Kabanata 16.

29.6K 990 40
                                    

Hera:

Umiiyak siya. Ngayon ko lang nasaksihan ang pag iyak ng demonyo.

Napatigil ako. Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakayakap mismo saking tiyan. Lumingon ako ng kaunti dito. Tumigil siya sa pag iyak at seryosong tumingin sakin.

"Mahal kita." Bitaw niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Napakabilis ng mga pangyayare.

"Gusto ko akin ka. Ipapapatay ko si Pareda." Huminto ito at may naisip bago muling nagsalita.

"Mali, papatayin ko si Zyron Pareda!" May gigil ang bawat katagang yon. Napalunok ako sa madilim niyang awra. Ang lalaking to. Bakit ganito? Bakit unti-unti'y parang hinihigop niya ako upang tuluyang mahulog sakanya.

Pinunasan niya ang ilang butil ng luha sa gilid ng aking mga mata. Kasabay no'y hinalikan niya ako sa noo pababa saking labi. Magulo man ang isip ko'y bakit hindi ko magawang pigilan ito.

Tuluyan akong napaharap sakanya habang ito'y nakaibabaw na sakin at pinagsasaluhan naming dalawa ang mainit na halik na yon.

Ang aking mga kamay ay nag simulang maglakbay sa matikas niyang likod pa angat sa gulo gulo niyang buhok. Napadilat ako habang siya'y nakapikit parin at magkalapat ang aming mga labi.

Ipinikit ko muli ang aking mga mata. Diyos ko hindi ko kayang tanggihan ang lalaking to. Bakit sa twing ginagawa niya to'y naeenganyo ako? Hindi ko mapigilan ang sarili ko at aamining kong nagugustuhan ko ito.

Kumalas siya ng pagkakahalik kaya't napadilat ako. Magkatitigan lamang kami at hinaplos niya ng marahan ang aking mukha.

"I will never hurt you again my Hera." Sabi nito at hinalikan ako ng dampi dampi sa pisnge. Para siyang hindi si Connor. Ibang iba ito. Parang isang demonyong naputulan ng sungay, isang demonyong bumaba ang buntot.

"Sorry kasalanan ko din." Hindi ko napigilang sabihin. Hinawakan niya ang mga labi ko at siniil ito.

"Wala kang kasalanan. Ang nakaraan mo, nakaraan nalang yon. Saakin ka ngayon. Akin ka bukas. You're all mine until my last breath." Sabi niya.

Ngumiti naman ako sakanya at tinugon muli ang mga halik na yon. Masiyadong mapusok si Connor. Mahapdi pa ang ibabang parte ko dahil sa naganap samin ng biglang tumigil ito.

"Magpahinga ka. Hindi muna natin gagawin ulit yon." Namula naman ako sa sinabi niya. Siya yung tipo ng tao na walang anumang preno pagdating sa mga usapang sensitibo.

Tumayo ito at kumuha ng damit niya sa kanyang cabinet. Isang puting T-shirt ito na maluwag sakin.

"Here." Inilapag niya ito sa kama ng may biglang tumawag sakanyang phone. Nasa side table lang ito malapit sakin. Pagkatunog nito'y napakunot ang noo ko dahil numero lamang ito.

Sinagot niya ang tawag at naka loud speak yon.

"Anong gusto mo?" Iritableng sabo niya sa kabilang linya.

"Ikaw. Ikaw ang gusto ko." Boses babae ito. Mahinhin iyon na may lambing. Tumawa ng malakas si Connor at muling nagsalita.

"Hinahabol mo ba ang kamatayan mo?" Napalunok ako sa sinabi niya dito. Walang emosiyon at nakakatakot. Hindi agad nakapag salita ang nasa kabilang linya. Maya maya'y may tawa na kaming narinig at nagsalita ito.

"Hindi ka parin talaga mabiro pinsan." Sabi nito.

"Tsk sinasayang mo lang ang oras ko." Walang pasensiyang sabi nito.

