Kabanata 19.

27.7K 935 68
                                    


Hera:

NADATNAN ko si Irine sa salas ngunit mag isa ito.

"Irine nakita mo ba si Connor?" Katabi kong natutulog si Connor. Maaga man akong nagising pero hindi ko siya naabutan.

"Maagang umalis may meeting." Nakangiting sagot sa'kin ni Irine at ipinatong ang librong binabasa sa katabing mesa.

"Si Dazon ba kasama niya?" Tanong ko muli. Hindi ko maintindihan, bakit nanginginig ang kalamnan ko sa kaba. Bago pa man sumagot si Irine ay naramdaman ko si Mingming ang pusang inampon ko na naglalambing sa'king talampakan. Kinuha ko ito at muling tumingin kay Irine.

"Kasama niya si Dazon, wala kasing driver ngayon." May driver nga pala si Connor. Pero paminsan ay siya mismo ang nag mamaneho kapag wala ito.

"Nako Hera alam ko na 'yang nasa isip mo. Ano ka ba huwag kang mag alala sa pinsan ko. Anak ni Satanas 'yon mahirap mapatay." Hindi ko napigilan ang pag tawa dahil sa sinabi nito. Nabawasan ang aking pangamba at baka nga mali ang hinala ko. Masiyado lang akong nag iisip ng kung ano ano. Malakas si Connor at kaya niya ang sarili.

"Sabi nga pala sa'kin ng magaling kong pinsan na wag kang gugutumin kaya tara na kumain na tayo." Nakangiting sabi ni Irine at kumindat pa ito. Sadyang pilya ang pinsan ni Connor kaya naman 'di maiwasan ang pagka irita niya dito. Ayos na ayos naman para sa'kin si Irine. Napapasaya niya talaga ako dahil sa natural niyang ugali.

Naupo na kami sa silya na katapat ay mahabang mesa. Dumating naman ang isang katulong at pinagsilbihan kami. Hindi pa rin talaga ako sanay na pinagsisilbihan dahil sa laki ako sa hirap. Bumaba naman si Mingming dahil inihanda na ang makakain nito. Nakakatuwa man isipin na kahit ayaw ni Connor sa pusa ay siya pa ang nag abalang magpabili ng mga gamit ni Mingming at pagkain.

"Patingin nga ng mukha mo." Hinawakan ni Irine dahan dahan ang aking mukha. Hindi ko alam pero nahihiya ako, aminado akong mas maganda ang mukha ko noon kumpara sa ngayon. Bakit nga ba kasi Hera at hinahangad mo ang hindi naman sa'yo.

"You're doing better basta inumin mo lang ang gamot na nireseta sa'yo. Gumagaling na siya." Nakangiting ani nito. Napatulala ako sandali. Pumasok sa'king isipan ang dating asawa ni Connor.

"Irine paano kung bumalik si Barbara?" Nasamid ito sa tanong ko. Kaagad na uminom ng tubig at sinuntok suntok ang dibdib.

"Sorry Irine wag mo ng sagutin."

"Ano ka ba wala ng babalikan 'yon dahil nga sa patay siya kay Connor pag nagkataon."

"Anong ibig mong sabihin?" Napaisip ako. Hindi ko talaga alam kung buhay o patay ito. Maraming gumugulo sa isip ko. Maraming nililihim sa akin si Connor.

"Alam mo Hera hindi makakabuti sa vibes ng mansion kapag 'yang babae na 'yan ang topic natin. Alam mo samahan mo na lang kaya akong mag shopping." Masayang aniya.

"Pero diba ayaw ni Connor na lumalabas ako?

"Oo e ang tanong malalaman ba niya?" Kakaibang ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

"Sorry Irine pero ayoko kasing mag alala si Connor." Napabuga naman ito ng hangin.

"Okay lang kasalanan ko naman makulit talaga ako Hera."

"Kaya tignan mo si Dazon ayaw sa'kin." Napalabi ito.

"Irine talagang gusto mo si Dazon?" Akala ko kasi ay nagbibiro lamang ito noon.

"Oo at naiinis ako sa pag iwas niya palagi. Akala mo may AIDS ako at takot na takot na mahawaan." Sobrang seryoso naman kasi ni Dazon ni hindi ito masiyadong nagsasalita.

Trapped with the Devil ✔ Where stories live. Discover now