Kabanata 7.

30.1K 1K 21
                                    


Isang malakas na suntok sa tiyan ang tinamo ng lalaking nakalutang ang katawan sa ere dala ng mga rehas na nakakabit sa magkabilang kamay nito.

Tumutulo ang malapot nitong dugo dahilan para mapapikit ito at manlabo ang mga mata. Punong puno ng mga pasa at sugat ang katawan nito. Isa pang malakas na suntok sa kanyang sikmura at nagsuka na ito ng dugo. Hingal na hingal siya na parang malalagutan na ng hininga.

Napayuko ito sa sobrang pagod at paghihirap. Kaagad na hinawakan ng marahas ng demonyo ang buhok ng lalaki upang iangat ang mukha nito. Nakangisi ngayon ang demonyo habang matalim ang mga titig sa lalaking kanyang pinahihirapan.

"Tarantado ka din ano? Ako pa? Ako pa talaga ang naisipan mong sugurin mismo sa pamamahay ko!" Sabi ng demonyo at isang malakas na suntok ang pinakawalan nito na tinanggap naman ng mukha ng lalaki. Pumutok na ang kanang kilay nito at pikit na ang mata dahil sa kakasuntok ng demonyo.

"C-Connor hindi a-ako ang may pakana ng lahat. N-napag utusan lamang ako ng mga tauhan ni Mr. Pareda." Saad ng lalaki. Si Connor ang demonyo na kanina pa nagpapahirap sa walang kalaban laban na lalaki.

Pabalang niyang binitawan ang buhok nito at napatayo ng tuwid. Sinenyasan niya ang isa sa mga tauhan na kunin ang pamunas dahil duguan na ang kanyang mga kamay. Hindi niya sariling dugo kundi galing sa lalaking pinahihirapan.

Nag unat muli ng katawan ang demonyo. Nakahubad ang pantaas nito habang nakaitim na pantalon. Bumakat ang matitigas niyang mga muscle sa katawan na siyang nakakadagdag sa kagandahang lalaki nito.

Pagkatapos mag-unat ay kinuha niya ang sigarilyo at muling humit-hit. Pinagmamasdan lamang niya ang lalaking nakayuko at halos malagutan na ng hininga.

"Mr. Bustado gago ka rin ano? What's your plan huh! Tarantado ka bakit kamukhang kamukha ng babaeng yon ang asawa ko!" Umuusok na halos ang ilong ng demonyo sa galit. Galit na galit ito dahil alam niyang pinaglalaruan siya at hindi siya makakapayag na gaguhin siya nino man dahil mas magaling itong maglaro ng apoy.

"W-wala akong alam. Si Mr. Pareda ang kumontak sakin para gawin ang plano. Connor binayaran lang ako para sa misiyon ko. Hindi ko alam ang motibo ng mga Pareda." Nakayukong saad nito. Napatingin si Connor sa kanyang assassin na si Dazen. Alam na nito kung ano ang titig na yon na mula sa kanyang Diyos na si Connor.

"Dead or alive I need that fucking bastard!" Utos niya sa assassin. Yumuko naman ito bago umalis.

"Sandali Dazon." Pigil ng demonyo.

"Kill them all. Except Mr. Pareda." Ngising saad nito. Pinapapatay muli ng demonyo ang pamilya ni Pareda. Ang angkan ng mga Pareda. Tumango si Dazon bilang tugon bago umalis.

"Magkita nalang tayo sa impyerno Mr. Bustado." Sabi ng demonyo tsaka winakasan ang buhay ng salarin.

Lumalagok pa si Connor ng alak ng tumunog ang kanyang telepono.

Pagsagot ay boses ito ng kanyang private investigator.

"Mr. Scott positive nakuha na namin ang matanda. Nasa pag aalaga na siya ngayon ng mga tauhan ko." Saad nito.

"Good. Pagusapan natin to mamaya." Sabi ni Connor at pinatay ang tawag. Naging magulo kasi ang kanyang isipan. Hindi niya alam kung bakit pero may kung anong humatak sakanya para tulungan ang ina ni Hera. Ipinakuha niya ang ginang at inilipat sa mas maganda hospital. Alam niyang may mali, alam niya yon dahil isa nga siyang demonyo na hindi marunong maawa nino man.

