Kabanata 11.

28.3K 998 28
                                    


Hera:

Mag papahinga na sana ako ng kumalabog ng malakas ang pinto.





"Hera! Buksan mo to!" Nandito si Connor. Nagwawala siya sa labas ng silid. Bigla naman akong nakaramdam ng takot. Takot na baka kung anong gawin sakin ng lalaking to.





"Wag mong antaying ako pa ang sumira sa pintuan na to." Sabi nito sa malalim na boses. Kinalabog nito ng kinalabog ang pinto ng pagkalakas lakas. Umiecho na nga sa buong mansion ito dahil sa lakas ng kanyang pag hampas.





"Hera! Buksan mo!"





"A-ayoko." Napakagat labi ako. Bakit ko naman siya pag bubuksan? Sa tono palang ng boses nito'y halatang nakainom na. Isa pa rumirihistro sa utak ko ang mala demonyo nitong awra na siyang kinatatakutan ng lahat.





"Hera sabi ko buksan mo! Bakit ayaw mo akong papasukin? Bahay ko to!" Utos niya sakin. Napayakap ako saking sarili. Para akong batang takot na takot dahil may halimaw sa labas ng kwarto ko.





"Hera ano ba! Buksan mo!" Galit na ang tinig nito.





"Lumayo ka sakin please. Nakainom kayo." Lakas loob kong sabi.





"Gusto kitang makita anong masama don!" Sigaw nito.





"Nakita niyo naman ako kanina ah."





"Hera ako ba'y niloloko mo? Buksan mo to!"





"Ayoko. Please lang mag pahinga na kayo. Pagod lang kayo."





"Gusto nga kitang makita. Ano bang hindi mo maintindihan!" Galit na ang demonyo at yumanig ang buong mansion sa talim at lakas ng pagkakasigaw nito. Hindi na ako muli pang nagsalita. Tuloy tuloy parin ang pagkalampag nito ng pinto. Parang masisira na yung lock dahil sa lakas ng pag hampas nito.





Ano bang nasa utak ng lalaking to? Kanina lang ang dami niyang ipinadalang babae ah tapos gusto niya akong makita? Nahihibang na ba siya? Napakagat nako sa kuko ko dahil sa labis na tensiyon.





"Bubuksan mo to o sisirain ko nalang? Sumagot ka!" Napatayo ako. Hindi pa nga ako nakakasagot ay bigla naman niyang sinipa ng malakas ang pinto dahilan para masira ito ng tuluyan.





Bumungad sakin ang seryoso niyang mukha. Nakasimangot na ito at nakakunot ang noo.





"Ikaw bakit ayaw mo sakin?" Nagulat ako sa tono ng kanyang pananalita. Hindi ito ang kilala kong normal na siya. Halatang lunod ito sa alak dahilan para malasing ito at magpagewang gewang papunta sa kinaroroonan ko.





"Bakit ayaw mo sakin!" Sigaw nito sakin. Kung ibang tao lang ako at bagong salta lang dito malamang sa malamang nahimatay na ako sa labis na takot sa lalaking to. Pero iba, ibang Connor ang nakikita ko ngayon. Para siyang bata na pinag kaitan ng laruan. Parang bata na sabik sa atensiyon, pagmamahal at aruga.





"Ako na si Connor Ace Scott? Ang tulad ko pa talaga ang tinanggihan mo?" Nakangising sabi nito habang hindi na maitukod ng maayos ang dalawang paa sa sahig dala ng kanyang kalasingan.





"B-Bakit? Mayaman naman ako, gwapo ako. Ano pa bang kulang?" Pati pananalita nito'y apektado na dahil sa alak. Namumula nadin ang kanyang magkabilang tenga at pisnge. Hindi naman talaga maipagkakaila ang kagwapuhang taglay nito. Kung hindi lang talaga siya demonyo, kung hindi lang talaga siya brutal sa tao malamang marami ang magmamahal at magkakandarapa sakanya.





Pero ang hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit hindi ako naaapektuhan na ng matinding takot. Bakit unti-unting bumabaliktad ang aking paningin sa taong to na unti-unti ko ng nagugustuhan siya. Ang agresibong siya. Ang malupet, brutal, walang pusong si Connor. Walang puso nga ba? Maaari bang magmahal ang isang demonyo?





Ang lalim ng iniisip ko. Hindi ko napansing magkatapat na pala kami. Duo'y nakaramdam ako ng matinding pagkabog ng puso ko at alam kong hindi dahil sa takot. Nasisinagan ng buwan ang maamo niyang mukha. Ang nakakunot at salubong nitong kilay na bumabagay sa matapang niyang mga mata, ang matangos na ilong, ang manipis na labi. Lahat yon ay natitigan ko ng matagalan.





"Kapag sinabi kong mahalin mo ako sundin mo Hera." Para siyang bata ngayon. Siguro kapag nahimasmasan na ito'y mapapasampal nalang siya sakanyang mukha dahil sa mga salitang binitawan niya ngayon dito sa harap ko.





"Lasing ka lang. Pag iisipan ko ang inaalok mo sakin." Sabi ko dito.





"Alam ko lahat ng sinasabi ko." Sabi nito na seryoso pading nakatitig. Hindi ko na kinakaya yung mga titig na yon na namumula sakanya. Masiyadong mapangahas, masiyadong nakakaakit, masiyadong mainit.





"Lasing ka lang." Sabi ko.





"Bukas pagsisisihan mo ito kasi lasing ka lang." Dagdag ko pa.





"Alam ko kung anong sinasabi ko. Ano bang ginawa mo sakin? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito Hera? Bakit?" Nagsusumamo na ang mga mata nito.





"Hindi kita maintindihan." Sabi ko.





"Nung una, palagi kong nakikita sayo ang asawa ko. Nakikita ko sayo si Barbara. Pero hindi nagtagal ikaw na Hera. Ikaw na yung palagi kong naiisip." Mas lalong kumabog ang puso ko. Hindi siya kasi ganon magsalita. Ibang ibang Connor ang nasa harapan ko ngayon. Ganon ba ang epekto sakanya ng alak?





"Anong ginawa mo sakin?" Tanong nito. Tanong niya na para bang ang lahat ay bago lang. Parang naputulan ito ng sungay at bumaba ang buntot. Ibang iba talaga. Hindi ako sanay sa pagbabago ng isang demonyo.





Magkatitigan lamang kami ng bigla itong bumulagta sa sahig.





"Diyos ko Lord Connor?!" Tapik ko sakanya at duo'y nakarinig ako ng mahinang pag hilik na nagmumula sakanya.





Hindi ko alam pero bigla akong tumawa ng mahina. Para kasi siyang cute na batang tulog na tulog sa sahig. Nakatulog na dala ng matinding kalasingan.

Trapped with the Devil ✔ Where stories live. Discover now