Moonlight 45

6.1K 173 2
                                    

Warning:

Sorry for those typographical errors and wrong grammars. Hope you'll understand. Thanks

~shemustbeeninlove

~*~

Crystal Windzingler

Alam naming hindi namin mapipigilan yang si Bloom. Kaya heto kami, sumunod na lang kami sakaniya. Agad kaming napaatras nang makita namin ang katawan ni Bloom, na nagaapoy, marami na siyang nasunog na wendigos at mga dark shadows.

Nakakagulat lang kasi ganyan siya kadeterminadong tumulong. Kaya tumulong na lang din kami. Nang makarating na kami sa may main door, agad naglabas nang isang matinding apoy si Bloom at pinatama sa isang grupo nang wendigos. Nagulat nga sina Ms. Dimitri, lalo na ang isang babae. Kilala ko siya, hindi ako nagkakamali, siya si Queen Lory!

"Bloom!" Sigaw nila pero pilit itong lumalapit. Agad nawala ang apoy sakaniyang katawan, parehong palad niya ang nakabuka, sa kaliwa ay tubig at sa kanan ay apoy. Agad niya itong pinagsama at tinapon sa grupo nang mga dark shadows.

"Bakit hinayaan niyo siyang lumabas?!" Tanong ni Ms. Dimitri saamin.

"Ma'am! Mapilit po kaso siya eh. Wala na kami nagawa dahil natakot na kami sa tingin niya eh." Saad namin sakaniya, kaya imbes na magaway kami, tumulong na lang kaming makipaglaban. Hanggang sa sia na ang usang umalis dahil ramdam na nila na kawawa na sila.

Agad kaming lumapit kay Bloom, dahil unti-unti siyang bumagsak sa lupa. Agad lumapit si Queen Lory kay Bloom.

"Siya si Queen Lory, diba?" Tanobg ni Sky saakin, kaya marahan akong tumango sakaniya.

"Anak!" Sigaw niya kay Bloom. Anak? Teka si Bloom ay ang.... Paano?

-------

Bloom Timothy

Agad akong napamulat nang mata. Pagdilat ko isang malaking kwarto ang nakita ko. Kwartong malaki na ngayon ko lang nakita. Ako lang ang tao dito, nang biglaang may pumasok na isang babae.

"Gising ka na pala." Saad nito saakin. Umupo siya sa may upuan na katabi lang nang kama ko.

"Sino ka?" Tanong ko naman sakaniya. Pamilyar ang mga mata nito saakin.

"Chimmy." Sagot niya lang, biglang nanlaki ang mata ko. Naalala ko na! Nakita ko siya kagabi!

"Pero paano?" Tanong ko sakaniya. Ngumiti lang siya saakin.

"Ang mama mo na si Queen Lory, ang nagutos, pinagbubuntis pa lang ako nang nanay ko noon, na ihiling niya dito na gawin akong isang griator at pagdumating ang panahon na naglabing-pito ka na, maggiging isang tao na ako, na kalahating griator." Saad naman niya saakin.

"Si mama? Si Queen Lory?" Tanong ko sakaniya.

"Maligo ka na muna, at magbihis, ilalagay ko na lang ang susuotin mo." Tumango naman siya saakin at lumabas na.

Kahit naguguluhan ako, tumayo pa din ako at dumiretso sa banyo.

-------

Paglabas ko nang banyo agad kong dinampot ang isang damit na nakalagay sa may higaan. Isang cocktail dress na color green. Agad ko naman itong sinuot at nagayos na ako. Nakatali lang ako na into messy bun at naglagay din ako nang kakaunting make-up.

After nun, lumabas na ako. Napakalaki nang hallway.

"Hello Princess. I'm your butler. I'm Patrick." Nagbow siya saakin after niyang sabihin saakin yun. Hindi ako sanay.

"Pinapasundo ka saakin ni Queen Lory, she's in the hall with other Class S wizard." Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari. Kaya kahit gulong-gulo na ako, sumunod pa din ako. Nasa harap kami nang isang malaking main door. Pinagbuksan kami nang dalawang nagbabantay sa labas niti, matapos nilang magbow saakin.

"Pumasok na po kayo." Tumango na lang sa butler.

"Salamat." Saad ko sakaniya bago ako tuluyang pumasok. Isang mahabang lamesa ang bumungad saakin, at isang maliit na platform na may dalawang upuan.

Nagulat ako na yung lahat nang taong nakaupo sa may mahabang lamesa ay tumayo at nagbow. At ang nanay ko ay nakatayo at dahan dahang bumaba mula sa maliit na platform. Iba ang suot nito ngayon, kung dati ang suot nito ay mga butas butas na damit ngayon, isang magandang gown ang suot nito, na kumikinang dahil sa desenyo nito.

At ang bagay na isang nakakabigla ang suot nitong korona sa kaniyang ulo. At may hawak na parang wand. Lumapit ito saakin nakangiti.

Niyakap niya ako nang mahigpit sabay pinakilala ako sa mga kasama namin ngayon dito sa loob nang hall 

"Meet my daughter, and your Princess. Meet Princess Patricia Ketlyson, you've also known her as Bloon Timothy."

Ako? Prinsesa? Pero paano? Isa lang naman akong normal na babae na lumaki sa isang mortal na mundo. Masyadong magulo, ang simpleng buhay na naging komplikado. Ang dating walis lang ang hawak naging espada at pana. Ang dating tahimik na buhay naging isang maingay at magulo. Ang mga bagay na hindi pinaniniwalaan ay biglang nagbago. Nagbago lahat para saakin, pati na ang paniniwala ko na hindi posibleng mangyari ang imposible.

Simula nang pasukin ko ang paaralan ito, nagbago na lahat nang saakin, pati na ang katauhan ko.

Nang pasukin ko ang Moonlight Academy, lahat nang hindi posible ay naging posible sa lugar na ito, sa paaralan na ito.

~*~

Moonlight Academy[Completed]Where stories live. Discover now