Kabanata 8.

29.8K 998 31
                                    


Hera:

Lakad takbo na ang ginawa ko makalabas lamang sa impyernong lugar na to. Kasabay non ay ang pag lamig ng buo kong katawan at pagtulo ng pawis ko. Gabi na, gabi na ng ako'y makatakas ngunit hindi ko akalaing tatahakin ko pa ang napakalaking kagubatang to bago makalabas sa impyerno. Nakapiring akong dinala ng mga tauhan dito ng demonyo kaya't ngayo'y hirap akong alamin kung saan ang tamang landas.





Kabog ng kabog ang dibdib ko. Alam kong hindi dapat ako huminto sa pag takbo dahil malapit lamang saakin ang panganib. Masiyadong malawak ang kapangyarihan ng demonyo para hindi ako matunton kaagad. Saking pag takbo'y may tumawag bigla saking maliit na telepono. Ito yung binigay sakin ni Mr. Bustado bago maisagawa ang plano.





Napahinto ako saglit sa malaking puno't napasandal. Hingal na hingal ako pag tingin ko sa telepono'y rumihistro ang un registered na numero. Pinindot ko ang tawag ng kilabutan ako at manginig ang mga tuhod maging katawan ko.





Boses niya.





Hindi ako pwedeng magkamali.





Boses ito ng isang demonyo.





"Hera, tumakbo ka lang. Dahil maaabutan na kita." Sabi nito sa kabilang linya. Nataranta ako ng rumihistro ang nakakatakot na awra ni Connor saking isipan. Diyos ko hindi kaya binigay ni Emily ang numero ko?





Wala na akong dahilan pa para isipin yon. Kailangan kong makatakas. Kailangan dahil tiyak na papatayin niya ako.





Kumulog ng malakas ng magsimula akong tumakbo. Lumakas ang pag buhos ng ulan kaya't namatay ang telepono ko. Basang basa na ako at tila magkakaroon pa ng landslide sa ibang bahagi ng kagubatan.






Rinig ko lang ang pag hingal ko at pag buhos ng malakas na ulan. Para na kasi akong nabinge sa kapaligiran dahil sa matinding takot.





"Ahhhhh!" Napatakip ako saking dalawang tenga ng isang putok ng baril ang nadinig ko malapit sakin. Hindi ako sumuko, patuloy parin ako sa pagtakbo kahit pa hindi ko na alam kung saan lalabas dahil parang naliligaw na ata ako. Masakit na ang mga yapak ko dahil sa mga sanga ng puno. Puros putik narin ang pangkatulong na damit ko at muli nanamang kumikirot ang sugat ko sa kanang balikat. Nawala na ang bisa ng gamot kaya't masakit na muli ito.





"Hera!" Sigaw ng demonyo sa pangalan ko.mas lalong nanginig ang katawan ko ng madinig ko ang boses nito.





"Bakit ba ang hilig mong tumakbo!" Sigaw nito. Nasa may hindi kalayuan lamang ang boses na yon. Nadulas ako sa putik ng daanan at nagpagulong gulong ako hanggang sa may malaking puno. Sumalpok ang balikat ko na may tama ng baril at nagdugo ito. Napapikit ako sa labis na sakit at napahawak sa parteng yon.






"Where are you hiding Hera?" Hinahanap padin niya ako. Napakagat labi ako sa sobrang sakit. Hindi ako maaaring gumawa ng anumang ingay dahil alam kong mahahanap niya ako at tiyak na tatapusin nito ang buhay ko.





Sinikap kong tumayo ng hindi nakakagawa ng ingay. Malakas parin ang pag ulan kaya't hindi ko na gaanong makita ang dadaanan ko. Pumatak na sa lupa sa sarili kong dugo dala ng tama ko sa balikat na nagsimila muling mag dugo.






"Asan ka!" Galit na ang demonyo at nagsisigaw na ito. Mas lalo ko pang binilisan ang takbo ng may humatak sa braso ko.





"Ahhh! Bitawan mo ako!"





"Tatakas kapa huh?" Sabi ng demonyo at nakangisi na ito. Hindi ko na magawang manlaban. Masiyadong nanaig ang takot sa puso ko. Nakakatakot ang mga titig na ibinibigay niya sakin ngayon na animo'y papatay na ng tao.





Trapped with the Devil ✔ Where stories live. Discover now