Kabanata 10.

29.8K 1K 28
                                    

[Flashback]

Hera:

"S-sino ka?" Nakaupo ako ngayon sa gilid ng higaan ni Inay. Hawak hawak ko ang kanyang kamay na maputla. Nanghihina ito ng labis ngunit bakas parin ang pagkagulat sakanyang mga mata. Umuwi ako saglit ng probinsiya bago ako tumuloy sa misyon ko. Nakasuot ako ng makapal na kulay itim na jacket at pantalon. Nakashades ako para takpan ang pasa ko sa gilid ng aking mga mata dala ng pananakit sakin ng mga tauhan ni Mr. Bustado.





"Nay, hindi niyo na po ba ako nakikilala?" Pumatak agad ang aking mga luha. Pigil ang aking emosiyon dahil nasa likuran ko lamang si Farra at ang ilan sa mga tauhan ni Ms. Bustado.





"H-Hera? Hera anak ikaw ba yan?" Tanong sakin ni Inay at pilit na inaabot ang aking mukha kaya namay kusa na akong yumuko at dinama ang haplos ng aking Ina.





"Opo Inay." Sabi ko ng hindi ko na mapigilan at niyakap siya ng mahigpit habang umiiyak." napayakap din siya sakin kahit na may katanungan ito sa kanyang mga mata.





Pag bitaw ay nagtanong agad ito.





"Anong nangyare sayo anak? Bakit nagbago na ang itsura mo?"





"Nay, mahaba pong storya. Wala na akong oras para sabihin sayo ito. Pero magtatrabaho kasi ako Nay at kailangang baguhin ang itsura ko."





"Ha? Anak bakit? Anong trabaho yan?" Kahit na hinang hina ay nagpupumilit itong bumangon ng pigilan ko siya.





"Basta Nay magpagaling kayo. Magtatrabaho lang ako sa Manila. Ito tanggapin niyo ang sobreng to. Nay, pang gastos niyo to sa pang araw araw. Nabayaran ko na ang bills nitong hospital kaya't wala ng problema." Nakangiting sabi ko.





"Matagal pa ba yan?" Napalingon naman ako sa nagmamay-ari ng boses na ito. Farra, kay Farra galing ang boses na yon. Ngumunguya pa ito ng bubble gum at nagsindi ng yosi matapos buksan ang bintana.





"Dalian mo na Hera naghihintay ang trabaho mo." Sabi muli nito at humithit buga na. Ibinalik ko naman ang tingin ko may Inay na may mga katanungan parin.





"Nay aalis na muna ako ha. Mag ingat ka. Babalik ako Inay pangako yan." Sabi ko at hinalikan ito sa noo. Magsasalita pa sana ito ng tahakin ko na ang pinto palabas habang umaagos na ang mga luha ko.





Iyon ang huling pagkikita namin ng Ina bago ako nagsimula. Bago ako nagsimulang ipasok ang sarili ko sa panganib.





Malayo ang binyahe namin ni Farra kasama ang mga tauhan ni Mr. Bustado. Nakadungaw lamang ako sa bintana habang nalalanghap ko ang mga usok dala ng paninigarilyo ng mga ito. Nagiinuman din sila sa loob ng sasakyan at nagiingay. Hindi ko lubos maisip na isa palang gago ang kaibigan kong si Farra. Isang walang kwentang tao.





Nang makarating kaming muli, ay bigla na nila akong piniringan muli at itinali ang dalawang kamay ko. Alam kong ikukulong nanaman ako para sa pag hahanda. Paghahanda sa gaganapin kong misyon.





End of Flashback:

"Dahil walang nagmamahal sakin."



Hindi ko alam kung bakit? Bakit nga ba tumagos sa puso ko ang binitawang salita ng isang demonyo na kagaya ni Connor.





Ang mukha nito'y ngayon ko lamang nakita ang kalungkutan. Ang mga mata'y wala paring kabuhay buhay. Barbara? Ano nga ba ang ginawa mo sa taong to? Bakit biglang nagkaganto ang demonyo?





"Magsalita ka." Inis na sabi niya sakin ng napaurong ang dila ko. Nakakunot ang noo nito.





"H-hindi ko alam Lord Connor." Sabi ko.





