Kabanata 12.

28.6K 1K 44
                                    


Tinitigan ko lang ito habang natutulog sa sahig. Pano ko ba bubuhatin to? Ang laki niyang tao. Tumayo na ako at hinila yung kamay niya.



"Hmmmm" Sabi nito. Binitawan ko agad dahil ayoko namang magising to. Nakakatakot pa naman pag nagising ang demonyo.




Alam ko na tawagin ko nalang kaya si Dazon ang assassin ni Connor. Tatayo pa lamang ako ng magulat ako sa lalaking nakasandal lamang sa gilid ng sirang pintuan.




Tahimik ang awra nito. Palaging seryoso. Ayaw magsalita hanggat hindi kailangan. Napaka misteryoso. Walang iba kundi ang assassin ni Connor si Dazon.




Naka krus ang kanyang dalawang braso na seryosong nanonood samin.



"K-Kanina kapa diyan?" Tanong ko.




"Kararating ko lang." Walang emosiyong sabi nito na kakikitaan mo ng blankong mukha habang papalapit sa amo niyang si Connor na nahihimbing na ang tulog. Buong lakas niyang pinasan ang braso nito sakanyang balikat. Nakabuntot naman ako dito ng tumigil siya.




"Ako ng bahala." Sabi nito. Napatigil naman ako saking pagsunod at tinanaw nalang sila habang papalayo sakin. Bagsak talaga si Connor pakiramdam ko'y hindi ito sanay uminom. Ngayon ko lang kasi itong nakitang nalasing.




Wala na akong nagawa at pumunta na sa silid ko. Napangiwi pa ako ng isara ko ang sirang pintuan na sira na ang doorknob. Napabuntong hininga naman ako.




...

Kinabukasan ay nagising ako sa lakas ng sigaw. Napailing nanaman ako ng malamang kay Connor galing ang sigaw na yon. Pinapagalitan lamang niya ang mga tauhan niya sa hindi ko malamang kadahilanan. Pinatigil narin ako bilang katulong sa mansiong ito. Ngayon, hindi ko alam kung bakit pa ako namalagi at ano ang misiyon ko.




"Ang simple simple lang ng inuutos ko sainyo nakawala pa si Pareda! Ano mga gunggong!" Halos sumakit ang tenga ko sa sigaw na yon. Nakayuko ang tatlong tauhan nito habang nakasandal si Dazon sa pader. Si Connor naman ay dekwatrong upo sakanyang upuan. Nadaanan ko lang silang nag tatalo sa salas.




"B-B-B"




"Tumahimik ka Victor! Gusto mong tuluyan kong puluputin yang dila mo?!" Pagalit na sabi niya dun kay Victor. Napailing naman ako. Bumalik nanaman kasi ito sa dati. Nagulat ako ng mapadako sakin ang kanyang titig.




"Mamaya na tayo mag usap." Sabi nito at tumayo. Sinalubong niya ako habang nakapamulsa at nakakunot parin ang noo. Ang mga mata'y kakikitaan mo ng pagkairitable.




"Hera pasensiya kana." Nagulat ako ng sa unang beses ay humingi sakin ito ng pasensiya. Hindi pa man ako nakakapagsalita'y may narinig kaming pusa. Oo pusa sa labas ng mansion. Nagmumula ito sa pool.




"Dazon ano yon pusa!" Nagulat ako sa reaksiyon ni Connor. Naiirita ito lalo sa pusa. Irita na may halong takot?




Nagtungo si Dazon sa labas at ng makabalik sa salas ng mansion ay may hawak hawak na itong kulay puting pusa na may kulay asul na mga mata.




"Wow pusa." Sobrang natuwa ako ng makakita nito. Nadinig ko ang pag kasa ng baril ni Connor.




Napalingon ako sakanya. Nagulat ako dahil namumutla na ito at pinag papawisan pa.




"Taranrado ka Dazon bakit mo pinasok dito yan! Ilayo mo sakin yan!" Sabi nito. Anong nangyayare sakanya? Wag mong sabihing?




"Dazon! Ilayo mo yan!" Sigaw ni Connor. Halata naman ang pagpipigil ng tawa ng ilang tauhan ni Connor dahil sa reaksiyon ng kanilang Lord.




"Meow." Sabi ng pusa.




"Dazon!" Nagulat ako ng mangatog ang kamay ni Connor.




"Takot ka sa pusa?" Hindi ko napigilang tanong at natawa ako. Hindi ko na kasi mapigilan. Ang isang demonyo ay may kinatatakutan din. Nagsipagtawanan na ang mga tauhan ni Connor at halata naman ang pag pipigil ng tawa ni Dazon.




"Anong tinatawa tawa niyo! Dazon gusto mo ng mamatay ha! Ilayo mo sakin yan!" Sabi ni Connor na naiirita na.




"Pwede bang sakin nalang yung pusa?" Hiling ko at kinuha ito sa kamay ni Dazon.




"Ano!" Gulat na tanong ni Connor at napaatras ito.




"At dito talaga sa pamamahay ko!" Iritableng sabi nito.




"Sige na hindi kaba naaawa? Ang cute cute nga nito oh tignan mo." Ilalapit ko palang sakanya ito ng umatras siya.




"Huwag Hera." Namumutlang sabi nito.




"Tama na Hera. Ayaw ni Lord ng pusa." Sabi ni Dazon.




"Ganon? Sayang gusto ko pa naman ng pusa." Malungkot na sabi ko habang hinahaplos ang pusa.




"Hay sige Dazon pakawalan mo na ang pusa ito na." Malungkot na sabi ko.




"Sandali." Sabi ni Connor. Sinenyas niya gamit ang baril na ibigay sakin ang pusa. At ganon nga ang ginawa ni Dazen ibinigay nito sakin ang pusa.




"Sinong nagsabing takot ako ha? Wala akong kinatatakutan." Inis na sabi ni Connor at pigil naman ang tawa ng mga tauhan nito. Napalunok si Connor at niluwagan ang neck tie.




"I some need air." Iritang sabi nito na halos mahimatay na sa pusa.




"Meow." Tumalon ang pusa sakin at gustong sumunod kay Connor.




"Don't you fcking dare to follow me!" Sigaw nito sa pusa na takot na takot.




"Meow?" Parang napatanong ang pusa dito. Hindi na namin napigilan at nagtawanan na kaming lahat. Bakas na bakas naman ang pagpipigil ng galit ni Connor.




At kumpirmado nga.




Kumpirmadong takot siya sa pusa.

Trapped with the Devil ✔ Where stories live. Discover now