Kamukhang kamukha ni Hera si Barbara. Yun ang nasa isip ni Connor. Ngunit ng makita niya ang totoong mukha ni Hera ay hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit may anong kaba sa puso niya. Kaya't ng banggitin niya ang pangalang Hera sa harap ng dalaga ay napapailing ito. Napapailing hindi dahil sa pagka dismaya. Napapailing ito dahil ngayon lamang siya naging interesado sa babae na kahit si Barbara ay hindi niya naramdaman noon.

...

Hera:

Pilit akong tumayo kahit na nanghihina pa ang katawan ko. Labis labis na akong nag aalala kay Inay. Hindi ko alam kung ano na ang nangyare sakanya.

Ilang araw naba? Isang linggo na. Isang linggo na akong nakahiga lamang at hinahatiran ng pagkain ni Emily. Labis labis narin ang hiya ko sa kabutihang loob nito. Isang linggo narin ng huling beses na nagpakita sakin si Lord Connor. Hindi ko alam kung anong binabalak niya ngunit alam kong hindi ako ligtas dito.

Dali-dali akong nagbihis upang lisanin ang lugar na to. Saan nga ba ako dadaan? Lahat halos ng mga tauhan niya'y nakabantay sa labas ng silid. Ngunit nakaisip ako ng ideya.

"Ano? Hera delikado yang gagawin mo ayoko." Sabi ni Emily at inilapag ang isang tray ng pagkain sa maliit na mesa.

"Emily kailangan kong malaman kung ano ng nangyare sa Inay. Please pumayag kana. Maawa ka sakin." Nagsusumamo ako.

"Natatakot ako sa binabalak mo Hera. Baka mapatay ako ni Lord kapag nalaman niya to."

"Malalaman lang niya to kapag inamin mo. Please Emily wala ng oras." Sabi ko at tumunog na ang malaking orasan dahil alasais na ng hapon.

Huminga ito ng malalim at nagdali-daling hinubad ang suot pang katulong. Nagpalit na kami ng damit at nahiga na siya sa kama.

"Babalikan kita Emily. Malaki ang utang na loob ko sayo salamat. Tawagan mo ako sa numero na ibinigay ko sayo." Sabi ko ng makapag bihis katulong na at niyakap ito.

"Basta mag iingat ka Hera." Pag aalala nito. Tumango naman ako bago lisanin ang silid. Nakayuko pa ako ng lumabas. Naroon parin ang mga tauhan ni Connor na nagkukwentuhan na habang nakaupo sa upuan at nagbabalasa na ng baraha. Pagkakataon ko na at naglakad ng mabilis ng magsalita ang isa sakanila na ikinatigil ko sa paglalakad.

"Sandali." Sabi ng isang lalaki. Kumabog ang dibdib ko ngunit hindi ako lumilingon.

Narinig ko na ang yapak nito papunta sakin. Mas lalo akong kinabahan sa takot.

Hinawakan niya ako sa balikat at nanlaki ang mga mata ko na siyang ikinatigas ng buo kong katawan.

"Ikuha mo naman kami ng apat na kape." Utos nito. Napahinga ako ng maluwag at tumango tango.

"Salamat." Sabi nito at binitawan na ako. Dali dali naman akong umalis at dumaan sa likod ng mansion. Pagkakataon ko ng makatakas.

Third Person:

"Asan si Hera!" Halos yumanig ang buong mansion sa pagwawala ni Connor. Galit na galit ito ng makumpirmang nakatakas ang dalaga.

Hindi magkanda ugaga ang apat na lalaki na bantay nito kanina.

"Sabi ko bantayan niyo! Mga animal!" Singhal sakanila ni Connor at kinasa ang hawak hawak na baril.

"L-Lord patawad hindi po namin napansin na siya pala ang lumabas-" Pinaputukan ito sa ulo ni Connor at natumba ang katawan sa sahig. Isang malamig na bangkay na ito.

"Magsasalita pa kayo?" Malalim na sabi ni Connor sa tatlo na naihi na sa salawal sa sobrang takot.

"ASAN SI HERA!" Singhal sakanila ng demonyo na ngayo'y mahaba nanaman ang sungay.

Trapped with the Devil ✔ Where stories live. Discover now