakaniya na may halong panggamba. Lalo na't nagging kaibigan ko siya.

"Correction Bloom, hindi mo lang siya basta gusto. Mahal mo na siya." Saad niya saakin.

"At bakit mo naman siya iiwasan? Kung si Sky nga, nagawa niyang mahalin ka kahit alam niyang hindi mo masusuklian lahat nang pagmamahal niya." Sad niya naman saakin. Napabuntong hininga na naman ako.

"Magkaiba na kasi ang sitwasyon namin Crystal, babae na ako at siya lalaki. Ang panget tignan kong babae ang maghahabol, kaya bago pa lumalala itong nararamdaman ko. Mas mabuting iwasan ko na lang muna siya, para sa dulo hindi na ako masasaktan pa." Saad ko naman sakaniya. Tumango siya saakin.

"Okay if it's that the case, sige tutulungan na lang kitang itago yang nararamdaman mo." Saad naman niya saakin.

"Salamat Crystal."

~*~

Moonlight Academy[Completed]Where stories live. Discover now