"Uuwi ako pupunta ako diyan ha pakisabi kay Dazon gusto ko siya ang sumundo sakin." May lambing na sabi nito. Pinutol niya agad ang tawag.

"Sino siya?" Tanong ko.

"She's Irine pinsan ko." Napatango naman ako.

"Magbihis ka na Hera para makakain na tayo." Nakapamulsang sabi nito. Kaagad ko namang inayos ang suot ko at ipinatong ang malaking T-shirt ni Connor.

...

Tahimik lang kaming kumakain. Si Dazon ay nakaayos na at seryoso lamang. Siguro'y aalis na ito para sunduin ang pinsan ni Connor.

Nang makaalis si Dazon ay siya namang dating ng ilang mga tauhan ni Connor.

"Boss nandito na po yung mga pinapabili niyo." Sabi ni Victor kasama ang ilan pang tauhan nito.

Ibinaba saglit ni Connor ang hawak na baso ng wine.

"Kumain ka lang." Sabi niya sakin tsaka ito tumayo. Ilang mga kahon at mamahaling paper bags ang naroon.

Kinilatis muna ni Connor isa isa yon at ng iangat ang bagay na yon ay nanlaki ang mga mata ko. Mga maiiksing dress ito at ang iba'y lingerie na talaga namang napaka daring. Kumunot ang noo ni Connor habang iniisa isa niya ito.

"Ano Boss maganda ba? Ang sesexy ano? Babagay yan kay Mam Hera." Ngising sabi ni Victor.

"Tarantado kaba! Sabi ko matinong damit! Bakit pang pokpok lahat to!" Iritang sabi ni Connor at malakas na binatukan sa ulo si Victor. Kaagad namang napakamot ito sa pagkakapahiya.

"Gunggong ka talaga. Ang liit ng utak mo." Sabi ni Connor. Pangisi ngisi lang si Victor habang ang mga kasama'y pigil ang tawa.

"Eh bibili nalang ulit ako Boss." Sabi nito sabay kamot sa ulo.

"Wag na baka mapatay lang kita. Umalis ka sa harapan ko." Sabi ni Connor at lumagok ng wine.

Napapakamot nalang sa ulo si Victor kasama ang mga tauhan nito. Sadyang mainitin ang ulo ni Connor at alam kong sanay na sila duon.

Maya maya'y natapos na kaming kumain. May boses akong narinig boses ito ng babae.

"Kailan mo ba kasi ako sasagutin Dazon?" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pinsan marahil ni Connor na nakapulupot sa kanang braso ni Dazon. Habang si Dazon nama'y walang emosiyon at seryoso lamang na hawak hawak ang mabigat na maleta sa kaliwang kamay.

"Di mo ba ako namiss?" Ngumuso ang magandang babae na sa tansiya ko'y kaedaran ko lamang.

Maya maya'y malapit na sila samin ni Connor kaya't napahinto ito.

"Umayos ka nga Irine nakakahiya ka tsk." Masungit na sabi ni Connor sa pinsan. At duo'y napadako na sa direksiyon namin ang tingin ni Irine. Napahawak ito bigla sakanyang bibig ng makita ako.

"Oh my God! Barbara?!"

"Stop it Irine hindi siya si Barbara!" Inis na sabi ni Connor at hinila ang braso ko.

"But she looks like her."

"She's different from that bitch." Inis na sabi ni Connor. Napakunot noo naman si Irine.

"Madami kang ikukwento sakin Connor." Sabi ni Irine. Napayuko naman ako sakanya bilang pag galang.

"But I like her huh ibang iba siya kay Barbara na bastos." Sabi nito.

"Because She's not her." Nanggigigil na sabi ni Connor dahil sa makulit ang pinsan.

"Okay I'll talk to you later." Sabi ni Irine at yumakap muli kay Dazon. Napahawak na lamang sa sentido si Connor dahil sa nakakahiyang ginagawa ngayon ng pinsan niya sa mismong assassin niya.

Trapped with the Devil ✔ Where stories live. Discover now