Kabanata 17.

29.4K 915 42
                                    


Isang lalaki ang nasa loob mismo ng itim at mamahaling sasakyan. Nakasalamin ito at nakasuot ng magarang tuxe habang may pinagmamasdan.

Himithit muna ito ng mamahalin niyang sigarilyo at saka ibinuga sa kasamang tauhan.

"Barbara." Bigkas nito habang taimtim na nakatitig sa dalagitang naka itim na sumbrero at natatakpan ang kalahati ng mukha. Natatakpan dahil sa isang malaking pilat sanhi ng trahedya.

Sumenyas ito sakanyang tauhan upang lumabas ng sasakyan at sunduin ang babaeng kanina pa naghihintay sa gilid ng kalsada. Nakayuko lamang ito at nagmamasid masid sakanyang paligid.

Mabilis na tumungo ang tauhan nito sa babaeng hindi mapakali. Pagkalapit ay sinenyasan lamang ito ng tauhan upang pumasok na sa itim at mamahaling sasakyan. Basang basa na ang dalawa dahil sa lakas mismo ng ulan. Gabi narin kung kaya't wala ng katao tao sa daanan.

Mabilis na pumasok ang babae kasama ang tauhan sa loob ng kotse. Pagkapasok at pagkapasok ay mabilis na tinanggal nito ang sumbrero pati ang tela na nagkukubli ng malaki nitong pilat sa ulo.

"Kamusta?" Bungad ng lalaki tsaka tinanggal ang salamin. Hindi naman makatingin dito ng diretso ang babae dahil narin siguro sa kanyang itsura.

"Buhay ako." Tipid na saad nito.

"Kaya nga pinahanap kita dahil alam kong buhay ka." Nakangising saad ng lalaki.

"Pano mo ako nahanap?" Nanlilisik ang mga mata ng babae habang nakatitig dito.

"Makapangyarihan ako. Money can do anything." Saad nito.

"Nananahimik na ako."

"Shhh bago ka magalit ipapakita ko lang sayo to." Ibinigay ng lalaki ang mga larawan mismo sakanya. Larawan ng isang babaeng kawangis niya. Babaeng kasa-kasama ng kinamumuhian niyang tao. Kasama ng demonyong sumira ng buhay niya.

Nanlumo ito ng makita ang mga larawan na yon. Kuha ito sa labas mismo ng isang
sikat na establishment.

Dahan dahan siyang napahawak sa wasak niyang mukha habang lumuluhang nakatitig sa babaeng kamukhang kamukha niya.

"Bakit ko siya kamukha?" May gigil ang bawat katagang yon na lumabas sa mga labi niya.

"You know how evil Connor is." Nakangising saad ng lalaki.

"Bumalik ka Barbara. Make him feel suffer with your own hands." Bulong ng lalaki sa tenga mismo ni Barbara.

"Pagsisisihan niya ang ginawa niya sakin." Sabi nito habang nakahawak sa may bandang ulo niya at gilid ng mukha ba nawasak.

"How come you still alive." Sabi ng lalaki.

"Hindi ako nagkamali sa paghanap sa katawan mo. Mabuti nalang at may pulso kapa. Ako ang dahilan kung bakit buhay ka at humihinga kapa ngayon Barbara."

Tumingin sakanya si Barbara.

"I did everything with my money to survive you my dear Barbara." Ngising demonyong saad nito. Napaka swerte ni Barbara sapagkat hindi napuruhan ang kanyang utak. Nag crack ang kanyang bungo sa lakas ng impact. Ngunit lumihis ang bala na dapat ay ikasasanhi ng kanyang kamatayan.

Napangisi si Barbara sa kausap na lalaki at sa tinginan nila'y mukhang may masamang plano na itong binubuo.

....

Earlier

"Bakit ba tayo umuwi agad? Hindi pa nga kami tapos mamili ni Hera ng mga damit ikaw naman tong atat na atat na umuwi na." Inis na bulyaw ng pinsan ni Connor na si Irine.