"Tsk! Anong hindi mo alam? I command you! Sa ayaw at sa gusto mo pag aralan mo akong mahalin kung ayaw mong patayin kita." Malamig na pagkakasabi nito tsaka nagtungo muli sa kanyang swivel chair. Kumuha ng isang piraso ng sigarilyo at sinindihan ito. Problemado ang mukha niya dahil para itong bata. Bata na inagawan ng candy dahil sa sobrang pagkabusangot.





Nakayuko lang ako tsaka ko narinig ang malalim niyang buntong hininga.





"H-hindi ko magagawa ang inuutos niyo." Sabi ko.





"Anong sabi mo?" Nagulat ako ng mag bago ang tono ng pananalita nito. Isang malamig, walang kabuhay buhay at nakakatakot.





"H-hindi ko po magagawa ang ahhhh!" Napasigaw ako ng paputukan niya ako ng bala malapit saking kinatatayuan. Napaupo ako sa sahig at nanginginig ang aking buong katawan.





"Anong sinabi mo?" Madilim ang mukha nito. Madilim ang mukha ng demonyo.






"Anong sinabi mo!" Isang putok muli ng bala na tumama na sa vase. Katabi ko ito kaya't nataranta ako ng mabasag ito ng walang kahirap hirap.





"Tama na! Tama na maawa ka." iyak na ako ng iyak ng huminto siya na parang natauhan. Naninginig parin ang mga tuhod ko dahil sa labis na takot dito.






"Sa ayaw at sa gusto mo susunod ka. Mamahalin mo ako. Naiintindihan mo? Mamahalin mo ako!" Sigaw nito sakin. Napatango naman ako sa sobrang takot.





"Get out!" Pagpapalayas niya sakin kaya't dali dali akong tumayo at tumakbo papalayo dito.





Third Person:

Nanginginig padin ang buong katawan ni Connor. Hindi sa takot kundi sa labis na galit. Nandilim ang kanyang paningin kanina ng tanggihan ni Hera ang inuutos nito. Gumuhit muli sa kanyang isipan si Barbara. Bakit si Barbara ang nakikita niya kanina? Waring minumulto siya ng sariling asawa dahil sa nakikita. Batid naman niya na magkamukha ang dalawa ngunit bakit biglang nabuhay ang galit sa puso nito ng makita si Barbara sa katauhan ni Hera.





Sa lalim ng kanyang pagiisip ay may lumabas ng babae sa banyo. Isang babaeng bayaran. Isang beterang prostitute ang hubo't hubad na nasa harapan ngayon ni Connor.






"Babe ready ka naba? Gusto ko na ang tagal tagal mo namang nakaupo diyan." Sabi nito at lumapit kay Connor na walang emosiyong makikita. Nasa isipan parin nito si Hera.





Isang lagok pa ng alak at hithit ng sigarilyo ang ginawa nito bago tumayo at itinulak ang bayarang babae.





"Aray ano ba? Bakit mo ako sinasaktan?" Sabi nito ng marahas siyang hilahin ni Connor papalabas ng sariling silid.





"Aray! Bitawan mo ako!"




"Victor!" Galit na galit na sigaw ng demonyo.





"B-B-B-BOSS?" Utal utal namang sabi ni Victor dahil sa takot dito.





"Tarantado ka! Bakit mo ako pinadalhan ng GRO dito! Iuuwi mo to o papatayin ko kayong dalawa?" Galit na sabi ni Connor at pabalibag na itinulak ang babae sa tauhan.




"S-S-Sorry B-B-B"





"Shut the fuck up!" Iritang sabi nito sa tauhan dahil sa pagsasalita nito ng hindi tuwid dala marahil sakanya ng takot.





"Asan si Hera?" Hanap nito sa isa pang tauhan.





"Sagot asan si Hera!"





"N-Nasa kwarto na niya nagpapahinga." Sagot ng isang tauhan nito. Halata ang tama ng alak kay Connor at nakangisi nanaman ito na parang may binabalak sa dalaga.




Nakangising demonyo.





"Akin ka Hera." Bulong nito sa sarili bago binagtas ang daan patungo sa silid ng dalaga.

Trapped with the Devil ✔ Where stories live. Discover now