Kabanata 2.2

34.1K 1K 21
                                    


"Anong pangalan mo?" Malamig niyang tanong sakin. Hindi dapat ako matakot, kailangan kong tatagan ang sarili ko.

"M-Mae po. Mae Espinosa." Sabi ko.

"Ginagago mo ba ako? Bakit mo kamukha ang asawa ko!" Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. Isinandal niya ako sa pader. Hindi naging maganda ang trato nito sakin na para bang may nagawa akong masama sakanya. Kanina lamang ng isama niya ako galing club. Wala siyang imik at ngayong kaming dalawa na lamang ay ganoon na lang ang galit nito sakin.

Tuluyan na akong lumuha. Hindi ko maintindihan ang nangyayare. Sumagi na lamang saking isipan si Mr. Bustado na siyang may pakana ng lahat ng to.

Flashback:

"Doctora Vivian." Bati ng isang lalaking nakaitim na suit.

"Mr. Bustado." Nakipagkamayan ang si Dra. Nayuko lamang ako habang may bandage pa ang aking mukha. Wala akong kaalam alam kung ano ang gagawin nila sakin. Basta sa ngayon kailangan ko tong gawin. Kailangan ko ng pera pantustos sa malubhang karamdaman ng aking ina.

"Siya naba yun?" Maligayang tanong ni Mr. Bustado habang naninigarilyo. Nakayuko parin ako ng mga oras na yon.

"Yes Mr. Bustado. This is the final day. Ngayon na tatanggalin ang bandage sa mukha niya."

"Well good." Ngising saad ng lalaking nagmistulang demonyo sa lawak ng pagkangisi. Si Mr. Bustado.

Hindi nagtagal ay pumasok na kami sa silid ng hospital. Nakaupo lamang ako sa kama habang tinatanggal ng dalawang nurse ang bandage saking mukha. Nang matanggal na ay iniharap sakin ni Dra. Ang salamin. Napatitig ako sa bagong mukhang naroon. Ibang iba na nga ang katauhan ko. Naluluha ako ng hawakan ko ang magandang mukhang yun. Magandang mukha na nagsalba saaking kapangitan. Kapangitan simula ng maaksidente ako sa napakaliking sunog at masunog pati ang aking mukha.

Tulala pa ako habang ninanamnam ang pagkakatitig sa bagong mukha ko.

"Well done Dra. She's really look like Barbara." Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Mr. Bustado. Maya maya'y inakbayan niya ako at may ibinulong sakin.

"Binigyan na kita ng magandang mukha Mae. Ngayon kailangan mong gawin ang trabaho mo kung ayaw mong patayin ko ang kaisa isang pamilya mo." Sabi nito. Si Ina ang tinutukoy niya. Napayuko ako sa takot. Oo takot na takot ako sapagkat ngayon palamang din ako tumuntong dito sa Manila. Nakikipag sapalaran ako upang matustusan ang agarang gamutan sa Ina kong malubha na ang karamdaman.

"Wag na wag kang gagawa ng kalokohan Mae. Pinili kita dahil alam kong kailangan mo ang pera. Pinili kita para makatulong sa pamilya mo. Yang mukha na yan, hiram lang yan. Kayang kaya kong agawin yan sayo kapag nalaman kong kumanta kana pala sa kalaban. Nagkakaintindihan ba tayo?" Ngising sabi nito.

Umagos pa muli ang aking mga luha at tumango tango. Tinatagan ko pa ang aking loob dahil alam kong nakasalalay ang buhay naming mag ina dito sa pinasok ko. Si Mr. Bustado pala ang mastermind ng lahat ng ito. Nang alukin ako mismo ng tulong ng kaibigan kong si Tyra na magtrabaho dito sa manila, hindi ko alam na itong trabaho pala ang tinutukoy niya. Si Tyra ay kaibigan ko na nagsasayaw sa club. Ilang beses niya akong kinulit na mag sayaw at ilang beses ko din itong hinindian.

Napukaw ang atensiyon ko ng magsalita muli si Mr. Bustado.

"Mamayang gabi mag handa ka. Ipapadampot kita sa mga tauhan ni Scott."

Tumango nalang ako. At eto, eto pala ang pinaplano niya. Ang makulong ako mismo dito sa mansion ng nag ngangalang Connor. Siya yung sinasabi nitong Scott.

May tracking device na nakapasok saking tenga upang malaman ni Mr. Bustado kung ano ang kaganapan. Balak niyang lusubin marahil ang Connor na ito para patayin. Ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit pinlano niyang ipa plastic surgery ako para maging kamukha ni Barbara. Hindi ko din alam na si Barbara pala ang asawa ni Mr. Connor Ace Scott.



End of flashback.

Akala ko'y pag bubuhatan ako ng kamay ni Connor. Ngunit binitawan niya lamang ako at iniwang nag iisa. Nagiisa mismo malaking silid na ito. Napatakbo ako upang lumabas ng silid ngunit bigo. Bigo ako dahil ikinandado mismo ni Connor ang pintuan.

Trapped with the Devil ✔ Where stories live. Discover now