"Hindi ka ba nag iisip? D-e-l-i-k-a-d-o." Inisa isa naman ni Connor ang mga salitang yun sa pinsan niya na nakasimangot na sakanya.

"Kasama ka naman at si Dazon. Pati ang mga tauhan mo. Nakakainis hindi ko man lang nabili yung Louis Vuitton." Iritang sabi ng pinsan niya.

"Irine wag mo akong galitin. Ipapabili ko nalang kay Victor!" Pasigaw na sabi ni Connor dito. Wala siyang pasensiya sa pagka brat ng pinsan niya. Si Irine lamang kasi ang bukod tanging babae sa lahat ng magpipinsan kung kaya't hindi maiwasang maging spoiled.

"Talaga?" Masayang sabi ni Irine.

"Oo manahimik ka lang." Napahilot naman sa sentido si Connor. Nakaupo lamang si Hera katabi nito habang si Dazon ay nasa labas buhat buhat si Mingming ang pusa ni Hera.

"Kapag ako niloloko mo lang makikita mo ipapahabol kita sa pusa." Sabi ni Irine sabay tingin sa may gawi ni Dazon.

"Isip bata ka talaga tsk." Inis na sabi ni Connor. Napangiti naman si Hera dahil sa pagpapalitan ng mga salita ng dalawa.

...

Bigla naman ang pagdating ni Victor kasama ang ilan niyang tauhan.

"Boss negative hindi namin naabutan yung kumuha ng litrato ni Ma'am Hera kanina." Sabi nito. Kaya napauwi ng wala sa oras ay dahil nga sa stalker na sumusunod sakanila.

"Anong sabi mo!" Napatayo si Connor at hindi naiwasang mahawakan ang kwelyo ni Victor.

"B-Boss naligaw kami pasensiya na." Pagmamakaawa ni Victor na halata ang takot sa nanlilisik na mga mata ni Connor.

"Taratado! Hindi pwedeng malaman ng kalaban na may kamukha si Barbara!" Sigaw nito. Nakikinig lamang ang lahat maging si Hera na tahimik lamang.

"Boss gagawin namin ang lahat mahuli lang ang may gawa nito."

Nagpakawala ng malalim na paghinga si Connor at padabog na tinaggal ang pagkakahawak sa kwelyo ng tauhan. Napatayo naman si Hera at humawak sa braso nito upang pakalmahin.

Namumula na kasi ang mukha at tenga ni Connor sa sobrang galit.

"I'll call Dad makakatulong siya." Sabi naman ni Irine.

"No Irine. Hindi pwedeng malaman ng lahat to." Sabi ni Connor.

"Bakit hindi mo nalang kasi ibalik ang dating mukha ni Hera para hindi na siya delikado sa mga kalaban?" Napahinto ang lahat sa sinabi ni Irine. Napatingin si Connor kay Hera at napaisip sa sinabi ng kanyang pinsan.

Kumabog naman ang puso ng dalaga. Ito na ba ang pagkakataon para manumbalik ang dati niyang itsura? Halo halong kaba at tuwa ang namumuo sakanyang dibdib sa mga oras na yon.

"Hera." Banggit ni Connor sa pangalan nito. Magkatitigan lamang silang dalawa na para bang nagkakaintindihan.

Hinawakan ni Connor ang gilid ng mukha ni Hera.

"Naalala mo yung sinabi ko sayo noon?" sabi nito. Napakunot naman ng noo ang dalaga sa pagtataka kung ano ang sinasabi ng binata.

"Gusto kita hindi dahil sa mukha ni Barbara." Sabi ni Connor habang hinahaplos ang makinis na mukha ni Hera.
"Pwede ko na bang makita ang totoong Hera?" Tanong nito. Napangiti naman ang dalaga dahil sa binitawang salita ni Connor. Mas lalo pang tumindi ang pagkabog ng kanyang dibdib sa labis na pagkasabik at saka ito tumango bilang pag sang ayon.

Trapped with the Devil ✔ Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang