Moonlight 50

5.7K 160 4
                                    

Warning:

Sorry for those typographical errors and wrong grammars. Hope you'll understand. Thanks

~Your_Queen

~*~

Crystal Windzingler

Nabalitaan namin yung nangyari kay Bloom. Kamusta kami ni Sky? Ganun pa din. Sinisimulan ko na ngang tanggalin ang nararamdaman ko sakaniya, pero alam kong mahirap gawin yun.

Pagpasok ko sa kwarto ni Bloon, nakaupo ito at kausap ang nanay niya. Napalingon sila sa direksyon ko at tumayo si tita, with hands free. Niyakap ko so tita at nakipagbeso.

"It's nice to see you again dear." Bati ni tita saakin. Tapos kumalas na siya. Tumingin siya kay Bloom at tumango. Lumabas na si tita at naiwan kami ni Bloom. Umupo ako sa tabi nang kama niya at niyakap ko siya. Tapos kumalas din naman agad ako.

"Kamusta?" Tanong ko sakaniya. Ngumiti naman siya saakin, may pinaabot siya saakin, kinuha ko yung bottled water at uminom siya.

"Ayus na rin naman ako." Saad niya saakin sabay ngumiti siya. Hindi mo makita sa mga mukha niya yung lungkot at sakit, bagkus sobra pang umaangat ang kasiyahan sa mga mukha niya.

"Kamusta ka Crystal?" Saad niya saakin. Tumingin ako sakaniya. Kamusta? Eto nasasaktan pa din, dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko.

"Ayus naman." Sagot ko na lang sakaniya. Tapos ngumiti siya saakin, pero nakatitig lang siya sa mata ko. Tapos umiling siya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Hindi ka ayus Crystal. Hindi ka ayus." Saad niya saakin. Kaya napatungo na lang ako at bigla na lang bumagsak ang mga luha ko. Inangat niya ang mukha ko sa pamamagitan nang paghawak sa may baba ko at tinaas niya.

Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang thumb niya.

"Ganun ba kasakit yan para paiyakin ang isang palabang Crystal?" Tanong niya saakin at natawa naman ako nang kaunti, pero tumango naman ako sakaniya.

"Can you share it with me?" Tanong niya saakin. Kaibigan ko naman din si Bloom at walang masama kung sasabihin ko sakaniya ito. May tiwala na ako sakaniya eh.

"Alam mo Bloom, nung dumating ka dito, sobra akong natuwa, pero lumipas ang ilang araw medyo naiingit na ako sa'yo." Saad ko sakaniya, umpisa ko palang yun pero nakangiti parin siya saakin at tumango.

"Naiingit ako kasi, nakasama mo yung lalaking mahal ko, na sa kaunting panahon ay nahuloh agad siya sa'yo, pero nawala din agad lahat nang inggit ko sa'yo, dahil inisip ko na lang, na wala naman lahat nang yun, kasi hindi mo naman kasalanan na mahalin ka ni Sky.." Saad ko ulit sakaniya. Nakatingin lang siya saakin.

"Ang sakit kasi eh, halos may mahal ka na ngang iba, pero bakit ganun? Ikaw pa din ang gusto niya." Pinunasan niya lang ang mga luha ko.

"Alam mo Crystal, sorry ha? Sorry kasi----." Umiling ako sakaniya.

"No Bloom. No, it's not your fault. Sa totoo lang, masaya ako kasi dumating ka sa buhay namin, at hinayaan mo kami na kilalanin ka namin nang buo. Pero Bloom? Wala kang kasalanan." Saad ko sakaniya. Tapos ngumiti ako sakaniya.

"It's not your fault and it will never be your fault."

-----

Bloom Timothy

Umaga na. At lahat nang tao ay naghahanda na para sa isang selebrasyon na gaganapin dito. Inaayusan pa lang ako ni Crystal nang buhok at siya na din ang maglalagay nang make-up saakin.

Nakatingin lang ako nang diretso sa salamin at bigla na lang pumasok sa isip ko si Frost. I really missed him so much!

"Namimiss mo na noh?" Napatingin ako kay Crystal mula sa may salamin. Sabay tumango ako sakaniya. Si Namiya ang naghahanda nang gown na susuotin ko at sapatos na gagamitin ko.

"Bloom." Yan na din tawag saakin ni Namiya since sobrang close na din kami.

"Yes?" Tanong ko pabalik sakaniya. May pinakita siya saaking royal gown na may gloves. It's light pink at medyo may mga designs na diamonds maliliit everywhere.

"I love that one!"

-------

Naandito ako sa may taas, sa taas nang hall na halos tanaw ko ang buong hall dito.

"Princess Patricia, kailangan niyo daw bumaba para sa pagpapakilala." Saad saakin nang butler ko. Tinulungan niya akong bumaba, at dumiretso kami sa may stage. Ang daming tao, kaya nakakailang.

"Good evening everyone.." Paumpisa ni nanay at tumingin saakin. Nakagown din ito na sobrang garbo at suot niya ang kaniyang korona.

"It's nice ti be back in my own place. And also it's nice to be back with my daughter here beside me. And also the Princess of Tereseyas." Tumingin ito saakin.

"Meet Princess Patricia Ketlyson."

~*~

I dedicate this chapter to AjAlviz3 Hope you'll like this. Love lots💕

~Your_Queen

Moonlight Academy[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon