Moonlight 20

7.4K 226 6
                                    

Warning:

Sorry for those typographical errors and wrong grammars. Hope you'll understand. Thanks

~shemustbeeninlove

~*~

Bloom

Kanina pa ako paikot ikot dito sa kwarto. Buti na lang, wala si Crystal at kasama ang pinsan niya, nasa Drizon square kasi sila. Umupo ako at lumapit kay chimmy.

"Chims? Mukha na ba akong sira?" Tad pumalungbaba ako sa harap ni chimmy. Humiga ako sa lapag at nagpagulong gulong.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko!" Paano ba naman kasi. Umamin saakin si Sky na gusto niya ako? Pero kasi, ayaw ko namang maging harsh pero, I like him, pero hindi sa paraan na gusto niya.

Ano bang gagawin ko?! Nasisiraan na ako nanh bait! Tumayo na ako at nagtatalon talon. Para kahit papaano mabawasan yung stress ko. Shinake ko pa ang kamay ko habang natalon ako.

*tok!* *tok!* *tok!*

Napatigil ako sa ginagawa ko. Inayos ko ang sarili ko tapos lumapit ako sa may pinto, huminga muna ako nang malalim at nilabas din agad yun. Pagbukas ko, laking gulat ko na yung taong ayaw ko munang makita ngayon eh, nandito sa harap ko.

"S-sky?" Ngumiti siya saakin pero hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Bloom! Nasisiraan ka na naman ata eh.

"Ahmm gusto ko lang sanang kausapin ka about sa kahapon." Nanginginig ang kamay ko.

"A-ahh g-ganun ba.... *ehem* I mean, sige pasok ka muna." Tapos pinapasok ko na siya. Umupo siya sa may kama ni Crystal, ako umupo sa kama ko. Magkaharap lang kami pero hindi ako nakatingin sakaniya.

"Ahmm Bloom, sorry kung nabigla kita sa mga sinabi ko kagabi, but I really really meant it." Tumingin ako sakaniya.

"Sky... Hindi ko maintindihan kung bakit, bakit ako pa? Nirerespeto ko yung nararamdaman mo Sky, pero kasi, magkaiba tayo Sky, mortal ako at isa kang wizard." Napatungo ako. Naluluha na pala ako hindi ko namamalayan.

Tinaas niya ang mukha ko at hinarap sakaniya.

"Just let me show you my love Bloom, hayaan mong ligawan kita." Umiling ako sakaniya.

"No Sky. I can't, ayaw kong paasahin ka Sky, oo gusto kita pero hindi sa paraan na gusto mo. You deserve more than me." Nagulat ako nang yakapin ako ni Sky.

"Sssshhh, tahan na. Ginusto ko ito Bloom, kaya hayaan mo lang. Kung talagang ayaw mo at may gusto ka nang iba, titigil na ako. I'll set you free for your happiness."

---------

Totoo nga ang sinabi saakin ni Sky. Niligawa niya ako, araw araw lagi niya akong sinasamahan, sinusundo sa unit at hinahatid din pauwi. Nakokonsensiya na din ako minsan, gusto ako nung tao, pero ito ako.

Humiga ako sa kama ko. Ayaw ko naman kasing saktan si Sky. Ang bait niyang kaibigan saakin pero, hanggang dun na lang yung kaya kong ibigay sakaniya. Hindi ko alam.

"Ang lalim nang buntong hininga bes! Sa sobrang lalim di ko mareach." Natawa lang ako kay Crystal at umupo. Magkatapat na kaming dalawa.

"Alam mo Crystal, nanghihinayang ako." Tumungo ako at pumalungbaba habang nakapatong sa hita ko yung braso ko.

"Bakit naman?"

"Kasi Crystal, gusto ako nung tao eh, nakakahinayang din ang pagkakaibigan namin, baka mawala pa nang dahil sa nararamdaman niya." Umayos nang upo si Crystal at tumawa nang mahina.

"Bloom, hindi ganung klaseng tao si Sky, he's kind a gentle. Kaya kung ano mang sabihin mo sakaniya about your feelings, mas pipiliin niyang ligawan ka, at ipakita niya ang nararamdaman niya sayo." Paliwanag niya saakin. Bumuntong hininga ako.

"Kasi Crystal, sabihin na nating he likes me. I like him too, but in a different way Crystal, gusto ko siya bilang kapatod, gusto ko siya as a friend. Ayaw ko namamg ireject yung tao, ayaw ko din namang paasahin yung tao. Ano yun? Sasagutin ko siya dahil gusto niya ako? Para namang ang sama ko na nun." Umupo sa tabi ko si Crystal.

"Bakit hindi mo sabihin?" Umiling ako sakaniya.

"Hindi ko kaya Crystal, natatakot ako. Natatakot ako na baka pagsinabi ko iwasan niya ako. Lumayo siya saakin. Ayaw kong mawala si Sky, siya na lang at kayo ang mga kaibigan ko, mawawalan pa ako nang isa? Mas gusto ko pang itreasure na lang lahat nang memories namin as a friend."

"Alam mo Bloom, isa lang ang dahilan nan eh. It's either you like him, or you like someone." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Well Bloom, dalawa lang nama ang lalaki na meron diyan sa tabi mo. Kaya hindi pwedeng hindi ka mainlive kay Frost." Saad niya saakin.

Ako? Maiinlove kay Frost? Eh halos parang yelo na yun sa sobrang cold eh. Aiisssshhh! Lalo pang gumulo ang iniisp ko at nadagdagan pa!

~*~

Moonlight Academy[Completed]Where stories live. Discover now