Kabanata 5.

30.3K 1K 40
                                    


Mae:

Naliligo ako ng kapain ko ang likod ng tenga ko. Halos manlumo ako ng hindi ko napansin na nawawala ang tracker!

"Diyos ko hindi pwede, asan na yon?" Itinapis ko ang tuwalya saking katawan. Sinuri maging ang buong drawer, bowl oh likod ng salamin ngunit wala. Wala ang tracker.

Napasampal ako saking mukha. Diyos ko hindi maaari to. Wag naman sana ngayon. Lumabas ako ng banyo at nag tungo sa silid. Gulat na gulat sakin si Emily ng makita ako sa ganong kalagayan. Nakakunot ang noo at may hinahanap.

"Mae anong problema?" Pag aalala nito sakin. Kakabihis pa lamang niya ng uniporme.

"Ah- Emily may nakita ka bang yung maliit na bilog?" Hay Mae ano bang sinasabi mo? Mabubuking ka ng wala sa oras niyan Mae sige pairalin ang katangahan. Sabi ko sa isip ko.

"Ha? Anong maliit na bilog?" Kunot noo na nitong tanong.

"A-Ah wala wala hehe wag mo nalang pansinin." Napakamot ako sa batok ko.

"Okay? Ang wirdo mo ngayon Mae ayos ka lang ba?" Tanong nito sabay hawak saking noo at humawak din siya sa noo niya. "Normal ka lang naman." Sabi pa nito.

"Wala kasi yon Emily ano napanaginipan ko lang ata ah ewan basta wag mo ng isipin yon ha. Sige na labas ka muna saglit bibihis lang ako." Sabi ko at sinamahan na siya papalabas. Tinignan naman niya ako ng may pagtatanong sa mga mata.

Napabuga naman ako ng malalim na hininga ng makalabas si Emily. Tinignan ko ang buong sulok ng kwarto. Wala talaga. Tinignan ko sa kama ko baka nasa ilalim ng unan pero wala din. Tinignan ko maging sa ilalim ng kama wala parin. Napasabunot na ako.

"Mae ang tanga tanga mo talaga." problemadong problemado ako. Siguradong galit na ngayon si Mr. Bustado dahil hindi nila ako ma track. Kung bakit naman kasi biglang nawala. Bagsak ang balikat ko habang iniisip kung saan ko pupwedeng nahulog yon. Kwarto mismo ni Lord Connor ang huling lugar na pinuntahan ko. Napahawak ako saking bibig. Oh hindi, hindi kaya nasa silid niya yon?

Hindi pa ako nakakagalaw saking tinatayuan ng kumatok ng sunod sunod si Emily.

"Mae matagal kapa? Hihelera na tayo ah baka malate tayo mapagalitan pa tayo ni Lord Connor." Sabi nito. Sa umaga kasi'y lagi kaming nakahelera sa harap para sa attendance twing umaga na isinasagawa ng assistant na lalaki ni Lord Connor.

Nagmamadali na akong mag bihis habang kumakatok parin si Emily. Kaagad ko tong pinagbuksan at hinila na niya ako. Kumaripas pa kami ng takbo para makaabot sa hilera naming mga kasambahay.

Nakahilera na kami at isa isa na kaming chineck ng assistant ni Lord Connor. Naglilista ito kung saan kami ma aasign.

"Sa pool ka ma aassign ngayon. Bilisan mo at kunin mo ang gamit panglinis." Sabi nito sakin. Tumango naman ako at nagkanya kanya na kami.

Papunta na ako ng pool upang maglinis. Napakalawak ng mansion at malulula ka talaga. Sa may garden mismo ang pool kaya't mahalaman at kailangan ng linisin. Nagulat ako ng may makita akong babae na naka two-piece at lumalangoy.

Balangkinitan ang pangangatawan nito at napakaganda. Morena at balat at kulay blonde ang buhok. Umahon ito at napatingin sa gawi ko.

Nagtuloy to sa paglalakad at kinuha ang tuwalya tsaka ipinunas sa maganda niyang pangangatawan.

"Ikuha mo ako ng juice." Utos niya sakin.

"P-Po?" Nagulat ako sa utos nito kaya parang nabingi ako.

"Bingi kaba? Sabi ko ikuha mo ako ng juice. Bilisan mo!" Sabi nito napatango naman ako tsaka ibinaba ang dalang panlinis. Napatakbo pa ako baka mapagalitan

Dali dali akong nagpunta ng kusina at kumuha ng baso. Kinuha ko ang juice powder at nagsimula ng magtimpla. Natapos na ako at agad na bumalik sa pool. Nakita ko si Lord Connor na kasama na ng babae. Naghahalikan silang dalawa. Napayuko naman ako sa hiya hanggang sa mapansin ako ng babae.

"Ang tagal mo. Akin na nga yan." Sabi nito sakin. Ibinigay ko naman sakanya ang juice at nakayuko padin ako. Nakita ko pang seryoso lang na nakatitig sakin si Lord Connor at walang emosiyon.

Naisuka ng babae ang juice at nanlilisik na tumingin sakin.

"How dare you! Sabi ko juice! Hindi ako umiinom ng juice powder!" Ibinaba nito ang baso at tumayo sa harap ko. Mas matangkad sakin to na parang modelo. Napaatras naman ako dahil susugurin niya ako.

"You bitch! Sinasagad mo ang pasensiya ko!" Sabi nito at itinulak ako sa pool. Akala ko'y mahuhulog ako ngunit naramdaman ko ang kamay na humila sa braso ko kaya't di ako natuluyan.

Napadilat ako at nakita si Lord Connor siya pala ang humila sakin.

"Connor anong ginagawa mo? Kailangan ng leksyon ng babaeng yan!" Sabi ng babae at sinugod ako para sampalin. Napayuko at at nagulat ako ng mapasigaw ito.

"Ahhhh Connor nasasaktan ako!" Sabi nito ng hilahin ni Connor ang buhok nito pakaladkad. Napahawak ako ng bibig. Huminto din sila at binitawan niya ng pabalang ang buhok ng babae dahilan para mapatumaba ito.

"Gulpigin 'yan. Rapin niyo. Wala akong pake." Utos nito sa mga tauhan. Ang babae nama'y nanlaki ang mata at paluhod na nagsumamo kay Connor ngunit sinampal lang siya nito ng napakalakas. Dinampot na ng mga tauhan ni Connor ang babae. Nakatayo parin ako at hindi ko maintindihan ang nangyayare. Bakit bigla nalang nagiba ng ganon ganon ang pag uugali ni Connor sa babaeng yon? Dinig pa ang pagsusumamo at sigaw ng babae habang kinakaladkad siya ng mga tauhan ni Connor.

Nagulat ako ng humarap sakin si Connor ang mga mata nito'y tila nag aapoy na sa galit. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya. Mas kinabahan ako ng pumasok sa utak ko yung tungkol sa tracking device ko na nakakabit sa likod ng tenga ko.

Walang emosiyon tong lumapit sakin at ina angat ang mukha ko. Nagulat ako ng i angat niya ang kamay niya at naroon ang tracking device na sira na. Sira na ito sa mga kamay ni Connor.

"Anong ibig sabihin nito!" Galit na galit niyang sigaw sakin.

Hindi ako nakapagsalita sa pagkagulat.

"Sumagot ka!"

Nanginginig na ang buong katawan mo ngayon dahil nagmistulang demonyo na ito.

Trapped with the Devil ✔ Where stories live. Discover now