Moonlight 40

6.1K 218 18
                                    

Warning:

Sorry for those typographical errors and wrong grammars. Hope you'll understand. Thanks

~shemustbeeninlove

~*~

Bloom's

Alam kong nahibirapan na sina Crystal saakin. Kaya ito ako ngayon, pipilitin ko na lang ang sarili ko. Papasok na ako ngayon. Kailangan kong magmove on, dahil hindi lang naman siya ang kailangan kong mahalin diba? Nandiyan sina Crystal, na nagmamahal saakin.

"Okay ka na ba Bloom? Kung ayaw mo wag ka na lang pumasok." Saad saakin ni Crystal. Nginitian ko na lang siya.

"Kaya ko Crystal, and besides, baka marami na rin akong namiss na lessons." Saad ko naman sakaniya. Tumango na lang siya saakin. Pababa na kami ni Crystal. Pansin ko parang wala si Sky.

"Nga pala Bloom, pinapasabi pala saakin ni Sky, wag mo daw siyang hahanapin. Umuwi siya sakanila, dahil ang mama niya nagkasakit." Saad niya saakin, kaya napatango ako sakaniya. Naghiwalay na kami nang daan dahil ibang section siya. Pumasok na ako sa loob at umupo sa upuan ko.

"Oyy! Namiss ka namin Bloom." Saad saakin ni Fiona. Nginitian ko siya, at tumango sakaniya. Nagbasa na lang ako nang libro. Hindi ko namalayan, dumating na pala ng prof namin, kaya binaba ko ma yung libro, sinarado at nilagay ko na sa bag ko.

-------

Last subject na namin. And it's creatures development. Wala akong magagawa, lilipat ako dun o gusto kong lumabas sa klase ni Mrs. Vell, kaya no choice. Umupo na ako dun. Nagbabasa siya nang libro. Napatingin ako dun sa kamao niya. May benda ito. Hindi pa din ba magaling yun?

Sa kalagitnaan nang discussion ni ma'am. May papel na naman siyang nilagay dun.

--

Let's talk after class. Rooftop. Maghihintay ako dun.

Nilagay ko na lang sa bag ko yung papel at nakinig na lang ulit. Hindi ako pupunta. Nagmomove on na nga ako diba? Tas gusto niya pang makipagusap?

My answer is still no. Panigurado namang hindi siya magaantay nang matagal dun.

-----

Katatapos lang ng klase namin. Agad akong dumiretso sa unit namin. Nagbihis na ako nang pantulog matapos kong maglinis nang katawan. Umupo ako sa kama ko, at nagbasa basa nang ilang libro.

Nagpapaantok lang ako. Medyo hinapon na din ang uwian namin dahil sa may creatures development, nagkaroon kami nang quiz. Buti na nga lang naka 27 over 30 ang score ko. As usual si Frost ay perfect, since alam niya na lahat.

Sa kalagitnaan nang pagbabasa ko, napatingin ako sa orasan. May para kasing nagtulak saakin na tumigin sa may orasan.

Napatingin ako sa orasan at 8:00 pm na pala. Tatlong oras na simula nang uwian namin. Parang binagabag ako. Nagaantay pa kaya siya saakin? Ewan ko pero parang may sariling utak ang katawan ko, tumayo ako at nagsuot nang jacket. Lumabas ako nang unit, at umakyat sa may rooftop. Nagulat ako nang makita ko siya sa may pintuan palang. Nakaupo at parang natutulog na.

Dahan dahan akong pumasok, nang makalapit ako sakaniya. Nakapikit siya. Kaya umupo ako sa may tabi niya. Hawak niya yung bag niya. Tas nakasandal yung ulo niya sa may pader.

Tinignan ko siya. Namiss ko siya. Sa totoo lang, sobra ko talaga siyang namiss. Nagulat ako nang bumukas ang mata niya at tumingin siya saakin. Nakita kong ngumiti siya, pero napawi agad yun nang makita niya ako.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya saakin. Pinunasan ko naman ang mukha ko. Naiyak na pala ako.

"Ah wala. Napuwing lang ako. May sasabihin ka ba?" Saad ko naman sakaniya at umiwas nang tingin sakaniya.

"Akala ko hindi ka darating eh." Saad niya saakin.

"May sasabihin ka ba? Kasi kung wala mauuna na ako. Inaantok na kasi ako eh." Pagsisinungaling ko sakaniya. Tumayo na ako at pinagpag ko ang damit ko. Maglalakad na sana ako nang mapatigil ako sa sinabi niya.

"Mahal kita Bloom." Napalingon ako sakaniya. Napatawa ako sa sinabi niya.

"Ano bang sinasabi mo diyan Frost? Narinig kita nung nakaraan. May iniiyakan ka. Mahal mo siya diba? Wag mo akong gamitin para makalimutan siya Frost." Saad ko sakaniya.

"Fvck! Paano mo ba ako paniniwalaan?! Mahal kita Bloom. Handa akong gawin lahat para sayo! Ikaw? Ikaw lang ang unang babaeng iniyakan ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganito Bloom! Mahal na mahal kita." Saad niya saakin. Medyo napaluha ako dahil sa sinabi niya. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Mahal na mahal kita Bloom." Saad niya saakin. Sinuntok ko ang dibdib niya. Kaya napakalas siya sa yakap.

"Bwiset ka! Iniyakan pa naman kota, na akala ko may iba ka nang mahal! Bwiset ka!" Saad ko sakaniya. With matching suntok suntok sa dibdib niya.

"Iniyakan? Ibig sabihin? Mahal ko din ako?" Napatigil ako sa sinabi niya at pinitik ang noo niya.

"Asar ka! Oo mahal din kita Frost? Mahal na mahal din kita!" Saad ko sakaniya. Napangiti siya, at ako parang tanga. Iiyak sabay ngingiti. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"I love you Bloom." Saad niya saakin. Humarap siya saakin at hinawakan ang pisngi ko. And now his lips touch mine. I really love this man. We shared a passionate kiss foa minute.

Kumalas na siya sabay ngumiti siya saakin.

"I love you Frost Griffin."

~*~

Dedicated to JadeMontefalcoXx Hi👋 sa'yo ito na ang update ko😉

Here's the 5 chapters update for everyone. Mwah mwah💕

Hope you like it😉

~shemustbeeninlove

Moonlight Academy[Completed]Место, где живут истории. Откройте их для себя